prolouge

3 1 0
                                    

(play the video in the multimedia section; -out of my league lyrics)

"TANGINA TAMA NA!" sigaw ko sa kawalan dahil naririnig ko ang mga kaibigan kong napakalalakas ng palahaw. hindi ko kayang makita silang ganito samantalang wala akong magawa. narito lamang ako sa isang tabi; malaya; ngunit hindi maikilos ang mga paa dahil narin sa gulat sa mga nangyayari.

"Jeha! umalis kana hangga't kaya mo pa! kami na bahala dito! tangin-- shit!" sigaw ni Leo na ngayon ay walang awang ibinabalibag sa simentadong pader ng isang hindi malamang pwersa.

"hindi Leo! hi-hindi ko kayo iiwanan! ililigtas ko kayo!" sigaw ko na animo'y isang matapang na leon ngunit sa kaloob-looban ko'y isa akong maamong pusa.

nakita ko naman na gumagapang papunta sa akin si Krisna, puro dugo na ang bandang ulo niya. makikita din na labas ang buto niya sa siko. umiiyak at hirap na hirap siyang gumagapang papunta sa akin. gagawin ko na sana ang kauna-unahang hakbang ko magmula nang natulala ako ngunit laking gulat ko nang biglang umangat si Krisna sa hangit na tila mo buhat buhat ng isang malaking tao.

walang ano-ano'y bigla na lamang siyang bumagsak sa sahig ngunit para siyang ibinalibag dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. hindi ko maigalaw ang bibig ko. nanatili lamang itong nakabukas at walang boses na lumalabas.

"tangna, Krisna!" sigaw ni Carlo at humahangos na lumapit sa walang malay na si Krisna.

"Krisna, gumising ka! tangna. gising! gising! isasayaw pa kita! tangina hindi pa tapos yung 18 roses mo! tangina" histerya ni Carlo habang umiiyak at pahina ng pahina ang boses. pilit na niyuyugyog ang balikat ng karelasyong nagcecelebrate ngayon ng ika-18 na kaarawan.

lumapit naman si Anette na galing pa sa kumpulan ng mga bisitang nagsisitakbuhan palabas sa labis na takot. hindi iniinda ang sakit ng pagkabunggo sa kaniya ng mga nakakasalubong at ang sakit ng paa dahil sa suot na mataas na takong.

"tama na Carlos, sila Andrew na ang bahala sa kaniya. andyan ang mga bodyguards niya, sila na daw ang- oh my god Carlos!" gulat na sigaw ni Anette.

kitang kita naming lahat kung paano tumaas si Carlos sa ere. ang akala namin ay ibabagsak siya katulad ng ginawa kay Krisna kaya nagsitakbuhan kami upang saluhin siya sa ibaba ngunit nagkamali kami.

suot ng magarang puting amerikana ay kitang-kita namin ang pagkalat ng dugo na nagsimula sa sikmura niya. impit na hiyaw ang inilabas ni Carlos. nakita ng mga mata namin kung paano namilipit sa sakit si Carlos-- literal. kitang-kita namin ang pagpalipit ng katawan niya sa ere na akala mo'y isang sinampay na pinapalipit upang mawala ang natitirang tubig.

lalong lumakas ang sigawang naririnig sa loob ng bakuran nila Krisna. ngunit sa kabila ng malalakas na sigawan at iyakan ay rinig na rinig namin ang naglalagutukang mga buto ni Carlos.

hanggang ngayon ay hindi pa rin makapagsalita ng maayos ang bibig ko ngunit may hikbing maririnig kasabay ng pag-agos ng mga luha ko.

hindi pa man naibababa si Carlos ay narinig nanaman namin ang isang pagkalabog sa gawing kanan. at paglingon naming lahat doon, nakita namin ang mga body guard ni Krisna na nakatalungko sa pader at walang malay. 

sa nangyayari ngayon, madaming buhay ang nanganganib. madaming inosenteng tao ang walang kaalam-alam  na maaaring ito na ang huling birthday party na mapupuntahan nila. maraming palahaw at boses ang maririnig tanda ng sobrang paghihirap o di kaya'y takot.



at sa pangyayari din ngayon, maraming sikreto ang tuluyang mabubunyag.



"TAMA NA!"



-oOo-

so hi! ayun nga ano, 30day challenge ng watty. hahahahaha! actually hindi ko linya itong ganitong genre ng story pero sinusubukan ko. cause how I love challenges :">

VOTE  and COMMENT are highly appreciated.

pls do support me! huhuhu.

STOP! in the name of JehaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon