#Dagli
Sobrang init ng panahon, lalo na at nakasuot pa ako ng bestidang itim. Pumasok ako sa ating bahay. Nakapapagod ang maghapong ito. Buti na lang at nariyan ka para pawiin ang pagod kong ito. Matiyaga kang naghihintay sa hagdan gaya ng iyong nakagawian araw-araw. Umupo ako nang tahimik malapit sa tabi mo.
"Kumusta ka naman? Wala akong maikukwento sa iyo ngayon dahil wala namang masyadong nangyari sa akin ngayon." Isang ngiti lang ang isinagot mo sa akin. Talagang nakagagaan sa loob ang iyong mga ngiti.
Ngunit.... Bakit ang tamlay ng iyong mga ngiti? May dinaramdam ka ba? Anong masakit sa'yo mahal ko?
Lalapit na sana ako sa'yo para hawakan ang iyong mga mukha, ngunit bigla ka na lang nawala nang parang bula. Biglang bumuhos ang mga luhang matagal ko nang kinikimkim. Mapait ako napangiti at napatingin sa langit, kasabay ng pagtugtog ng isang tugtugin sa aking isip...
Himala, kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala?
BINABASA MO ANG
HIRAYA AT PLUMA: Koleksyon ng mga Dagli at Maikling Kuwento
RandomAng nilalaman nito ay mga maiikling kuwento, dagli at iba pang uri ng panitikan na nabuo ko sa pagtira ko sa sarili at makamundo kong imahinasyon. Para sa mga taong naniniwala na hindi pa huli ang lahat. Para sa ating mga Pilipinong manunulat. Para...