Nagkagusto ka na ba sa best-friend mo? Wait., scratch that. Minahal mo na ba bestfriend mo? Yung higit, sa friends? Ako, kasi, OO.
Nagsimula lahat ng yun nung mga bata pa kami. Chilhood friends kami, sabi nga nung mga nakakakilala samin, baka magkatuluyan daw kami paglaki namin. Pero pinagtatawanan nalang namin yun at di pinapansin. Mga bata pa nga kami nun, wala pang masyadong alam sa mundo…
“Ella! Tagal mo naman! Lika na, uwi na tayo!”
“Teka, yung crayons ko! Nakalimutan ko! Wait lang.”
“Ako na kukuha.” Tapos pumasok na siya sa classroom namin.
Maya-maya, bumalik na siya. Tapos, nakasmile siya.
“Oh, Crayons mo.”
“Thanks Nathan, teka, bakit ka nakangiti diyan?”
“Eh kasi…” May sinabi siya, pero di ko narinig. Tumakbo na kasi ako nun eh.
“Habulin mo ako Nathan!” At ayun, naghabulan kami pauwi sa bahay namin. Magkapitbahay lang kami eh. Hihi :’’>
Grade 3 pa lang kami nun, pero magbestfriends na kami. Para nga daw kaming kambal eh. Kasi, talagang tight kami. Alam mo na, magbestfriends eh. Pero di niya alam, may gusto na ako sa kanya, mula kinder pa lang. Hehe. Kasi, pinagtanggol niya kasi ako dun sa mga batang umaaway sa akin nun. Binigyan niya pa nga ako ng lollipop eh. Kaya simula nun, naging crush ko na siya. Ngayong 4th Year Highschool na kami, lalo akong naiinlove sa kanya. Uy sikat si Nathan noh. Hearthrob nga daw eh. Eh ako? Wala, dakilang bestfriend. Hindi ako sikat, nerd nga daw ako eh. Pero at least, hindi niya ako nilalayuan diba? Pero, ang saklap nga lang, bestfriend pa rin ang turing niya sa akin. Okay lang naman sa akin, kasi alam mo na, hindi pa naman ako umaamin eh. Mas mabuti ng ganito, sabi nga nila, Mas mabuting maging bestfriend ka forever, kaysa naman maging EX-GIRLFRIEND ka in the future. Go with the flow na lang.
“Bes!” Nagulat ako nung may yumakap sa akin patalikod, si Nathan lang pala. Namula tuloy ako pero binatukan ko siya.
“Ano na naman? Makayakap ka ha.”
“Ano naman, bestfriend naman kita ha?” Aray. Ang sakit.
“Ewan ko sayo.” Inirapan ko siya at nagwalk-out pero bigla niya namang hinablot yung kamay ko at tinignan ako.
“Tampo ka na naman. Treat na lang kita icecream!” Tapos ayun, nagpahila na lang ako sa kanya. Kaysa naman asarin na naman ako nito na may crush ako sa kanya. Kahit totoo. Nakakailang kaya yung ganun.
Nagpunta kami sa Ice cream ni L.A. Ang unique kasi ng flavor ng ice cream dun eh. Sobrang sarap pa.
“2 pong Vanilla Almond at 1 Mint Chocolate. Sugar cone.” Alam niya na paborito ko rin yung Vanilla Almond. We’re the same nga eh. HAHA. Pero, wait…
“Para naman kanino yung Mint Chocolate? Sayo rin? Tataba ka niyan! HAHAHA” Binatukan lang ako ni Nathan. Ugh.
“Makabatok ka.”
“Sorry. Ikaw naman kasi eh. Ano ka ba, Bes. Para ‘to kay Jeannie.” Uh, Jeannie?
“Sino yun?” Umupo muna kami sa pantatluhang table.
“A special girl.”Muntik ko nang mabitaw yung icecream.
“S-special?” Syempre, shocked ako. Alam ko kasi, ako lang yung… special na girl para sa kanya. Pero, biglang meron nang bago?