Eh, ano?
Eh, ano naman kung natalo siya ngayon? Ano naman sa'yo? Hindi porke't hindi nanalo ay talunan na. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay mananalo siya, 'di ba?
Eh, ano?
Eh, ano kung hindi niya na naman nakuha ang gusto niya? Ano naman sa'yo? Minsan kailangan niyang matanggihan, para malaman niyang hindi lahat ng gusto niya ay makabubuti para sa kaniya. Hindi sa lahat ng pagkakataon, na kahit paghirapan niya pa ay ibibigay sa kaniya. Kung hindi para sa kaniya, bakit niya ipipilit, 'di ba?
Eh, ano?
Eh, ano naman kung hindi niya ulit nagawa ang nakasanayan niya ng gawin? Ano naman sa'yo? May mga bagay lang na kailangang ipagpaliban muna. Para mas maplano niya. Para sa susunod, mas magawa niya nang maayos. Kasi alam niya na ang dapat niyang gawin, 'di ba?
Eh, ano?
Eh, ano naman kung pumalpak na naman siya? Ano naman sa'yo? Ibinigay naman niya lahat ng makakaya niya. Ginawa niya ang lahat. Pinag-isipan niya rin namang mabuti. Nagkataon lang na hindi para sa kaniya ang araw na ito. May susunod na araw pa naman. Hindi naman palagi puro kapalpakan lang ang magagawa niya, 'di ba?
Eh, ano?
Eh, ano kung mali na naman ang naging desisyon niya? Ano naman sa'yo? Kahit siya naman ay hindi hiniling ang maging ganito. Pero sa bawat pagkakamali naman, bumabangon siya at natututo. Siguro nga ay hindi siya palaging tama. Baka nga madalas siyang magkamali. Pero sinusubukan pa rin naman niya. Hindi pa rin siya sumusuko, 'di ba?
Eh, ano?
Eh, ano naman kung hindi niya kaagad maabot ang mga pangarap niya? Ano naman sa'yo? Ang buhay ay hindi naman karera na may finish line at deadline, 'di ba? Hindi naman paunahan ito. Lahat naman ay naglalakad sa sarili nilang pamamaraan. At kung ang iba ay nagtatakbuhan, nag-uunahan. Paunahang makarating sa dulo. Masama bang huminto siya panandalian at huminga nang malalim? Hindi naman siya nagmamadali. May mga tao pa ring hindi naman sa iisang bagay lang nakatingin. Kagaya niya. At kung matagalan man siya sa pangarap niya, wala namang masama doon, 'di ba?
Minsan, oo, malubak ang daan. Minsan ay maliligaw siya. Hindi alam ang pupuntahan. Malamang ay huminto rin siya saglit.
Matatagalan siya. Baka hindi niya na makuha ang ilang mga bagay na gusto niya. Baka hindi niya na rin palaging magawa ang mga bagay na ginagawa niya noon...
Pero ano naman ngayon? Mawala man ang mga ginusto niya noon. Hindi man maulit pang muli ang mga nakasanayan niyang gawin noon...
Palagi siyang may panibagong pagkakataon.
Maaaring huminto muna siya para alamin ang mga iyon. Maaaring malaman niya na hindi pala sa kanan ang kaniyang daan. Maaaring makita niya na mas mahirap ang bago niyang daan... eh, ano naman?
Eh, ano naman kung siya ay matagalan? Hindi naman ito karerahan. Hindi siya nakikipag-unahan...
Kasi alam niya naman... pare-pareho lang din namang may hangganan. Pareho ang hangganan.
Magkikita-kita pa rin naman sa dulo...
At sa paglalakbay niya, sisiguraduhin niyang kahit matagal. Kahit mahirap...
Magiging masaya siya. Magiging masaya at makulay ang paglalakbay niya.
At wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Mauna na sila.
Eh, ano naman ngayon sa kaniya?
-----
Third request: CHECKED
Mahaba-haba po 'to, Ate @AnneJunio1
Sana po nakita mo ang pananaw ko kapag pumapalpak ako. Nagkakamali. Natatalo. Kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko. Kapag hindi ko na nagagawa ang mga ginagawa ko noon.
I don't really care. Kapag natatalo po ako. Kapag nabibigo ako. Wala akong pake. Kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko. Kahit hindi ko na maulit pang muli ang mga ginagawa ko noon. Wala akong pake. Sabi ko nga... "Eh, ano?"
Some people doesn't get my principle. Sabi nga nila... Wala lang daw talaga akong pakialam. Wala raw akong kaalam-alam. Hindi raw ako competitive. Ganyan.
I just don't think that life is a competition. That dream is a race. We all have our own pace. Our own time. I have my own pace. If I wanted to walk slower than a snail, eh ano naman? Pakialam nila? Marami pa akong gustong makita. At nasa paglalakbay na rin naman ako, bakit hindi ako hihinto para tingnan panandalian ang paligid ko? Eh, ano kung gusto kong huminto para makipag-usap sa mga kagaya ko na hindi rin nagmamadali? Hindi ako nakikipag-unahan. Ayaw kong dumating sa dulo na nagsisisi dahil bukod sa goal ko, wala na akong ibang nakita... na baka mas may maganda pa kaysa sa goal ko na 'yon.
Mauna na sila. Magkikilos pagong ako. ;-)
Walang masama sa paghinto. Sa pag-iba ng daan. Minsan... iyon pa nga ang mas makabubuti. Ang umiba sa nakasanayan. ;-)
At bakit ako nag-e-explain ng ganito? Wala lang. Nakakaazar na kasi ang ibang mga tao. Porket nauuna sila, pakiramdam nila nasa hulihan na ang lahat.
Magkakaiba tayo ng daan. Pareho man ng finish line... iba-iba tayo ng ways.
Kaya 'wag ka pong ma-pressure. Kung feeling mo napag-iiwanan ka na. Kung feeling mo po ang bagal gumana ng plano mo... hindi.
You're on your own pace. Hayaan mo sila. Wala ka sa karera. Hindi mo po kailangang magmadali. Iba ang daan nila. Iba ang daan mo. At kapag nasa dulo na... mas piliin mo po sanang maging tao na may maraming bitbit na kuwento, kaysa sa taong nauna lang dumating sa finish line.
Chill. Enjoy. Breathe. Smile. Laugh.
Enjoy the journey.
Life is not a competition. Wala ka pong kakompitensya. Kaya huminga ka. 'Wag kang magmadali.
Ang haba na rin po nitong pinagsasabi ko. Hindi ko alam kung may sense din ba 'to. O kagaya kong nonsense din po. HAHA. But you're smart po. I know na-gets mo na po ang ibig kong sabihin.
I'm done with your requests po. Sorry po... This one takes too long for me to write.
Nahihiya kasi ako. HAHA. Hindi kasi ako kagaya po ng iba... Which I know na alam mo na po noon pa. XD HAHA.
But at some point, I'm also just like everyone else. May pangarap din ako. May gusto rin akong marating... hindi nga lang ako nagmamadali. Hindi ako nakikipag-unahan. Small steps. Kahit baby steps pa 'yan. XD
'Yan na po ha. Tapos na! Sa wakas natapos ko na. Pashnea. Ang haba nitong pinagsasabi kong mga wala ring kuwenta. HAHA. Bahala ka na po! Ikaw ang boss eh. XD
Because Ashiyu. Mwahugs. I love us. XD HAHAHA. Buset. Masyado akong seryoso rito. XD