“Ms. Ferolino, it's your turn.” Hindi na 'ko lumingon sa babaeng nagsalita, tuloy-tuloy na lang akong pumasok sa loob ng kuwarto.
Nakayuko akong umupo sa tapat ng mesa. I heard the sound of some paper flipping.
“So, tell me something about yourself.”
“I'm Jessica Ferolino, I'm 25 years old.” Nagsimulang mabasag ang boses ko.“Four years of that 25 years I gave to my ex who just broke up with me 30 minutes ago. I'm here in front of you sir despite the hellish feeling I'm going through right now.” Nanatili akong nakayuko habang pinipigil ang mapahagulgol.
Naisip ko tuloy na bakit ko pa sinipot ang final interview na 'to kung hindi rin naman ako makakasagot ng maayos.
“What are your strengths?” pagpapatuloy ng ma-awtoridad na boses na parang walang pakialam.
“I-I loved my ex unconditionally, I g-gave him e-everything.” Humihikbi na 'ko pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsagot. “I can love this company unconditionally too, sir.”
“And your weakness?”
“My stupidity. My ex confessed that he has an affair. Apat na taon niya 'kong niloko at ngayon nakapagdesisyon na siyang iwan na lang ako. Pero—pero kahit gano'n ang ginawa niya, still I couldn't hate him.”
I sound stupid I know, but that's how I am—stupid.
“Just like what he did sir, I wouldn't hate the company for whatever reason. Kahit gaano man ka-unfair ang maging sitwasyon.”
“Why should I hire you?”
Alam kong ang weird na ng mga isinasagot ko pero hindi naman 'to pinupuna ng lalaking hindi ko pa rin nakikita ang mukha.
“Since I was able to do all that for an unworthy person, mas lalong magagawa ko ang kahit ano para sa kompanyang 'to, sir,” sagot ko bago nag-angat ng mukha.
I blinked multiple times because I can't believe how handsome the guy who's smirking in front of me now is.
“Amusing,” nakangiti niya pang sabi. “Is the guy you're talking about working around here?”
“S-sa kabilang building lang ho, sir,” nauutal kong sagot.
“Great.” Walang imik siyang tumayo. Nakarating na siya sa pinto ng kuwarto nang muli kong marinig ang baritono niyang boses. “Sumunod ka sa 'kin.”
Nagtataka man, tumayo na lang din ako at sinundan siya palabas.
“Crista, Ms. Ferolino is hired. We'll be stepping out for a bit.”
Napanganga ako sa gulat nang marinig na sabihin 'yon ng lalaki sa sekretarya niya.
“S-Sir, saan ho kayo pupunta?” tanong ko nang makitang nakasakay na 'to sa loob ng elevator.
“Saan tayo pupunta ang tamang itanong. Get in.”
Nakakaloko man ang dating ng ngiti niya ay pumasok na rin ako sa loob.
Iglap lang, nasa kabilang building na kami. Nag-umpisang mangatog ang mga tuhod ko habang papasok na naman kami sa isa pang elevator.
“Which floor?”
“H-ho?”
“I said which floor is your ex working?”
“N-Naku, sir—”
“Tell me or I'll fire you.”
Nalunok ko na lang ang laway bago siya sinagot. “F-fifteenth.”
Pinindot niya ang buton at mayamaya lang ay hinila ako palabas ng elevator para pumasok sa isang opisina. Dinaanan lang namin ang guard na bahagyang yumuko bilang pagbati. Ramdam ko ang nagtatanong na tingin ng mga empleyado nang makapasok na kami sa loob.
“Name?”
“Anong name ho, sir?” Hindi ko kasi naintindihan ang tanong niya.
“Your ex.”
“B-Bryan Baltazar ho.”
Kung kanina takang-taka na 'ko sa mga kilos ng katabi, ang sunod niyang ginawa ay mas lalong ikinagulat ko.
“Is anyone by the name Bryan Baltazar here?” sigaw niya na lalong kumuha sa atensyon ng lahat.
“Sir?” tanong ng lalaking ilang hakbang lang ang layo sa 'min. Nangunot pa ang noo nito nang makita ako. Gusto kong tumakbo na lang palabas. Hindi pa 'ko handang makita ang pagmumukha ni Bryan.
“Are you Bryan Baltazar?”
“Yes, sir.”
Nahuli kong mas lumapad ang ngiti ng lalaking may hawak ng kamay ko bago niya ko hinila palapit sa kanya. “Thank you for letting such a fine lady go.”
Tuluyan na 'kong na-stroke sa kinatatayuan nang maramdaman ko ang labi ng bagong boss ko sa 'king mga labi. Hinalikan niya 'ko sa harap ng ex ko at ng maraming tao.
“That's all.” Huli niyang sinabi bago ako hinatak palabas.
Hirap akong ihakbang ang mga paa ko pero dahil may humihila sa 'kin, nagawa kong makarating sa elevator.
“S-salamat ho sir,” garalgal ang boses kong sabi. Ilang segundo lang ay tuluyan na 'kong napaiyak kaya itinakip ko na ang mga palad sa mukha ko.
“You're really amusing,” sabi ng lalaking nakasandal na sa tabi ko nang tingnan ko siya. “Kung ibang babae ang hinalikan ko it's either they'll kiss me again or they'll slap me. Pero ikaw, pinasalamatan mo pa 'ko?”
Hindi na 'ko sumagot. Mali na hinalikan niya 'ko pero I can't hate him for standing out for me. For defending me from my ex. For telling him words I can't say myself.
“You're just too sweet, aren't you?”
Napaangat ako ng tingin sa narinig. Nasulyapan ko mula sa repleksyon sa loob ng elevator ang ngiti sa mga labi ng lalaking hindi ko pa rin alam ang pangalan.
BINABASA MO ANG
Compilation of Hearts (Flash Fiction Anthology)
Short StoryShort, sweet, bitter and sorrowful encounters Thanks to @mareialigaia for the cover :)