Chapter 33: DATE?!

192 10 5
                                    

Chapter 33: DATE?!

<Stassi Atasha Ocampo's POV>

"AIM FOR THE HEAD NOT IN THE VEST!" Sigaw ni Franco.

Tsk. Nakakakainis. Nakakainis talaga na lalake to! Mas masungit pa sa babaeng may regla!

It's been four days matapos ako mag discharge sa hospital. 1 week ang binigay sa special student na break para makapag pahinga muna sa nangyaring at makalimutan ang nangyaring trahedya.

Siguro nag papakasaya ang ibang mga special student sa pag babakasyon habang ako dito nag ttraining at nag aaral mag paputok ng baril.

4 days na kong tinuturuan ni Franco, pero ewan ko hindi siguro para saakin ang matutong bumaril ng isang mannequin. Apat na araw na pero hindi ko padin mabaril baril yung ulo niya hays.

Andito kami ni Franco sa training ground ng school.

"AYOKO NA!" Sigaw ko sabay hagis sa baril sa hawak ko. Oo totoong baril yung ginagamit ko.

"So that's it?! Ganun lang kadaling sumuko ang isang Stassi Atasha Ocampo?!" Sigaw niya. "Are you not interested about the prize?"

Napalunok ako sa sinabi niya at kinuha ko ang baril.

Ano nga bang prize ko? Ang dalhin niya ako sa amusement park. Dream ko kaseng maka punta dun. Alam niyo naman, buong buhay ko nakakulong lang ako sa mansyon, sa palabas ko lang nakikita ang amusement park.

"Are you giving up?" Tanong niya.

"NO."

Tinutok ko ang baril sa mannequin. Kitang kita mo ang malalayong agwat ng maling target ko. Ang lalayo. Bakit hindi ko mabaril ang ang ulo ng mannequin na to?! T.T

"Focus." Bulong ni Franco sa tenga ko.

Tinitigan ko mabuti ang ulo ng mannequin, i have to shoot you.

"Stay calm and focus on your target." Bulong ni Franco.

"Pull the trigger."

Dahan dahan kong hinihila ang trigger ng baril na hawak ko.

"Stassi."

"SHIT!" Sigaw ko. Nakakainis! Nagulat ako doon sa nag salita! Di tuloy tumama yung bala malapit na eh! >_<

"Who the hell are you?" Tanong ni Franco sa lalakeng nag salita.

Nakakainis siya ang epal niya! Malapit ko ng mabaril eh!

"I'm Jordan McKenzie. I'm also a special student, I'm Jayson Santiago's partner." Pag iintroduce niya sa sarili niya. Gwapo siyang lalake pero mas gwapo si Franco.

"What do you want?" Tanong ni Franco.

"Actually Franco, you're not the reason why I'm here." Tumingin siya sakin. "I would like to talk to Stassi."

"Saakin? Bakit?" Sabi ko habang tinuturo ang sarili ko. Ano kayang kailangan niya sakin?

"Would you mind if I ask you on a date?" Tanong niya sakin.

"DATE?!" Sigaw ko. Nagulat ako eh, totoo ba yun?! Tinatanong niya kung gusto kong makipag date sakanya?!

"It's just a friendly date, para magkakilala tayo. Anyway, I have two tickets sa Hong Kong Disney Land. You want to come?" Tanong niya sakin.

O.M.G

HONGKONG DISNEY LAND?!

"SURE!!!! Seryoso ba yan?! Kailan tayo aalis?! Oh my gosh! Gusto ko yan." Naexcite tuloy ako ng bongga.

I'm inlove with a Monster!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon