Chapter 3

10.2K 148 1
                                    

CHAPTER THREE
KATULAD nga ng sinabi ng bakulaw na Drew ay nagfile siya ng leave sa trabaho. Muntik pa siyang hindi payagan ng HR nila kung hindi niya lang kinonsensiya ang head nila. Hindi niya ugaling magfile ng leave of absence, unless kailangang-kailangan niya talaga. She usually used it when she gets sick. Nang mahimasmasan ang kanilang HR ay pinayagan na rin siya nito. Although, matigas nitong sinabi sa kanya na kailangan niyang makabalik after two weeks, kundi magkaka-problema talaga siya.
Dalawang araw na ang nakakaraan nang mag-usap silang dalawa ng binata. Nang araw na iyon siya mangangapit-bahay rito. Naipaliwanag na rin naman niya kay Jester ang lahat. Noong una ay hindi ito sang-ayon sa ginawa niya, pero dahil alam na rin nito na hindi na magbabago pa ang isip niya, ay nangako na lang ito na hindi ipagsasabi sa mga kamag-anak nila ang sitwasyon nilang dalawa ngayon ng kaibigan nito. He exactly knew how their clan would react. More often, it’s exagerrated and violent.
Isang may kalakihang bag lamang ang dala niya. Kaya naman sana niyang pumunta sa bahay ng mga Mercado, ngunit nagpumilit ang mokong na susunduin daw siya nito sa bahay nila. Nagsimulang umit ang ulo niya nang lagpas alas-otso na ay wala pa rin kahit anino nito. Tumayo na siya at binitbit ang bag. Eksaktong pagbukas niya ng pinto ay ang humihingal mukha ng binata ang tumambad sa kanya.
Napaatras siya. She suddenly felt a rush into her spine. Masyadong malapit ang mukha nito sa kanya, mahirap na at baka magkapalit ang mga iyon.
“Why are you panting?” salubong ang dalawang kilay na tanong niya rito.
“Probably, because I ran,” sarkastikong turan nito sa kanya.
Hindi na lamang siya sumagot sa parunggit nito sa kanya. Baka kasi unang araw pa lamang nila as a ‘couple’ ay magpatayan na agad sila. Kinuha na nito ang bitbit niyang bag at ito na mismo ang nagdala. Nauuna itong maglakad sa kanya kaya malaya siyang inspeksiyunin ang likod nito. Ang lapad talaga ng balikat nito. Lampas anim na talampakan rin yata ang height nito na nagpamukha sa kanyang unano. Five feet and three inches lang ang taas niya. Hindi niya alam kung bakit kinulang siya ng height, pareho namang matatangkad ang mga magulang niya. Tukso nga dati sa kanya ng mga pinsan niya ay anak daw siya sa labas. Kung hindi lamang siya kamukhang-kamukha ng Mama niya, baka matagal na nga siyang naniwala sa mga ito.
Huminto sila sa may kalakihang bahay at bakuran. Tumambad sa kanya ang mga tanim nitong gulay na nagsisimula ng mamunga. She always found it amazing. Ang ganda kasi ng pagkakaayos ng mga ito. Pagkapasok nila sa gate ay naglakad sila sa nag-iisang pathwalk na napapagitnaan ng mga tanim nito. Deretso na rin iyon sa magandang bahay ng mga Mercado.
Patuloy pa rin sa paglibot ang kanyang mga mata sa paligid habang nakasunod kay Drew na naglalakad patungo sa bahay ng mga ito. Kaya nang bigla itong huminto ay hindi niya iyon inaasahan. Bumangga siya sa matigas na likod nito at muntik na siyang mawalan ng balanse kung hindi lang sa matatag na mga braso na nakahawak ngayon sa baywang niya. Muntik na siyang mapasinghap nang mapagtanto ang posisyon nila.
“Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo. Kapag aksidente mong natapakan 'yang mga tanim ko, pababayaran ko 'yan lahat sa'yo,” wika nito bago siya pinatayo ng maayos. Kung siya ay halos mawalan ng oxygen sa katawan, ito naman ay parang balewalang nagpatuloy lang sa pagpasok ng bahay.
What the hell was wrong with her? Kanina pa siya parang abnormal na kinakapos ng hininga kapag napapalapit siya sa binata. Nasobrahan na yata ng stress ang utak niya at kung anu-ano na ang nararamdaman at napapansin niya.
Tahimik na sumunod ulit siya rito. This time, nagconcentrate na siya sa mga sinasabi nito  habang inililibot siya nito sa buong bahay. Maganda ang bahay nito, maaliwalas at napaka-homey ng dating. Huling pinuntahan nila ay ang magiging kuwarto niya. Malapad iyon kumpara sa sarili niyang kuwarto sa kanilang bahay. Ang pinakagusto niya sa kuwartong iyon ay ang bandang bintana niyon. Makikita doon ang buong farm nito na nasa likuran lamang ng bahay nito. Walang katapusang taniman ang makikita doon. Pakiramdam niya ay siya si Mother Earth na sinasamba ng mga anak nito. O puwede ring siya si Green Lantern. He-he-he!
“Saan pala ang Mama mo?” tanong niya nang wala siyang ibang nakitang tao sa bahay ng mga ito.
“Mamaya pa darating 'yon galing sa shop.”
“Shop?”
“Yes. May maliit siyang puwesto sa mall. Cosmetics,” kibit-balikat na sagot nito.
Ang buong akala niya ay ang farm lang ang ikinabubuhay ng pamilya nito, iyon pala ay may iba pang mga negosyo ang mga ito. Hindi naman kasi halata na mga kilalang tao ang mga Mercado. Minsan na niyang nakilala ang ina nito nang pumunta ito sa bahay ng pinsan niyang si Jester. Maganda ang ginang, halos hindi halatang may anak na itong napakaguwapong binata.
Napatingin siya sa lalaking nakatingin sa labas ng bintana. Kung hindi lang siguro ubod ng maldito ito ay baka nagustuhan na niya ito. Hindi sa kung anong pagkagusto, pero baka naging magkaibigan pa sila ng lalaki.
Weh? Kaibigan? Tuya ng isang bahagi ng utak niya.
Napatingin siya sa ibang direksiyon nang makita niyang lilingon ito sa gawi niya.
“Magpahinga ka na nga pala muna. Marami ka pang gagawin bukas,” sabi nito.
“Gagawin?” tanong niya. Bakit parang may masama siyang pakiramdam sa sinabi nito? Lalo na nang unti-unting sumilay ang nakakarinding ngisi nito.
“Simula bukas, ikaw ang mag-aalaga ng farm ko,” anito.
“You mean, magbungkal ng lupa and everything?” nakangiwing tanong niya ulit rito.
“Yes. Everything. You’re gonna do exactly what a farmer does to his farm. At kapag may nasira ka kahit isa sa mga pananim ko, ibubuko kita sa mga magulang mo pagdating nila. Intiendes?” parang Don ito kung makaasta. Binabawi na niya ang sinabi niyang may soft spot ito sa katawan. Kahti yata bumbunan nito ay gawa sa metal. Letse! Ang sama ng ugali.
“Opo,” nasusuyang sagot niya. “Kung hindi lang talaga kita kailangan, ibinitay na kita patiwarik, eh,” pabulong na turan niya.
“May sinasabi ka?” nakataas ang kilay nitong tanong sa kanya.
“Wala, ah. Ang sabi ko, pangarap ko talagang maging magsasaka mula pa nang maliit ako,” nagpaskil siya ng matamis na ngiti at nagthumbs-up pa rito. Ewan niya lang kung nahalata nitong parang gusto na niya itong sakalin, dahil nagkibit lamang ito ng balikat at lumabas na ng kuwarto.
Padapang ibinagsak niya ang sarili sa kama. Unang araw pa lamang niya roon pero pakiramdam niya ay binagsakan na siya ng mundo. Ano ba ang nagawa niya at kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng iyon? Tumihaya siya at tumingin sa kisame na parang naroon ang sagot sa kanyang mga katanungan. Pero kahit butiki ay wala siyang nakita. Pinikit na lamang niya ang mga mata at pinilit na makatulog. Kailangan niya ng lakas. Hindi lamang sa pagbubungkal ng lupa kundi para harapin ulit ang walang modong ‘fiance’ niya.
Hapon na nang magising si Shasha. Ngayon pa lang yata bumabawi ang katawan niya sa lahat ng pagod sa kanyang trabaho. Naghilamos muna siya bago lumabas ng kuwarto.
“Hello, there,” bati sa kanya ng isang malambing na boses. Napalingon siya sa pinanggalingan niyon at nakita ang isang nakangiting may-edad na babae. Nakaupo ito sa isang rocking chair at nagbabasa ng libro. Ang hula niya ay mama ito ni Drew, the beautiful Lucinda Mercado. Sa pagkakaalam niya ay dalawa lamang ang mga ito na naninirahan sa bahay na iyon. Drew’s father passed away when he was fifteen, as what Jester told her. Kaya siguro napakaseryoso nito sa buhay.
“Hi, po,” magalang na bati niya at ngumiti.
“Are you looking for Drew?” tanong nito. Itiniklop na nito ang binabasang libro at tumayo. Lumapit ito patungo sa kanya. “He’s busy digging again,” nakangiting dagdag nito. Iginiya siya nito sa isang pintuan patungo sa likurang bahagi ng bahay at doon ay nakita niyang abala sa pagbubungkal ng lupa ang lalaking hinahanap niya.
Muntik na niyang pahiran ang gilid ng labi sa pag-aakalang tumulo na ang laway niya. He was wearing nothing but a cargo pants. Gosh! Kung ito lagi ang bubungad sa kanya araw-araw ay hindi siya magsasawa. Kahit mag-extend pa siya ng another two weeks sa bahay na iyon.
Atasha, baka nakakalimutan mo na simula bukas ay ikaw na ang gagawa ng lahat ng iyan? Oo nga pala. Dahil sa pagkakaalala sa sinabi nito ay napasimangot siya. Tinuruan siya ng mama niyang maglakad at kumilos na katulad ng dalagang pilipina, tapos heto at bukas ay magbubungkal siya ng lupa.
“Alam mo ba na ngayon lang ulit may ipinakilalang girlfriend si Drew sa'kin? Oh, well, hindi ka pa niya pormal na naipapakilala, but you’re his girlfriend, right?” nakangiting baling nito sa kanya. Alanganin siyang tumango. Tama lang pala na hindi siya nag-artista. Wala talaga siyang talent sa pag-arte.
“After Melody, halos wala na siyang ibang ginawa kundi ang magbungkal ng lupa. Kaya masaya ako na nakahanap na siya ng panibagong pag-ibig sa katauhan mo,” dugtong nito.
Her brows furrowed. Mukhang ex-girlfriend ni Drew ang Melody na nabanggit ng ina nito. At base na rin sa pagkakasabi ng ginang, hindi pa rin yata nakakapagmove-on ang binata sa babae. Ganoon ba nito kamahal ang babae at napakatagal nitong hindi nakausad sa buhay pag-ibig? Mahal pa kaya nito ang Melody na iyon?
Ano naman ang pakialam mo sa love life niya?
“Gising ka na pala”. Hindi niya namalayang nakalapit na si Drew sa kanila. Masyado yatang lumipad ang isip niya nang marinig ang pangalan ng ex-girlfriend nito. “Nagugutom ka na ba?” tanong nito sa kanya. His eyes were fixed at her. Compared earlier, his face was now relaxed. Malamlam rin ang pagkakatingin nito sa kanya na kung hindi lang siguro niya alam na umaarte ito ay baka napaniwala na siya na nag-aalala talaga ito sa kanya.
“Medyo,” nakangiwing sagot niya rito. Nakakahiya man pero totoong gutom na talaga siya. Hindi pa kasi siya nakakapananghalian dahil dere-deretso nga ang tulog niya. Narinig niya ang mabining tawa ng ina nito.
“Ang mabuti pa, hijo, dalhin mo na siya sa kusina. May dinala akong pagkain kanina, initin mo na lang,” wika ng mama nito.
“Let’s go, babe,” hinawakan siya nito sa siko at iginiya sa kusina. Nagpaalam muna siya sa ginang bago nagpagiya rito.
Babe. Sa tanang buhay niya ay hindi niya naisip na tatawagin siya ng ganoon ni Drew. Nakakapanibago pero parang ang sarap rin sa pakiramdam. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti na bigla ring napalis nang magsalita ito.
“Nandiyan sa ref ang ulam na dinala ni Mommy. Marunong ka naman yatang mag-init at gumamit ng microwave 'di ba?” padarag na binitiwan nito ang siko niya nang mapag-isa silang dalawa sa kusina. All of a sudden, he was to being cold and distant. Sapakin niya kaya ito? nang mahimasmasan ito sa pagmamaldito sa kanya.
“Yeah, sure,” patamad na tugon niya.
Okay na sana, eh. Bakit pa kasi kailangan nitong magsalita ulit? Puwede bang lagyan niya na lang ng masking tape ang bibig nito para perfect ang lahat?
Kinuha niya ang isang Tupperware sa ref. Akmang isasara na niya iyon nang pigilan siya nito. Nagtatakang napalingon siya rito. Anak ng kamatis! Ngayon lang ulit siya naging aware sa hubad na katawan nito. Literal na nakayuko ito sa kanya habang ang isang kamay ay pinipigilan pa rin ang pagsara ng ref. Nakakaliyo ang amoy nito, pero hindi naman niya mapigilan ang sarili na singhutin ito.
“What are you doing?” kunot ang noong tanong nito sa kanya.
“Huh?” wala pa rin yata sa tamang huwisyo ang utak niya dahil hindi niya naintindihan agad ang tanong nito.
“Why are you sniffing at me?”
Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito. Bigla siyang napaatras dahilan para mawalan na naman siya ng balanse. Nakalimutan niyang halos nasa loob na pala siya ng ref. At kung hindi na naman napigilan ng mga braso nito ang katawan niya ay malamang napakalaking disaster ang mangyayari.
Ngunit nang makita ang posisyon nilang dalawa pakiramdam niya ay hihimatayin siya. His body was now even closer to hers. She could feel his strong arms around her waist. His solid chest where she accidentally put her hands when she thought she’s going to fall. His breath that’s now fanning her face. She could almost smell his after shave. Masyadong malapit ang guwapong mukha nito na kahit yata nakapikit siya ay kayang-kaya niyang isa-isahin ang lahat ng features nito. From his deep set and sharp eyes, his aristrocatic nose and very sensual lips. Ano ba itong nangyayari sa kanya? At that exact moment, pakiramdam niya ay naging tunay na babae siya. Because of their stupid position right now, she felt aroused!
Kulang na lang ay sumigaw siya ng, “You’re so fluffy, I’m gonna die!”
“Oh!” Isang gulat na gulat na boses ang nagpabalik sa katinuan niya. Sabay pa silang napatingin sa bungad ng kusina at nakita ang nanlalaking mga mata ng mama nito. Sa sobrang pagkapahiya ay hindi na niya napigilan ang sariling naisubsob ang ulo sa dibdib nito. Gusto niyang magtago sa nanunuksong mga mata ng mama nito. Ano na lamang ang sasabihin ng ginang? Naramdaman niyang itinayo siya ni Drew at bahagya siya nitong inilayo sa katawan.
“May kailangan ka, Mom?” narinig niyang tanong nito sa ina. Hindi pa rin siya makatingin sa ginang kaya pinili na lamang niyang yumuko.
“Lyle is on the line. May importante raw siyang sasabihin sa'yo,” pagkatapos nitong sabihin ang kailangan ay umalis na rin ito agad.
Naramdaman niyang inilayo siya ng binata mula rito. Gusto niya sanang magreklamo pero nakakahiya naman kung gagawin nga niya iyon. “Kumain ka na. Sasagutin ko lang ang tawag ng kaibigan ko,” paalam nito sa kanya at sumunod na rin sa ina.
Nanlalatang umupo siya sa isang upuan at binitiwan ang kanina pa pala niyang pinipigil na hininga. Binuksan niya ang Tupperware na may lamang ulam. Hindi na niya ininit iyon. Kumuha na lamang siya ng kanin at nagsimulang kumain. Mas lalo yata siyang nakaramdam ng gutom nang dahil sa eksenang nangyari ilang minuto lang ang nakakaraan.
MATAPOS sagutin ang tawag ng kaibigan ay dumeresto agad sa kuwarto si Drew. He badly needed a cold shower. Kaninang mangyari ang hindi inaasahang pagdaiti ng mga katawan nila ni Shasha ay ganoon na lamang ang pagpigil niya sa sarili na halikan ito. Her face was so close. He could still feel her soft body towards his.
“Get a hold of yourself, Andrew! She is your friend’s cousin and you promised Jester that you’ll take care of her,” pagkausap niya sa sarili. Napahugot siya ng maraming malalim na hininga. Hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit siya pumayag sa kasunduang iyon. The idea was too absurd. Siya mismo ang naglagay ng sarili niya sa alanganing posisyon. Maybe he was moved with her reasons. Hindi nga naman tama ang ginawa ng mga magulang nito. Making decisions for her was acceptable, but setting her into an arranged marriage was way too far.
And since when did you care about other people' s problems? You have your own to deal with.
Napailing siya. He must be out of his mind. Bahala na. In the meantime, he really should get that cold shower.

Just Make Believe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon