Chapter 10

178K 8.9K 3.4K
                                    

NANGINGINIG akong lumayo sa pinto. Bumagsak na iyon at ngayon ay sumasalubong na sa akin ang kadiliman mula sa labas ng kuwarto.



Ano iyong imahe na iyon? Anong klaseng imahe ang nasisinagan ko...


Ano ito? Sino ito? Anong nilalang ito? Diyos ko...


Napaluha ako habang nanginginig. Gusto kong tumili at sumigaw, pero manhid ang lalamunan ko. Pinagsisipa ko ang sahig para lang makaatras ako. Hindi kasi ako makatayo sa matinding takot.


Walang kahit anong senyales na papasok ang kung sino mang nilalang na nasa labas ng kuwarto ko. Pero hindi ako dapat mapanatag. Hindi ako pwedeng huminga nang maayos.


Hindi... hindi ko kaya!


Kailangan kong makapagtago! Kailangan kong makakilos para makalayo! Malayong-malayo sa pinto!


Pinilit kong makatayo mula sa aking pagkakaupo. Habang nagtatagal ako dito ay lalo lang nanganganib ang buhay ko. Isiniksik ko sa isip ko na kailangan kong kumilos. Dahil kung hindi ay mamamatay ako.


Para akong nanakbo ng ilang kilometro sa lakas ng paghingal ko. Pakiramdam ko nga ay anumang oras ay hihimatayin na ako.


Tigib ang luha at pawis na lumingon ako sa pinto.


Madilim.


Pulos kadiliman.


Kumurap ako.


Nawala?


Kumurap ako.


Kumurap ulit.


Nakailang kurap ako. Kinusot ko pa ang aking mga mata, pero wala talaga.


Anong nangyari?


Nasaan na iyong nakita ko?


O may nakita ba talaga ako?


Ipinilig ko ang aking ulo. Nanaginip na naman ba ako? Imahinasyon lang ba iyong nakita ko? Baliw na rin ba ako? Nasisiraan na ba ako ng ulo? O bangungot lang ito? Ano ba talaga?!


Nasaan na siya? Iyong humahampas kanina sa pinto, nasaan na siya? Nasaan iyong nilalang...


O nandyan lang siya. Hindi ko lang talaga makita dahil madilim? No. No way! Hindi siya totoo. Tinatakot ko lang ang sarili ko!


Bangungot lang ito. Oo, tama... bangungot lang. Nang may maulinigan akong tila huni mula sa kadulu-duluhan ng madilim na hallway sa labas. "A-ano iyon?"


Nananayo ang mga balahibo ko sa katawan, nangangatal ang mga labi ko sa nerbiyos. Bumalik ang takot ko, pero pilit ko itong pinaglalabanan.

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon