Dedicated kay Kathleen! Thanks sa pagsupport mo sa mga stories ko saka dun sa mga covers na ginawa mo ^___^ God Bless & more powers to your amazing stories <3
--Miss Torpe--
"Hi ako nga pala si Kath....
ang KATHuparan ng mga panalangin mo"
Waaaah! mali! Mali! Hindi talaga maganda eh! Ang sakit naman nito sa bangs oh >.< erase na nga!
Sayang na naman tuloy yung stationary ko T^T magiging scratchpaper na naman to for sure sa math.
Hmmm??? ano ba kasing maganda?? Yung uso ngayon? Pick up line? iiihhh hindi ako magaling dun eh >3<
Isip....isip....
*ting* *light bulb* Ah alam ko na! eh kung ganito nalang kaya..
"hi ako nga pala si Kath...
I'm going to KATHch you if she left you ."
Tama eto nalang ^___^ may mas dating pa kasi english hihihih...pero kaso...
Waaaaah eh wala namang mang iiwan sa kanya kasi wala naman siyang girlfriend o nililigawan huhuh ano ba yan >3< bakit ba kasi ang hirap gumawa ng love letter?
Lord, bat ba kasi hindi nyo ako nasabihan nung nagpaulan kayo ng contifidence??? Pwede nyo naman akong tawagan o itext saka may FB naman i-PM nyo nalang sana sa akin na magpapaulan kayo, yan tuloy kababaeng tao ko ang torpe ko >.<
Yeah you read it right =___= isa akong babae na isang malaking TORPE >3<
Akala nyo ba mga lalaki lang ang pwedeng maging torpe? hindi ah may mga babaeng torpe din like me. Proud pa ako no? well wala namang makakaalam kasi nga torpe ako which means wala akong pinagsasabihan maliban nalang sa best friend ko.
Wait nga lang bakit ba ang word na TORPE ang ginamit kong pangdesrcibe sa akin eh pwede namang Malihim? o kaya Mahiyain? o kaya nama---ayts! wala talaga akong maisip na ibang word na ipang didescribe sa akin kasi Torpe lang naman yung naiisip ko kapag hindi ko masabi yung true feelings ko para sa kanya.
Saka mas unique na yung torpe ayokong masabihin ng kung ano pa man like pakipot =__= hindi naman ako ganun.
Sasabihan ka lang ng pakipot kung nililigawan o nagpaparamdam siya sayo kaso hindi naman sya ganun sa akin kaya hindi ako Pakipot, isa akong Torpe kasi hindi ko maamin amin sa kanya yung feelings ko.
Haysss *face palm* kung bakit ba kasi naging magkaibigan tayo eh pwede namang magcouple di ba?? Buhay nga naman
Nakayuko ako habang tinitignan yung picture nya na stolen shot ko lang naman sa cp ko.
"Bat ba ang gwapo mo? yan tuloy lalo akong naiinlove sayo"
"Kathleeeeeeeeeeeeeen~~!"
Kyaaah~~!! Yung boses nya! sya na yan teka yung love letter ko.
Bago pa sya makapunta sa harapan ko tinago ko na sa notebook ko yung ginagawa kong love letter mahirap ng mabuking no.
"Oh Minho! Ikaw pala yan heheh"
Tsk ano ba yan bat ang awkward ng tawa ko?! baka mahalata ako niyan eh >3<
"Ayos ka lang, bat ganyan tawa mo?"
Sabi sayo eh! ayusin mo nga kathleen mamaya mabuko ka nya ng wala sa oras.
"Haha wala lang ^__^"