Daniel's POV
Kinabahan ako bigla sa desisiyon ni Chantel.
Nakakasisi naman talagang nasampal ko siya. Nagulat lang ako sa sinabi niya kaya ko ginawa yun.
"Chantel! Chantel!" tawag ko sakanya habang papunta siya ng kotse.
Nilingon niya. Napaka-cold ng tingin niya. "Ano ba? Ba't sumunod ka pa?" at kung akalain mo nga naman. Napaka-cold din ng pakikitungo niya sakin. Wala eh kasalanan ko to.
"Wag kang agad agad nag dedesisyon kapag galit ka!"
"Galit ba ako?" tanong niya saken. "Mauuna na ako magpapalit lang ako. Mauna na kayo pumunta dun. Susunod nalang ako." isasara na niya sana yung pinto ng kotse ng harangin ko.
"I-im sorry.. " she just smile bitterly then she close the door.
Bumalik na ako sa tropa.
"San ka galing?" tanong ni TOP
"Dyan dyan lang. Una na daw tayo."
"Okay ka lang?" tanong sakin ni Mia kasi malamya ako magsalita. Umiling ako.
"Everything will be okay. Sooner or later. Palamigin niyo lang ang ulo niyo. " tapos ngumiti sakin si Mia.
"Show her that you are trustworthy!" sabi sakin naman ni Katsumi.
"WOW! TRUSTWORTHY! BIG WORD!" sabat naman ni Lester.
"Anong trustworthy?! Wala naman yun sa pinag-uusapan mga gunggong!"
*PAK!* *PAK!*
Ayun pinalo ng dyaryong hawak ni TOP.
"Mga baliw. Tara na." sabi ko sakanila.
Mia's POV
"Sino sasabay?" tanong ni Daniel
"Sabay mo na si Katsumi at Lester sayo Daniel. Tapos sasabay nalang sakin si Jillyn, and Mia kay TOP ka. "
"WHAT?!" sabay naming sabi ni TOP. Tss akala mo naman gusto ko siyang makasama.
"Sayo nalang ako Mich!" sabi ko.
"Ay hindi! Wag na ma reklamo aalis na kami. Byeee~" tapos tumakbo sila. Mga bwisit sa buhay.
"Tara na!" sabi niya at nagpatiunang naglakad.
"Aba ikaw pa galit?!"
"Hoy babae! Wag mong isiping gusto kitang isabay! No choice!" sigaw niya sakin. ABA SUMOSOBRA NA TO AH.
"HOY LALAKI! WAG MO DING ISIPING GUSTO KITANG KASABAY AH! NO CHOICE DIN!" sigaw ko sakanya.
"WILL YOU PLEASE SHUT UP?!"
"YOU ALSO!"
"BAHALA KA DI KITA ISASABAY!"
"OKAY FINE! HINDI KA KAWALAN!"
Tapos pinaharurut niya yung kotse niya.
"Akala mo naman hindi ko alam saan yun!" sinipa ko yung pader.
"Ay shet hindi ko nga alam yun! Huhuhu. I don't have car pa naman."
TATAWAG BA AKO O HINDI?