NAALALA KO PA....
Naalala ko pa nung nalaman ko na nakablocked ako sa fb nya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero para bang pinapatay ang puso ko. Ang sakit sakit malaman na wala syang paki alam sakin. Pero bakit ganon? Halos araw-araw nya akong sinasaktan pero sa kabila non ay mahal na mahal ko pa rin sya? Naalala ko pa noong bumili kami ng shake akala ko talaga hindi ko na sya makikita pero ang bait talaga ng Diyos, biglang may nakita akong anghel omg angel na nasa lupa. Bigla akong naging hyper non kasi gusto kong mapansin nya ko. Nag iisa siya at tulala sa sulok. Gusto ko sanang samahan sya para hindi siya maging loner pero parang may pumigil sakin at bigla kong naalala na hindi niya ako mahal.
Pero pagkatapos mangyari ang lahat ng iyon ay... Biglang may nangyaring maganda. Hindi ko alam kung totoo ba o hindi. Pero sana totoo iyon, naalala ko pa habang naglalakad ako may biglang may tumawag sakin ang sabi niya "Kate pwede ba tayong mag usap?" Nagulat ako dahil kinakausap nya ako. Ang sabi ko sa kanya sige pero 5 mins lang dahil kailangan ko na talagang umuwi. Naalala ko yung sinabi niya sa akin. "Kate i'm so sorry kasi nablocked kita sa fb at hindi kita laging pinapansin pero napilitan lang akong gawin yon kasi nalaman ni Mommy na may gusto ako sayo at hindi siya sang-ayon na maging tayo balang araw. Sorry talaga sa mga nangyari noon. Hindi na naman siguro mahalaga yung dati dba? Ang mahalaga ay yung ngayon. Kate ngayong nandito na ako sana hayaan mo akong mahalin ka. Hayaan mo akong ipakita kung ganon kita kamahal. Sobrang mahal kita Kate. Lalo kong napagtanto na mahalaga ka sa akin nung nakita kitang masaya sa iba. Sobrang selos ko non kaso wala akong magawa kaya sorry Kate. Mahal na mahal kita." Naalala ko pa non wala akong nasabi ni isang salita dahil umiyak lang ako nang umiyak. Naalala ko pa iyakap mo ako at sinabing tahan na, hindi na ako mawawala sayo. Promise forever kitang mamahalin. Sobrang saya ko noon alam mo ba? Dahil sa wakas minahal na ako ng mahal ko. Hindi na ako mag-iisa. Naalala ko pa non lagi kang gigising ng maaga para tumawag at gisingin ako para hindi ako malate. Naalala ko pa non na lagi tayong nagdadate sa SM. Naalala ko pa din yung panahon na halos hindi ka na natulog sa kakaalaga sakin noong may sakit ako. Halos hindi na nga tayo mapaghiwalay noon. Araw- araw tayong masaya naalala mo pa ba yon Kim? Ako kasi hinding hindi ko makakalimutan yon. Naalala mo pa ba noong nagsumpaan tayo na walang iwanan at forever tayong magmamahalan?
Naalala mo pa ba noong mga panahon na tanggap na ako ng magulang mo...... Pero parang hindi sang-ayon ang mundo sa pagmamahalan natin. Pilit tayong pinaghihiwalay ng tadhana. Naalala ko pa noong ipinagtapat mo sa akin na may sakit ka. Sakit na hindi na kaya pang gamutin ng mga doktor. Parang pinapatay na naman ang puso ko. Ang sakit sakit sakit dahil pansamantala lang pala yung saya. Pansamantala lang pala yung magagandang araw. Naalala ko pa nung huling araw mo na. May ibinigay kang letter sa akin hanggang ngayon hindi ko pa rin binabasa yon dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap na wala ka na. Sorry kung hindi kita naalagaan ha? Sorry kung ikaw ang laging nageeffort,sorry talaga Kim. Hindi ako lumalabas ng bahay alam mo ba? Alam mo bang mahal na mahal pa rin kita? Wala namang nagbago eh, ikaw pa rin ang pangarap, mahal at buhay ko. Pero okay lang kahit wala ka na, basta't wag na wag mong kalilimutan na mahal na mahal na mahal kita. Forever nga dba? Sana nasa maayos na lugar ka. Bye na babe, sa susunod na lang ulit.
P.S. MAHAL NA MAHAL KITA KIM. WALANG KALIMUTAN HA? ILYSM.
~~~~~~~~~~~~
Pagkatapos ng ilang linggo ay napagdesisyonan kong basahin ang letter ni Kim sa akin:
Dear Kate,
Hello Kate, alam kong kapag nabasa mo ito ay wala na ako. Sorry kung hindi ko kaagad sinabi sayo ha? Ayoko kasing mag-alala ka. Alam mo bang ikaw ang first at last love ko? Hahaha mahal na mahal kita. Ang cute cute mo pag nakasmile kaya pag nabasa mo ito smile ka lang ha? Dba nagsumpaan tayo na walang iwanan? Sorry kung akong yung nang iwan. Pero kahit ganon alam mo bang forever kitang babantayan kaya wag kang gagawa ng masama ha? Okay lang naman na may mahalin kang iba e, gusto ko sumaya ka. Okay lang na palitan mo ko pero wag mo lang akong kakalimutan. Wag mong kakalimutan na may nagmamahal ng gwapo sayo sa langit haha. Sana kapag may nangligaw sayo bigyan mo sya ng pagkakataon ha? Malay mo kayo yung para sa isa't- isa. Sayang hindi na kita mayayakap pang muli. Hay :(( Sana wag ka ng malungkot ha? Btw nag-video ako. Kung namimiss mo ko panoodin mo lang yon. Nandoon ang lahat nang alaala natin. Hindi mo alam na nagvivideo ako noh? Magaling ako eh :p sige na, bye na Kate. Ily.