THE 9 GODDESSES #12 - "Deal."

2.8K 83 13
                                    

*THIRD PERSON’S POV*

“Gigil na gigil na ako sa’yo, Yeonnie.” Bulong niya kay Yeonnie.

Kahit nakapikit ay pinilit niya pa ring abutin ang nurse call button. Maabot na sana ito ng dalaga kaso hinarangan siya nito gamit ang kanyang mga kamay. Unting-unting iminulat ni Yeonnie ang kanyang mga mata. Oo, ang pagkapikit niya dahil sa takot ang dahilan kung bakit nagkaroon ng malalim na kadiliman. Nang iminulat niya ito ay nakita ni Yeonnie ang kanyang anino. Hindi niya man siya mamukhaan dahil sa dilim ng silid ngunit sa galaw ng kanyang anino at ang kanyang amoy ay nakikilala niya ito. Gusto niya sana siya paalisin gunit may hawak-hawak itong patalim kaya siya ay natatakot. Ngunit hindi dito sumuko si Yeonnie. Patagong inaabot ng isang kamay nito ang nurse call button. Ngunit bigla niyang pinutol ang taling nag-uugnay sa nurse call button gamit ang kanyang sandata na kutsilyo.

Itinutok niya ang kanyang patalim sa leeg ni Yeonnie. Napalunok ang dalaga. Wala siyang ibang naisip kundi ano ang pwede niyang gawin para makatakas sa kanyang kamay. Ngunit bigla niyang binawi ang kutsilyo at hinalikan si Yeonnie. Isang malalim at basang halik ang inihandog niya sa labi ni Yeonnie. Oras nung nagkahiwalay ang kanilang mga bibig ay nagsalita siya. “Hindi pa oras. Hindi mo pa oras.” Sabi nito at dahan-dahang umalis ang kwarto. Nang makaalis siya ay napapikit nalang si Yeonnie at minasahe ang kanyang ulo. At hindi nag-tagal ay nakatulog siya na para bang walang nangyari sa kanya, na para bang hindi siya muntik na namatay.

***

Lumipas ang isang linggo at bumalik na si Yeonnie sa kanilang dorm. Instead na magpahinga ay nasa practice room siya at gumagawa ng choreography para sa kanta ng “Lady Three”—Ang pangalan ng trio nina Yeonnie, Stephanie at Jessica. May mga choreo naman sa label ngunit ayaw na kumuha pa ni Yeonnie at baka magaya sila sa photographer nung nag-photoshoot sila at sa kanilang personal trainer. Ayaw na ni Yeonnie na may maipit pa na iba sa kanilang impyernong nararanasan. Habang gumagawa ng steps si Yeonnie para sa single na “Twinkle” ay biglang pumasok ang mga natititrang apat na miyembro ng 9 GODDESSES.

Kinuyog nila si Yeonnie at binigyan ng group hug. “Di’ba bawal ka mapagod sabi ng doktor mo kaya tigil ka muna leader. Pagawa nalang tayo ng choreo sa iba.” Sabi ni Yoona kay Yeonnie.

“Hindi ko kailangan ng pahinga sa mga oras na ito. Last shot nalang natin ito. Kumbaga sa basketball game ay last three seconds na ito, nasa atin na ito kung ishoshoot ba natin o hindi.” Sabi ni Yeonnie. Nagkahiwalay na sila sa kanilang group hug. Lumapit naman si Yeonnie sa magkatabing Cinna at Yoona. Hinawakan niya ang mga kamay nila at sinabi, “Galingan niyo ah. Last shot na natin eh kaya isang maling tapak ay ikababagsak ng ating grupo. Gusto kong ibigay niyo ang best niyo at hindi rin magtatagal at babalik tayo sa entablado.”

“What if we failed? What if the results will be a total failure?” Sabi ni Stephanie.

“No. We won’t be a failure as long as we do our best.” Payo ni Yeonnie kay Stephanie. “Itong sitwasyon natin ay isang malaking sugal, itataya natin ang lahat-lahat at kapalit nito ang pabuya na ating inaasam. Kung hindi mo maiibibigay ang sarili mo ng buong-buo, mas mabuti pang sumuko ka muna sa sugal na ito.” Sabi ni Yeonnie at iniligay ang kanyang kamay sa gitna ng bilog na hindi nila namamalayan na nabubuo. “Pero isang grupo tayo. Walang iwanan, walang bitawan, walang sukuan. Sabay-sabay natin lalagpasan ang lahat ng hamon na nakalatag sa atin. Sabay-sabay natin itong gawin para sa grupo, sa ating sarili at sa ating mga ka-miyembro na nasa langit na. Ngayon, who’s with me?”

Ipinatong ni Jessica ang kanyang kamay sa ibabaw ni Yeonnie. Sumunod naman sina Cinna at Yoona. Si Stephanie naman ay nagdadalawang isip pa pero hindi naman nag-tagal at sumama na ito. Gumawa sila ng pact at sinabi ang kanilang mga chants. Lalong ginanahan ang grupo. Lalong naging mas matatag ang grupo.

THE 9 GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon