Things I wanna say, but I can't

1 0 0
                                    

Bakit ganon? Kung kelan nagpapaka-sweet ako sa'yo at bumabawi siya namang paglayo mo. Kaya hindi ko maiwasang di makapag-isip ng malalim lalo na ang patungkol sa atin.

Ayaw mo na ba sa akin? Naiinis ka na ba sa mga paulit-ulit na paghingi ko ng tawad sa mga walang kwentang bagay na nagagawa ko sa'yo? Alam mong pwede mo namang sabihin sa akin diba? Hindi yung kikimkimin mo lang sa sarili mo, then later on susuko ka rin pala.

Susukuan mo rin pala ako. Pero hindi ko sasabihing sana noon mo pa ginawa. Kasi alam ko sa sarili ko na naging masaya ako sa mga panahong nakasama, nakayakap at nahalikan kita.

Hindi rin kita sisisihin kung sakaling iwan at layuan mo ako. Kasi alam ko may mali rin ako at aware ako sa mga ginagawa ko. Yun nga lang ang masaklap lang din ay yung hindi mo ako tinama sa mga yun.

Ang hirap.

Ang hirap kasi ikaw yung naging mundo ko sa araw-araw na nabubuhay ako dito. Na mula paggising ko chat mo agad ang mababasa ko. At ganon ka rin sa akin. Pero bakit parang ang bilis magbago ng panahon? Dati ang sweet-sweet mo, ngayon naging mapakla na.

Ano ba kasi talagang ginawa ko? Sana kasi magsabi ka man lang. Ang hirap mo kayang basahin. Alam ko ba yun?

Hay.

Pero kasi.. Kahit sobrang nagbago ka na, hindi pa rin ako magbabago para sa'yo. Kasi alam ko na darating ang time na babalik ka rin at mawawala na ang pagka-miss ko sa'yo. Kasi every day that God has given us, I miss you.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon