▬TRIXIE'S POV
"Don't be late tomorrow! I might miss you!"
"Don't be late tomorrow! I might miss you!"
"Don't be late tomorrow! I might miss you!"
Nako Sir! Male-late ako bukas dahil hindi ako makatulog sa mga pakilig mong wagas! Argh! Madaling araw na pero mulat na mulat pa rin ako! Pano ba naman! Hanggang ngayon parang ume-echo pa rin yung pahabol na sigaw ni Sir!
Tsk! Kailangan ko ng matulog kasi maaga pa kami bukas dahil may performance ulit ang OP sa main campus. Kasalukuyan kong pinipilit na makatulog nang biglang mag-ring yung phone ko. Si kuya tumatawag. Syempre, sinagot ko.
"Yes kuya?" bungad ko.
/ "Trix! Punta ka dito sa condo bukas." / sabi niya.
"Why o why?" I asked.
/ "Basta." / he answered.
-______________-
"Arte mo kuya. May pabasta-basta ka pang nalalaman dyan." sabi ko.
/ "Eh basta. Punta ka ha. Pwede ka na ba ng mga 4pm?" / tanong niya.
"Yup. Wala na kong klase nun." sagot ko naman.
/ "Ayun okay! Sige. Kita na lang tayo bukas. Matulog ka na. Madaling araw na oh. Wag mo kasi masyadong isipin si Darrel. Mahal ka nun! Hahaha!" / sabi niya.
-_______________-
Mag-uumpisa na naman ang kalokohan nitong kuya ko.
"Ewan ko sayo kuya. Ba-bye na. Tulog na ko." I said.
/ "Okay. Naka-lock na ba yung mga pinto dyan sa bahay?" / tanong niya.
"Yup. Ni-lock ko na." I replied.
/ "Osige. Sleep well." / he said.
Then we both ended the call. Ilang minutes pa, nakatulog na din ako sa wakas.
The next day, nagising ako sa tawag ni Sir Darrel at ng mommy ko. Nagulat ako kasi ang ine-expect ko lang na tatawag sakin para gisingin ako eh yung mommy ko. Ganun kasi ang set-up namin sa tuwing wala sa bahay si mommy. Tatawagan niya ko ng maaga para gisingin ako. Hindi siya titigil sa pagtawag hangga't hindi ako nagigising. Kukulitin niya talaga ako ng tawag. Wala kasing epek ang alarm sa nilalang na katulad ko. Forever snooze lang ang mangyayari.
Pero ngayon iba. Hindi lang si mommy ang tumawag ng paulit-ulit para gisingin ako. May katulong na yata si mommy sa paggising sakin. ^_________________^
Parang ewan na naman nga si Sir kanina eh! Balak na naman akong sunduin! Sabi ko na lang wag na kasi dadaan pa ko sa bahay ng pinsan ko para manghiram ng libro sa isang subject ko. Buti naniwala siya sa excuse ko! Hehe!
After more than an hour, ready for school na ko.
I'm on my way to school nang ma-receive ko yung text ni Zarah, saying na okay na daw sila ng boyfie niya. Nako! For sure haping-hapi na naman yung babaeng yun! Ibig na ibig pa naman yun! Well, I'm happy din naman for her. ^______________^
Since maaga pa at hindi pa masyadong traffic, nakarating ako kaagad sa school. Sa main campus na ako dumiretso gawa nga ng may performance ang org namin doon ngayong umaga. Mamaya pa talagang 12 ang klase ko.
Nadatnan ko sa auditorium yung mga early bird kong orgmates at si Zarah na nakikipagkwentuhan kay Sir Darrel. Wala pa yung ibang mga girlfriends ko. Ang aga ko pala. Madalas kasi ako yung late sa aming pito eh.
Sumali ako sa kwentuhan nung dalawa hanggang sa unti-unti na kaming dumadami at makumpleto na kami. Kumpleto na rin ang performers.
Ilang sandali pa, nag-start na yung event at nag-perform na kami kaagad. Opening number kami eh.
After ng performance, nagpunta na sa kani-kanilang klase yung iba naming ka-org. Si Sir Darrel dumiretso na rin sa klase niya at kami naman ng mga sisters ko, dakilang tambay sa SM Sta. Mesa. Mamaya pa naman klase namin eh. ^____________^V
Pumasyal-pasyal lang kami sandali at kumain. Nung 11:45 am na, bumalik na kami sa campus. Straight ang klase namin until 4 pm.
Mabilis na lumipas ang oras at di ko namalayan, uwian na pala. Nagpaalam na ako sa mga dear friends ko at pumunta na sa place ni kuya.
"Hi Trix!" masayang bati sakin ni Kuya pagdating ko.
"Hi kuya." bati ko rin naman.
"Kumain ka na ba? Nagpadeliver ako ng favorite mong pizza." he said.
Sweet talaga 'tong kuya ko noon pa man.
"Kahit kumain na ko kuya eh hindi ko yan tatanggihan." sabi ko.
"I knew it." sabi niya.
Naupo na kami sa sofa, kumain at nagkwentuhan about random topics. Hindi ko nga lang alam kung paano napunta kay Zarah ang usapan.
▬BJ'S POV
"Suplada ba talaga yung si Zarah?" I asked.
"Hindi naman. Pinagtitripan mo kasi kaya ka tinatarayan nun! Haha! Kalog kaya yun sobra!" Trix answered.
"Akala ko galit sa mga gwapo. Hahaha!" sabi ko.
"Hindi ah! Face value din kaya yung boyfriend niya!" sabi ni Trix.
Anak ng tokwa! Tama ba yung dinig ko?!
"May boyfriend siya?" tanong ko.
"Yup. Lampas one year na nga sila eh." sagot niya.
Hindi na ko naka-react. Parang nalungkot ako bigla. Tsk! Badtrip naman oh!
"Bakit bigla ka yatang nalungkot dyan kuya?..." tanong niya, then she suddenly gasped.
"OMG!!! Don't tell me interesado ka sa kanya?!" she asked with her eyes opened wide.
Ay sh*t! Nai-issue pa ko ni Trix!
"Oi oi! Interesado ka dyan! Wag mo kong gawan ng issue Trix. Malayo siya sa mga type kong babae! Na-curious lang ako sa kanya! At hindi interesado! Magkaiba yun!" sabi ko.
Ako pa magka-interes doon sa supladang kaibigan na 'yon ni Trix?! Tss. Kalokohan.
YOU ARE READING
I Don't Wanna Fall In Love
Novela JuvenilA story of a lady who never wanted to fall in love. But what could she do if loves comes knocking at her door? Will she be ready to let it in? When LOVE is already right in front of her eyes, will she turn away?