CHAPTER 39

52 17 2
                                    

Third person's point of view

Tinahak ni Grey ang masikip at madilim na pasilyo. Hindi man sigurado sa ginagawa ay sa tingin niya'y kailangan niyang makausap ang isa sa mga importanteng tao sa kanya noon. May halong kaba at takot ang bumabalot sa kanya habang tinatahak ang daan, ngunit mas lamang sa kanya ang galit.

Nang makita ang isang liblib na sulok ng lugar ay walang pagdadalawang isip niya itong pinasok sa loob. Gusto niya'ng magulat sa natagpuan pero mas pinili niyang magpakatatag at harapin ang dapat harapin.

"Long time no see..."

Malamig ngunit may bahid ng pagkakakilabot ang tinig na 'yon. Bumaling si Grey rito at seryoso itong tinignan di alintana ang mga nakita.

"So this is it..." Mahinang usal ni Grey habang matalim ang tingin sa nakangisi'ng si Devin. May hawak pa itong mahabang kutsilyo na may bahid pa ng sariwang dugo.

"I'm glad you that see my stuff, Grey." Malamig na ani Devin.

"Devil."

"I know." Sagot ni Devin at lumapit sa isang nakahandusay na lalaki'ng naliligo na sa sariling dugo. Hirap ngunit humihinga pa ang lalaking halos mabali na ang paa at mga braso, umiiyak siyang tumingin kay Grey... Nagmamakaawa, nag-babakasakaling matulungan siya.

"T-Tulungan mo 'ko... Pakiusap... Tulong..." Hirap na usal ng lalaki kay Grey.

Kita naman ang pagka-kunot ng noo ni Grey at umiwas ng tingin. Sanay siyang nakakakita ng ganito dahil minsan na rin siyang naging miyembro ng mga pumapatay kagaya ni Alfonso, pero sa pagkakatao'ng ito ay hindi niya maatim ang nakakadiring pinag-gagawa ni Devin sa kanila.

Matunog na ngumisi ang ngayo'y nakaupo na si Devin sa tabi ng lalaki, "Hindi ka tutulungan niyan, walang tutulong sa'yo dito." Malumanay niya'ng sabi.

"Ito ba ang ginagawa mo kapag 'boring' ka?" Biglang sabi ni Grey na kunot pa din ang noo'ng nakatingin sa kung saan.

Tumayo si Devin at hinarap si Grey. "Pumunta ka ba dito para itanong ang bagay na 'yan?" Seryoso'ng aniya.

Tumingin ang binata rito. "Sinasabi ko na nga ba..."

"Hindi sa lahat ng oras makakausap mo 'ko, kaya sabihin mo na agad ang kailangan mo." Malamig na saad ni Devin.

"Layuan mo na si Queenie. 'Yon ang pinunta ko rito." Diretsang sabi ni Grey. Hindi naman agad nakasagot si Devin at seryoso lang siya'ng nakatingin rito. "Nandito ka for purpose, right? Ang patayin si King Xander." Dagdag pa ni Grey.

"At gusto mo'ng sumunod?" Sagot ni Devin.

Nag-igting ang bagang ni Grey sa pagiging pilosopo ng binata, ikinuyom niya ang palad at matalim siya'ng tinitigan. "Wala ako rito para sa kagaguhan mo, Devin. Pakiusap, Stay away from her." Matigas na aniya.

"Stop commanding me."

"I'm not commanding. I'm begging you."

"I decline. You may leave."

"Balak mo rin siya'ng patayin, diba?" Biglang sabi ni Grey. Halata sa kanya ang inis at galit ngunit pinapakalma lamang ang sarili. "I won't let you do that, Asshole."

Sarkastiko naman'g natawa si Devin rito na lalong kinainis ni Grey. "So tell me, what can you do to make me stop?" Aniya kay Grey.

"I will sure kill you." Madiin'g sagot nito.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now