19

13.9K 336 8
                                    

Nasa hallway kami at hinihintay ang pinsan ni Mikey na maghahatid sa amin papuntang pavilion. Si Jade ang.inutusan kong mag-abot ng laptop matapos kong matanggap ang mensahe nyang huwag ako ang mag-aabot na ganito ang suot ko.

Kanina pa sya tawag ng tawag, hindi ko sinasagot. Ika limang tawag nya na ito, sasagutin ko hindi dahil makulit na sya kundi dahil alam kong nag-aalala na sya sa akin.

"Hello Tons" lumayo ako ng kaunti sa mga kaibigan ko. Nahihiya ako na baka makaisip sila kung sino si Tons na laging tumatawag at nagtetext sa akin.

[Where are you now?] May pag-aalala sa boses nya.

"Nasa dorm pa" agad kong sagot.

[Who gave you that dress?] Hindi ko alam kong galit sya o possessive lang sya?

"Si Mickey dala nya galing sa kanila. Pangit ba? Hindi ba bagay?" kabado kong tanong.

[Tsk!] pagod at inis ang pinakawalan nyang tunog.

"Bakit?" nanlumo ako, ayaw nya ba?

[Ill fetch you later, dont near to any boys there. I will send someone to watch over you love, try me not!] may banta sa boses nya. Pakiramdam ko galit sya dahil ba sa outfit ko? Sana hindi nalang ako nagpadala ng picture.

Natahimik ako, naunahan ng galit nya ang excitement kong dumalo sa soiree. Siguro hindi bagay sa akin ang damit ko. Baka nagmukha akong malandi, baka nasobrahan ang make up ko.

[Your damn beautiful love, im mad kasi ayaw kong makita ka ng iba na ganyan ka kaganda. I hate competition. I selfishly want you alone] my ngiting nakawala sa labi ko. Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko sa narinig ko. Enough na yun to last this night. Okay na hindi ako umatend kasi masaya na ako.

[Enjoy your night, sorry] pagod nyang sabi.

"Its okay my loves, im  flattered by the way!" Nakangiti kong sabi.

Napatawa sya. [Now your flirting with me huh?]

Napatawa ako. "Di kaya, ikaw kaya itong malandi" napatawa sya.

[Sa akin kalang maglandi, walang problema huwag lang sa iba at baka mapatay ko kayo] banta nya.

"Oa, sige na aalis na kami" mabilis kong binaba ang tawag nya nang makita ang pinsan ni Mikey na nasa gate na.

Ginapangan ako ng hiya nang mapansin na parang ang suot ko lang ang sexy, may mahabang slit pa kasi ito na halos labas na ang buong legs ko.

Pero ang hindi ko maproseso puro positibong pagbati ang natatanggap ko sa kanilang lahat.

Hinatid kami sa pavilion. Pagpasok palang namin may malaking wall na nakaharang kung saan may dalawang photographer na inupahan ang college para kunan kami ng litrato. Magkasama kami ni Mikey na nagpakuha. Lakas loob akong nagpose ng maayos. Gusto ko ring ienjoy ang pagkakataong ito lalo na't unang besis ko ring maranasan ang mga tulad nito kaya lulubus-lubusin ko na.

Pagpasok namin, naghanap kami agad ng magandang pwesto ni Mickey. Malapit sa runway dahil may pipiliin raw na rarampa sa mga estudyante. Hindi na kami umasa pa basta ang amon, makakakita kami ng maayos.  Magara at bongga ang dekorasyon, sosyal dahil ginaya nila ang star magic ball.

Maraming nagpapicture sa amin ni Mickey, mostly mga naging kaklase namin, naging kagroupmate at kaibigan.

TONS:
Trust me u'll njoy the night... 😘

Napakunot ang noo ko, dont tell me maggate crash sya para magpakapossessive lang.

Ako:
Sure... I will... 😛

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon