Aldrin's POV
4am. Naalimpungatan ako dahil sa sama ng sikmura ko. Dali dali ako nagpunta ng CR at dumuwal. Gumaan naman ang pakiramdam ko. Mukhang kailangan ko na nga talagang magmove-on. Hindi naman ako ito eh. Never ako uminom na halos araw-arawin ko na. Tama na nga Aldrin! Magmoveon ka na. Hindi alak ang sagot sa problema mo. Kundi dapat ay tanggapin mo na ang nangyari.
Bumalik ako sa kama at kinuha ang aking cp. bumungad sa akin ang 3 viber messages galing kay Sam. Uy! Naalala ako ng bestfriend ko.
Msg1 - "Oh! Nakaalala ka ata?"
Msg2 - "Oi! Tinulugan mo na ata ako. Kamusta ka na? Miss na kita... ako ba ay namimiss mo rin? Pasensya na busyng busy sa buhay alam ko rin naman na ikaw din... kita naman tayo"
Msg3 - "Tulog ka na nga... oh sya matutulog na rin ako. Pag nabasa mo toh sabihan mo ako if gusto ko makipagkita sa akin ah... goodnight Mr.Bean.. katabi mo na si Tidi!! 😊"Napangiti ako sa message ni Sam. Akala ko ay nagtatampo talaga siya sa akin. Buti naman at nagreply sya sa message ko. Pero wait! Makikipagkita ba ako sa kanya? Baka isipin naman niya na kaya lang ako makikipagkita dahil malungkot ako? Pero kelangan ko si Sam talaga ngaun. Kailangan ko siya sa mga oras na ito na nasasaktan ako. Wala naman siguro masama dun.
Nagreply ako sa message niya
"Sorry nakatulog na agad ako. Sige kita tau kung pwede ka mamaya after work? Nakakahiya man sabihin sayo pero kailangan ko talaga ikaw ngayon... drama ba? Hehe... pero may isa lang ako favor... pwede bang libre mo ko? Wala na kasi ako budget eh hahahahaha.. i miss you taba!"
Hahaha hindi ko na maimagine kung ano itsura nito ni Sam pagkabasa ng message ko sa kanya.
Bakit nga ba kami naging magkaibigan nito ni Sam?
Magkaklase na kami ni Sam since elementary. Siya yung pinakaiyakin sa school namin. Madalas ko siyang asarin dahil natutuwa ako pag umiiyak siya. Minsan ang ginawa ko lahat ng bags ng mga kaibigan namin na babae ay binuhat ko maliban sa kanya. Dahil dun ay umiyak siya. Nung araw din na yun ay may binigay siya sa akin na sulat. Ang nakalagay sa sulat ay "alam ko naman na ayaw mo ako maging friend pero ang sama ng ugali mo"
Sa inis ko sa sulay niya, nilukot ko iyon at tinapon sa basurahan. Nang makagraduate kami ng elementary wala na ako naging balita sa kanya hanggang nung college na kami ay may nareceive ako na friend request sa friendster. Familiar sa akin ang mukha pero hindi ko makilala. Nung tinignan ako ang pangalan. Sam Solis. Uy! Si Sam na ba ito? Ang laki ng pinagbago niya ah. Yung dating mataba nung elementary kami pumayat na at dalagang dalaga na siya ah. Simula nun ay naging kaibigan ko na si Sam sa friendster. Pagaccept ko ng friend request niya nakita ko ang message niya sa akin sa friendster.
"Hoy Aldrin! Kamusta ka na? Mukhang lumaki ka na ah! Dati ang liit liit mo. Ikaw nga lagi ang una sa pila.. Oh sya! Happy ako at nakita uli kita kahit sa friendster lang hehe"
Agad naman ako nagreply sa message niya at hiningi ang number niya. Maganda si Sam ngayon. Ibang iba na siya sa Sam na nakilala ko nung elementary kami.
"Oo naman! Hindi kita malilimutan. Iyakin ka pa rin ba? Hahaha. Ano nga palang number mo para matext naman kita hehe"
Pagkasend ko ng message niya after 10mins nareceive ko ang reply ni Sam. Aba at online din pala siya. Binigay naman niya ang number niya sa akin sabay sabing...
"Magpakilala ka pag nagtext ka ah.. hindi kasi ako palareply lalo kung hindi ko kakilala"
Kinuha ko ang numbers na binigay niya at sinave sa cp ko na nokia 1100... nagtext ako na "Sam...si aldrin to. Ito yung number ko"
Simula noon ay nagkatext na kami ni Sam. Nung mga panahon na iyon. Habang magkatext kami ni Sam ay unti unting nahuhulog ang loob ko sa kanya. Hanggang sa....
"Aldrin! Break na kami..."
"Sam oh? Ng bf mo na criminology student?"
"Oo eh... nakipagbreak ako... hindi ko alam"
"Bakit? Ikaw ah... baka naman gusto mo ako kaya nakipagbreak ka" biro ko...
"Pano kung ikaw nga ang rason kung bakit kami nagbreak?"
"Hahaha seryoso ka ba dyan? Hindi nga?"
"Syempre hindi... eh ayaw mo nga makipagkita sa akin... ikaw yung kakilala ko noon pa na parang stranger dahil hindi nakikipagkita sa akin"
"Ay akala ko seryoso ka. Plano ko pa naman na gawin kang gf para hindi naman masayang ang pakikipagbreak mo sa ex-bf mo" sinabi ko sa kanya na may panghihinayang.
Simula noon, kahit sobrang gusto ko si Sam hindi ko siya nagawang ligawan. Kung ito lang ang dahilan para manatili siya sa buhay ko
Nakakaisang taon na kami sa trabaho namin nang magdecide ako na makipagkita sa kanya. Nang magkita kami... sobrang ganda ni Sam. Ang laki talaga ng pinagbago niya. Pero ramdam ko naman sa kanya na hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Ang una naming pagkikita, nasundan pa ng maraming pagkikita, magkasamang celebration ng birthdays. Even sa special occassion ng kanya kanya namin pamilya ay hindi kami nawawalang pareho. Its as if kami ay parte na ng aming bawat pamilya. Sam is really important to me. Siya yung taong kinatatakutan ko na mawala sa buhay ko. Kaya nga never ko ginawang ligawan siya. Dahil natatakot akona masaktan ko siya at yun ang maging dahilan para mawala siya sa buhay ko.
Naging babaero ako. And I am very open sa kanya sa mga babaeng dinedate ko, pinapaasa at sinasaktan. Feeling ko naturnoff na sa akin si Sam sa mga pinaggagagawa ko. Kaya nung makilala ko si Jennifer, nakita ko si Sam sa kanya. Kaya niligawan ko siya, minahal at hindi sinaktan. But in the end, ako pa rin pala ang sasaktan niya. During those days na pagsuyo sa kanya at naging kami, nalimutan ko ang best friend ko, nalimutan ko ang babaeng una kong minahal bago siya.
Kaya hindi ko na alam kung pano ako haharap sa kanya. Pano ko hahayaan na iabsorb niya lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko knowing na masaya siya sa piling ng iba.
Mamaya magkikita kami. Hindi ko dapat ipakita sa kanya kung gaano ako ka-wasted. Gusto ko strong ako sa harapan niya para mabawasan naman ang pag-alala niya sa akin. I know its selfish but I really need her now. I need you Sam... more than you'll ever know.
-------------------------------------------------------
May chance pa kaya ang lovestory nila Aldrin at Sam. They are so perfect for each other sana pero laging hindi sila pwede sa isat isa. Abangan natin sa mga susunod pa na updates
BINABASA MO ANG
Paano nga ba mag-move on?
Roman d'amourPara sa mga taong gustong magmove on.. ayaw magmove on.. pamoveon na nahurt pa rin...