Airplane :)

92 3 0
                                    

Airplane, a one shot story by Ella_Kitty

This is my 3rd One Shot Story. Enjoy reading! :)

"Embers! Embers! Devan Embers!!" Napalingon ako sa taong nagsasabi ng isang napagandang pangalan! Pangalan ko yan! Syempre maganda! Nakikita ko ang aking pinakamamahal na bestfriend na tumatakbo patungo sa akin. Naku naman! Mamimiss ko talaga ang lokang 'to!

"Oh? Ano?" pambungad ko sa kanya.

"Devan naman eh! Mamimiss kita!" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko namang umiiyak na pala siya.

"Hoy Hoy! 'Wag ka na ngang umiyak! Naiiyak ako sa iyo eh! Masisira ang make-up ko dahil sa iyo!" sabi ko sa kanya. Agad naman siyang kumalas sa yakap at kitang kita ko ang mukha niya. "Alis na ako! Malalate ako sa flight ko! Atsaka, baka magbago pa ang isip ko kapag matatagalan ako dito."

"Sana nga magbago isip mo! Bye Devan!" sabi niya at nagbeso-beso kami tsaka ako pumasok sa airport.

Ako si Devan Embers. 24 years old. International Studies ang kinuha kong course, I love travelling. And sa ngayon ay pupunta akong Korea. Simple lang naman ang buhay ko at simple lang ako. Maganda. Matalino. Pwede ng mabait. Matangkad. Mayaman. At syempre, Single. Single forever ata ang peg ko eh! Eh, ang problema kasi choosy ata ako. Sus naman, eh sa dami ng nanliligaw sa akin, napapagod na ako at binasted na silang lahat. Isang time lang nga akong nagsisi sa pagbasted, nung nililigawan ako ni Drew ! Shetmengmeng! Ang gwapo gwapo gwapo gwapo to the tenth power niya! KYEEEE! Mayaman din! Naku! Saan ka pa!? Sayang nga eh!

Nakasakay na ako sa wakas sa Airplane! Hinahanap ko pa ang seat ko, eh sa first time kong sumakay na ako lang mag-isa. Naghahanap ako nang may biglang kumalabit sa akin.

"Miss, are you finding your seat?" Naks! Englishero ang lalakeng ito. Wait, let me get my tissue! Ang slang slang pa at may paaccent pa siyang nalalaman.

"Uhm, Yes. I don't really know how to find my seat." nahihiya kong sabi. Ang gwapo kaya ng lalakeng ito! Blonde ang kulay ng kanyang buhok habang ang mga mata niya naman ay grey. Naku! Ba't magnet ako sa gwapo! mwahahahahaha.

"What seat are you then?" Ambaet naman ng taong ito. Sinabi ko kaagad ang seat number ko at luckily ! Magkatabi kami! Naku! Baka dudugo ang ilong ko dahil dito. Di bale na, gwapo naman ang katabi ko.

"Is your flight going to Korea too?" tanong niya. Nako! Socially active naman siya! Kakaupo ko lang may topic agad! Pero nako! Common Sense ata ang wala sa kanya eh! Papuntang Korea naman tung airplane na ito, ba't pa siya nagtatanong. Tsk Tsk.

"Ahhhh. Yes. So what are you gonna do in Korea?" I asked. Hindi masamang maging friendly! Lalo na sa gwapo!

"Uhh, I'm g-gonna go there for vacation. I love travelling!" OMO! Destiny ba kami? Naku Naku! Napangiti naman ako dahil doon.

"Me too! I love traveling. By the way, what's your name?" I asked. Dapat pangalan muna tinatanong bago makipag-usap!

"I'm Azreyl Mendez. You are?" Azreyl! Naku! Isasama na kita sa mga lalaking may cool names!

"I'm Devan Embers! I'm 24. What's your age?" Eh naman kasi, hindi ako magaling sa ingles. Baka bigla akong hihimatayin dito.

"I'm 25. For that age, you're beautiful!" AYNAKS!! I LABYU NA! Lakas makacompliment!

"Thank you. You too." sabi ko at ngumiti na lang sa kanya. At doon na nagtatapos ang usapan namin. Wala akong magawa, psh. Eh ba't kasi bawal ang devices dito sa airplane. Dapat may mag-iimbento ng isang plane na pwedeng gumamit ng devices. Nako! Ampucha, bored na bored ako!

Airplane [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon