MSG 12

282 8 0
                                    

“Hatred paralyzes life; love releases it. Hatred confuses life; love harmonizes it. Hatred darkens life; loves illumines it.” ― Martin Luther King, Jr.

------------------------------------------

“Summer, kakain na raw sabi ni Tita. Gising ka na ba?”

Narinig ni Summer na bumukas ang pinto ng kwarto niya pero hindi niya nilingon o inimik man lang si Liana. Ramdam nanaman niya ang katamaran ng katawan niyang pinipigilan siyang bumangon, para bang may pabigat sa ibabaw niya para manatili lamang sa kama. Pakiramdam nanaman niya ay wala siyang ganang kumain ngayon.

Sa pagpilit ni Summer na tumayo mula sa kama, naramdaman niya ang pagkirot ng ulo niya. Para bang pinupukpok ito ng martilyo sa sobrang sakit. Naupo siya sa kama niya at agad namang lumapit si Liana sakanya.

“Okay ka lang?”

Hindi sumagot si Summer. Tanging pag-ubo lang niya ang naging sagot niya sa tanong ng kaibigan.

“Oh, kailan ka pa nag-simulang ubohin?” nagtatakang tanong ni Liana. Napa-tingin siya sa aircon ng kwarto ni Summer, “Kaya naman pala. Ang lakas ng aircon mo. Hindi man lang ba giniginaw?”

Umiling si Summer, “Hindi ako makatulog kagabi sa init, pinagpapawisan ako. Kaya nilakasan ko ‘yung aircon. Hindi ka ba nainitan kagabi?”

Umiling lamang si Liana. Si Summer ay napahinga lang ng malalim. Hindi niya maintindihan ang sarili niya, tuwing gabi nalang naiinitan siya sa hindi niya malaman na dahilan. Hindi na nga siya nagkukumot at nilalakasan pa ang aircon pero wala iyong epekto sakanya.

Muling tumayo si Summer para yayain na si Liana na lumabas ng kwarto. Ngunit saktong pagtayo niya ay natumba siya. Ang sumunod na mga nangyari ay hindi na matandaan ni Summer. Nagdilim na agad ang paningin niya at tuluyan nang nawalan ng malay.

--

Pinilit ni Summer na idilat ang mga mata niya pero nabigo siya. Para bang nasa isa siyang bangungot na pinipigilan siyang gumawa ng kahit anong kilos, ngunit nakakarinig siya ng mga pamilyar na boses na nag-uusap sa paligid niya. Ilang segundo lang ay nagawa niyang dumilat.

“Summer,” sambit ni Liana at agad na lumapit sakanya, “Kamusta na pakiramdam mo?”

“A-anong nangyari?”

“Nahimatay ka. Gusto nga ni Tita na dalhin ka sa ospital pero gumawa ako ng dahilan para ‘wag na dahil alam kong ayaw mo do’n.”

“Bakit mo ginawa ‘yon?” tanong ni Evan sa mataas na boses, “Alam mo namang mas makakabuti kung dadalin si Summer sa ospital ‘di ba? Nag-iisip ka ba, Liana?”

Kita ni Summer ang inis sa mukha ni Evan nang malaman ang ginawa ni Liana. Si Liana naman ay napa-yuko lamang. ‘Yun ang unang beses na nakita nilang nainis si Evan o kaya naman ay nagtaas ng boses sa kahit sino. Kumuha ng lakas si Summer para hawakan ang kamay ni Evan. Nilingon lang siya ni Evan nang bigyan niya ito ng isang nanghihinang ngiti.

My Summer's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon