Chapter 1

14 2 0
                                    

Harmony's POV

Maaga akong nagising dahil monday ngayon at first day of school ngayon. Pagkatapos kong magligpit sa aking kama ay mabilis na dumiretso ako sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay sinuklay ko kaagad ang aking buhok, sabi nila konting ayos lang daw sakin ay mas lalo pa akong gaganda. Totoo naman kasi, meron akong pang mestiza na kutis, mapupula rin ang pisnge ko kagaya ng rosas at mayroon rin akong maninipis na labi.

Pero mamaya na ako mag-pupuri sa sarili ko. Dahil magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Harmony Snow Jimenez, 17 taong gulang na ako at nagaaral ako sa St. Bernard National High School, First day ko ngayon sa Senior High School, isa lang akong scholar dahil mahirap lang kami at hindi kakayanin ni Nanay ang tuition Fee doon kaya nag apply narin ako ng scholarship, tuwing hapon naman ay tumutulong ako sa library at kung maaga naman ako makakauwi tinutulungan ko si Nanay na magtinda.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan kong nagkakainan na ang aking Nanay at aking mga kapatid, meron akong dalawang kapatid si Melody at Spring kambal sila babae at lalaki, parehas lang silang nasa ika-limang baitang sa elementarya.

"Oh! Andyan ka na pala Mony, halina't kumain kana at baka malate ka sa iyong klase" ani Nanay habang nilalagyan ng kanin si Melody, sweet kasi talaga si Nanay samin eh.

"Oho Nay, at tsaka masyado pa hong maaga para malate ako"

"Kahit naba, mabuti ng makadating ka kaagad para naman hindi siksikan sa inyong gate"

"Hindi naman na ho nay siksikan yan, pinapapila naman po kami ng maayos ng guwardya eh,"

Hindi na nagsalita pa si Nanay kaya ipinagpatuloy ko nalang ang aking pagkain, ilang sandali lamang ay natapos narin ako at nagpaalam kay nanay na papasok na ako.

"Nanay mauna na po ako, Melody at Spring bilisan niyong kumain at baka mahuli kayo sa klase niyo, wag niyo narin pahirapan si Nanay ah" sabi ko habang inaayos ko ang aking bag.

"Ano kaba Mony, ayos lang naman ako."

"Kahit na Nay baka kasi masyadong niyong pinapahirapn ang sarili niyong pagsilbihan si Melody at Spring eh malalaki na ho yang mga yan" hindi naman na nagsalita si Nanay, ganyan sya ibig sabihin niyan tumahimik na hehe. "Alis na ho ako Nay".

"Magiingat ka" narinig kong sabi ng Nanay habang palabas na ako ng gate. Nakita ko naman si Aling Belen na nagwawalis, mabait yan lagi niya kasi kaming binibigyan ng ulam.

"Magandang umaga ho Aling Belen"

"Magandang umaga din Mony" ngiti nalang ang isinagot ko sa kanyan. At dahil maaga pa nilakad ko nalang ang papuntang school.  15 minutes lang naman, at tsaka hindi naman malalaman ni Nanay na naglakad ako.

Pagdating ko sa school ay agad kong hinanap ang room ko at nakita ko naman ito agad. Room 301-A ako, bale nasa third floor pa itong room ko. Pagkapasok ko ay marami naring studyante ang nandoon. Pumunta ako sa may bandang hulihan at umupo sa tabi ng bintana, dito ko kasi paboritong umupo. Meron namang babaeng umupo sa tabi ko.

"Hi, I'm Melissa Montenegro, but you can call me Lisa" pagpapakilala niya sa akin, nilingon ko naman sya, maganda sya meron syang mala manikang kutis at mukha, halatang sya ay mayaman, saka ngumiti ako at nagpakilala din.

"Ako naman si Harmony Snow Jimenez,  tawagin mo nalang din ako ng Mony"

"Wow, you have a beautiful name like you."

"Salamat, ikaw din ang ganda mo" medyo nahihiya kong sabi. May sasabihin pa naman sya ng biglang pumasok ang teacher namin.

"Good morning Class, I am Mrs Gloria Magdayao, since it's your first day of school wala na muna tayong masyadong gagawin but all of you have to introduce yourself in front" sabi ni Maam Magdayao. Nagsimula na ang introduction at syempre maraming nahihiya. Nang si Lisa na ang magpapakilala ay halos mapapanganga ang mga classmate ko kasi syempre ang ganda niya kaya, may nagtanong pa nga ng number niya pero tinawanan nalang niya. Pagkatapos niya ay tumayo na ako at nagpakilala rin.

"Hello, I'm Harmony Snow Jimenez,  pero tawagin niyo nalang akong Mony. Nice to meet you all" Masigla kong sabi. At bumalik na ako sa upuan ko. Magsasalita nanaman sana si Mrs. Magdayao ng may biglang magbukas ng pinto ng padabog at sigang pumasok sa loob ng room namin.

"Mr. Smith where is your manners? "

"I forgot it in my house,  maybe I'll bring it tomorrow" pilosoping sabi nung Mr. Smith daw.

"Introduce yourself first in front before going to your seat" pambabaliwala niya sa pangpipilosopo ni Mr. Smith

"Dylan Geo Smith" hindi ko alam pero parang na-glue na ang mga mata ko sa kanya, meron syang makakapal na kilay, matangos na ilong at mapupulang labi. Tapos bigla syang tumingin sakin at ngumisi.

Pagkatapos nun ay dumiretso na sya dito sa likod at may binulong sya kay Lisa na biglang lumipat ng upuan. Lumipat din ako sa dating inuupuan ni Lisa para naman magkatabi kami, isasakripisyo ko muna yung paborito kong upuan para makatabi ko si Lisa, at bigla namang umupo yung sigang lalaki sa dati kong inuupuan.

"Harmony Snow Jimenez" sabi niya kaya bigla akong napatingin sa kanya.

"K-kilala mo ako" medyo na uutal kong sabi sa kanya.

"Ikaw ang huling nagpakilala kaya narinig ko ang iyong pangalan"

" ah okay" sagot ko na lamang at tumingin sa harap para makinig kay Mrs. Magdayao na idini-discuss ang Class room rules.  Pagkatapos niyang I-discuss ay nagsimula naman ang nomination ng Class room officers. Nanominate akong President at Vice president naman si Kenneth na kanina ko lang din nakilala. Na-nominate naman na Muse si Lisa at Escort si Francis na halatang crush ni Lisa.

Pagkatapos nun ay wala namang masyadong nangyari sa buong maghapon at umuwi narin kami. Next week pa naman magsisimula ang pagtulong ko sa library. Pagkauwi ko sa bahay ay naglinis ako ng konti at nagpahinga na.

-------------------------
Yan muna hehe. Sorry sa mga typos. At mag-comment narin kayo kung masyado bang OA, feel free na laitin ako sa comment box, tatanggapin ko naman kasi baguhang author lang ako. Comment narin kung itutuloy ko pa. Muaps♡

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Broken Harmony Where stories live. Discover now