Chapter 3: Underground
Mikky's POV
ANG HABA NG araw ko! Si Kuya naman dada ng dada dahil daw sa babae kaninang umaga, totoo naman ang sinabi ko! Pero yung kyut na babae kanina, tsk looks like may crush na ako. Tinabunan ko ang bibig ko para hindi makita ni kuya, can't believe I'm giggling like a teenage girl. Nang huminto sa harap ng gate ang sasakyan ay padabog na sinara ni Kuya Prince ang pinto ng kotse kunot ang noo siyang naglakad at pumasok sa loob ng bahay.
"Kuya Mik, naano yung kuyang iyon? Bad mood nanaman?" She ask while looking at Kuya Prince, I nod. Sumandal ako sa sasakyan at hinintay ang lalaking may dala ng gamit ko.
"Yep, nakatagpo ng katapat" binigay na saakin ni manong ang gamit ko at naglakad, sumabay saakin si Gwen na maglakad.
"What do you mean katapat?" Hindi ko nanaman mapihilan ang tawa ko while remembering the girl who piss him off, she's fearless. Hahahaha!
"Nahh, sabihin na lang natin nahanap na niya ang destiny niyang maging kaaway. Inis na inis nga siya kanina" sabi ko habang nagpipigil ng tawa, pagpasok namin sa loob ng bahay. Pinagtatapon ni Kuya Prince ang mga unan kung saan saan, and there he goes his little tantrum.
"Sige Kuya Mik, sa taas na ako. Paki sabi na lang kay Kuya Prince na huwag itapon ang mga vase pagagalitan tayo," tumango na lang ako habang iniiwasan ang mga unan na nagsiliparan.
"Kuya Prince huwag mong sirain ang mga vase!" Sigaw ko, sana narinig niya ako. Umakyat na ako papunta sa kwarto, sana magkasundo na sila. Pero nakakatawa si Kuya kanina, I can't believe they are still someone who have the guts to insult him.
Hinubad ko na ang uniform ko at nagbihis ng komportable, pagkatapos kong mag ayos ay kinuha ko kaagad ang laptop at nag-online. I tried to search her name. Pero ang mga result ay ibang mga tao, Sanchez ang last name pero walang Le'an Kyle. Meron namang Le'an at Kyle pero hindi Sanchez, haist. Ano kaya ang pangalan niya sa FB?
Marami akong sinubukang paraan pero wala talagang lumabas, weird for a teenage girl na walang social media accounts. May ganon pa bang tao? Sumandal ako at naramdaman ang init sa kwarto ko, ayoko namang i-on ang aircon lalamigin din ako lalo. Tsk, tumayo ako sa laptop at kinuha ang phone. Tama, hindi pala uuwi sila Kuya Michael. Anong gagawin ko? Nagpagulong-gulong ako sa kama at tumihaya ng higa, I could see the white ceiling and the little chandeliers hanging. Pinikit ko ang mga mata pero nagulat ako nang lumitaw ang imahe ng babae kanina! Damn! What's wrong with me? Ano to love at first sight? Stop joking! Argh!
Wala akong nagawa kung hindi ang lumabas ng kwarto at hinanap si kuya Prince sa baba, nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nanonood ng TV mag isa habang ang mga kasambahay nililinis ang kinalat ni Kuya. It looks like tapos na ang tantrum niya now I'm hungry, pumunta ako ng kusina. Binuksan ko ang ref at nakita ang dalawa at malaking pizza box sa loob, lucky! Wala akong pag-aalinlangan at sinubo ang pagkain, this is life I need to relax at may kailangan pa akong aasikasuhin sa school. Being a student member of the school isn't simple, kailangan ko pang basahin ang mga events sa susunod na mga lingo at mag distribute kung kaninong class ang in charge doon.
And I still want to know that Le'an's FB, kahit magchat lang kami! Tsk, I'll ask her tomorrow.
"Oh! Ahhm, Mr. Mikky. Pwede po kaming magluto para sa inyo" nagulat ako ng may nagsalita mula sa likod ko at nabulunan, kinapa kapa ko ang dibdib ko at sumenyas na pahingi ng tubig. Dali dali silang kumuha ng tig-iisang baso, teka! Hindi ko naman mauubos ang lahat ng tubig na iyan! Hindi na ako nag-isip kung saan ang kukunin basta kumuha ako ng baso, jusko muntik na iyon!
BINABASA MO ANG
Secretly Falling In love with You (Completed)
Novela JuvenilMaraming katanungan ang lalaking nagngangalan Prince Harold Ramos, he already had the fame, the looks, but the attitude? Nah. Erase that, pero may kulang sa puso niya. Na parang nay kulang sa pagkatao niya, while thinking that whole his life. Makiki...