Chapter 53

1.4K 37 2
                                    


Lory pov!

Malamig na hangin ang sumalubong sakin pagpasok ko sa bahay nila Xander. Hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag ang parents ko tungkol dito pero kailangan ko ng maniwala kasi nandito na ako at naaamoy ko na ang kalbaryo ng buhay ko.

"Akin na yan." nagising ako sa pag.iisip ng kunin ni Xander ang hawak kong maleta. "Manong Robert paakyat na lang po nito sa kwarto ko." napatingin ako kay Xander ng sabihin niya yun. Para kasing kinabahan ako. Sa kwarto niya ako matutulog? Kasama siya? "Bakit?" masungit niyang tanong sakin.

"Wala!" inirapan ko siya. Hayy, buti na lang talaga ayos na kami ng parents ko kaya kahit anong gawin ni Xander na pagsusuplado sakin ayos lang kasi good mood ako pero sana last na yun na magiging kasalanan ko sa parents ko.

"Hindi pa rin talaga kayo nagbabago." saad ni Manong at binitbit na ang gamit ko sa taas. Ngayon ko lang ulit siya nakita ulit. Siya si Manong na palaging kasama ni Xander sa office.

"Manang Diling sila mommy?" tanong niya sa isang matandang babae.

"Hindi ba tumawag sayo? Isang linggo daw na magaout of town sila kasama ang mga kaibigan nila."

"Nakuha pa nilang magout of town. Eh si Lolo kasama din ba nila?"

"Nasa kusina siya. Hinihintay na niya kayo."

"Bakit hindi siya sumama?"

"Ikaw talagang bata ka." natatawang sabi ni Manang. "Tumuloy na nga lang kayo sa kusina."

''Kumain na ba kayo Manang?"

"Oo. Nauna na kami."

''Ang sama talaga ng ugali mo noh? Makapagsalita ka sa lolo mo!"

"Shut up! Makapagsalita ka parang kilala mo Lolo ko." sumunod na ako kay Xander papuntang kusina at nadatnan namin na kumakain na ang Lolo niya.

"Good Evening Lolo." lumapit si Xander sa kanya.

"Good Evening po." bati ko rin sa kanya. Lalapit din sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Pinaghintay niyo ang pagkain."

"Pasensiya na po." yun na lang ang nasabi ko. Hindi ko nga kilala ang Lolo niya.

"Kumain na kayo. I lost my appetite." tumayo na siya at walang lingon na lumabas.

"Problema ng Lolo mo? Sana pala nagout of town na lang din siya." isang matalim na titig ang binigay sakin ni Xander.

"Pwede bang kumain ka na lang dyan." madiin niyang sabi kahit pabulong lang ang pagkakasabi niya nun.

"Ito na kakain na. Nagagalit sa Lolo niya wala naman silang pinagkaiba."

"Would you stop murmuring?" isinubo ko na ang karne na nakatusok sa tinidor ko. Baka kasi ano pang masabi ko.

**************

Sinundan ko ng tingin si Xander habang bitbit ang isang unan at tumigil munang saglit habang nakatingin sa cellphone niya kaya malaya ko siyang natititigan ngayon. Grabe ang gwapo niya pala kahit nakapangbahay lang. Nakagray t.shirt lang at shorts lang siya pero ang linis niyang tingnan. Bakit ngayon ko lang nakita ang kagwapuhan niya?

Lory tigilan mo yan baka ano ang gawin mo mamaya kapag nakatulog na si Xander. Pero bakit parang iba yata ang nakikita ko na ngayon na nakatalikod sakin. Habang tumatagal kasi rumirihistro na ang imahe ni Mike na nakatalikod sakin.

"Bakit nandito ka?" tumagilid ang ulo ni Xander at magkasundo ang mga kilay na nakatingin sakin.

"You have guts to ask me that? Of course this is my room."

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon