Klea's POV
Naglalakad kami ngayon sa feild katatapos lang naming ikutin ang dalawang building which is mga classrooms lang. Ang yaman naman ng may-ari nito.
Hmm 4 buildings to go. Ang laki kasi nitong school nato kaya ang lalaki ng building tapos ang lawak pa ng feild siguro napapagod ang naglalakad nito.
"Kris ang laki naman ng school nito nakakapagod nang maglakad" reklamo ni Frenzy, hayy ito talagang babaeng to reklamo ng reklamo.
"Zy alam m-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Kris.
"Ay pwede naman tayong sumakay" masayang sabi niya. Sumakay? Saan naman?
"Saan naman tayo sasakay at meron bang sasakyan dito?" tanong ko, kung meron nga ang cool talaga.
"Merong sasakyan dito, at dun tayo sasakay" sabi niya at itinuro yung building sa likod ko.
Tiningnan naman namin yun ni Frenzy, meron ngang sasakyan dun na di ko alam kung anong tawag ang hirap rin niyang i-explain.
"Anong tawag diyan?" tanong ko habang naglalakad kami papunta dun.
"Hmm, ang tawag diyan ay tricycab, tricycle siya na malaki tapos mukha rin siyang taxi cab" paliwanag sa amin ni Kris.
Ah so ganun pala yun, maganda siya maliliit yung gulong niya, pero kaya naman nitong makapagsakay ng anim na tao.
Ang cool naman.
Nakarating na kami dun at sumakay na agaf, malayo-layo pa kasi ang pupuntahan namin mas mabuti nato nakakapagod kaya at ang init pa.
"Ako na ang mag-da-drive" volunteer ni Kris, since siya naman ang may alam dito siya nalang ang pinag-drive namin.
Sumakay na agad kami at umalis na, ang laki talaga nito at ang cool, sino kaya ang nagmamay-ari ng school nato? I bet he or she is so damn rich.
"Kris matanong ko lang sino nga pala ang nagmamay-ari ng school nato?" tanong ko habang nakatingin sa labas.
"Hmm, this school is owned by the family Carson" sagot niya habang nagda-drive.
Hmm yaman nito.
"Family Carson? Sabihan mo naman kami tungkol sa kanila para hindi kami ma-out of place dito" sabi ni Ashleigh.
"Huwatt di niyo sila kilala?" tila nakakita ng multo na sinabi ni Kris.
Tumango naman si Ashleigh at ako naman ay di na sila pinansin at nakikinig lang.
"Okay kukwentuhan ko kayo kahit, ang hirap paniwalaan na di niyo sila kilala, pero konti lang yung mga sasabihin ko, pumunta na lang kayo sa library kung gusto niyong mas makilala pa sila." sabi niya na bakas pa sa mukha niya ang pagkabigla.
Nakinig na lang ako sa kanila.
"Laurel Carson, the most powerful, popular, and rich man in the Philippines. He have a successful business career. He have a wife named Renzel Carson. They owned this school, obvious naman dahil Carson University ang name nitong school, meron silang tatlong anak dalawang lalake at isang babae." kwento niya sa amin. Hmm kaya naman pala familiar sakin yung Carson, narinig ko na pala yun sa bahay nung nag-uusap ang parents ko.
Ahh oo nga pala di ko nasabi sa inyo na Carson University ang name ng school, nakalimutan ko kasi kanina.
"Kris ano naman ang name ng mga anak nila?" tanong no Frenzy, nice question Zy. Ano kaya pangalan nila?
"Ang ang pangalan nila ay--" di natapos ni Kris ang sasabihin dahil nandito na kami sa building na pupuntahan namin.
"We're here" sabi ni Kris at nauna ng bumaba, sunod namang bumaba si Ashleigh at ako nalang ang naiwan dito. Naghintay pa ako ng ilang segundo bago bumaba.
Wala lang gusto ko lang munang umupo dun nakakapagod maglakad.
Itong pinuntahan namin ay Computer Lab. sabi ni Kris, which is true dahil may nakatatak sa taas na 'COMPUTER LABORATORY' well ang nakakapagtaka lang is ang laki nitong building, imposible naman sigurong computer lang to lahat.
Pumasok na agad kami.
Pagkapasok namin ay bumungad samin ang lobby, so mukha rin pala itong hotel. Tsk.Cool talaga nito may hagdan at elevator pa dito.
Naglakad agad kami papunta sa elevator.
"Tara na" sabi ni Kris at nauna ng pumasok, sabay naman kami ni Frenzy. Buti nalang at wala masyadong tao rito dahil class hours nila.
Pinindot ni Frenzy ang 1st floor, ang nakalagay kasi doon ay hanggang 9th floor kasama narin dun ang floor ng nag-ooperate ng computers.
Nakarating na agad kami dun at pagbukas ng elevator ay bumungad sa amin ang napakaraming computers.
Kung titingnan mo siya akala mo office pero hindi.
"1st and 2nd floor are the computer lab of 1st years, in every floor there are 100 computers." sabi ni Kris, woah grabe ang yaman talaga nila.
Pagkatapos namin yun libutin ay pumasok na agad kami sa elevator para pumunta sa 3rd floor which is the computer lab of 2nd years.
Hmm dito naman sa 3rd floor ay kulay yellow ganon din sa 4th floor, kanina kasi dun sa 1st and 2nd floor ay kulay green.
Parehas lang naman ang seating arrangements sa lahat.
Natapos na rin naming libutin ang 5th,6th,7th and 8th floor. Gaya nga ng sinabi ko kanina parehas lang ang seating arrangements, ang iba lang ay ang kulay sa 5th at 6th floor ay kulay red para sa 3rd years, sa 7th at 8th floor naman ay kulay blue which is for the 4th years sa amin.Nandito kami ngayon sa elevator papunta kami sa 9th floor which is ang operating room.
"We're here" sabi ni Kris, lumabas na agad kami at nag-ikot dun, hmm malaki naman siya marami nga ang computers dito which is for operating.
"Tara na at marami pa tayong pupuntahan" sabi ni Kris at tumango lang kami ni Zy.
Lumabas na kami ng building at sumakay sa tricycab.
"Kris anong susunod nating pupuntahan?" tanong ko.
"Hmm next stop Science Lab" sabi niya at pina-andar na ang tricycab.Di nalang ako umimik at tumingin ulit sa labas.
"Zy ang tahimik mo ata?" biglang tanong ni Kris. Yep she's right bakit ang tahimik ni Zy.
"Huh uh nothing, just thinking some random thoughts" she said, hmm I smell some fishy.
There's something wrong to her.
Aha! Di talaga siya marunong magsinungaling. Di niya ko malulusutan.This girl is so damn innocent.
Psh magsisinungaling na nga lang huling-huli pa.
Nag-e-english lang naman tong babaeng to kung may problema siya or may bumabagabag sa kanya."Okay, if you say so" sabi ni Kris at nag-drive na lang ulit at di na kami pinansin.
Tiningnan ko naman si Kris at sinigurong di niya kami mapapansin.
Di naman kaya lumapit ako konti kay Zy at tinanong siya ng pabulong."What's the problem?" tanong ko agad ng makalapit ako. Nagulat naman siya sa paglapit ko kaya matagal siya bago nakasagot.
"Huh uh nothing" she said at umiwas ng tingin sa akin. Tsk tama nga ako.
"I know you have a problem dear, your not good in lying" pang-aasar ko sa kanya at bumuntong hininga naman siya bago nagsalita.
"I will tell you later" sabi niya at ibinalik na ang tingin sa labas.
Hayy ano or SINO naman kaya ang gumawa nito sa best friend ko?~~~~~~~~
YOU ARE READING
Her Monster Prince (On Going)
DiversosHer name is Klea Devalez she is a transfer student to a school named Carson University. In this school she met a guy, and this guy is the most scariest and dangerous guy in this school. Pero ipinag sa walang bahala lang ito ni Klea. Because Klea is...