Chapter 007: Later Baby

53 2 0
                                    

Chapter 7: Later Baby


"I'll see you later." Mike said while holding my left hand with his right. Katatapos lang naming mag-lunch at tutungo na sila ni Carlos sa conference na magsisimula ngayong 1PM. Who the hell knows kung anong oras matatapos iyon. Ang sabi ni Cassie usually it takes 5-6 hours straight. So that means hindi ko makakasama si Mike sa hapong ito at mamayang gabi na uli kami magkikita. Tapos pagod na siya at siguradong tutulugan niya ako kaagad. Kaya naman pala isinama ako nitong si Cassie. Anyway hi-way, mabuti nalang at malapit sa beach itong venue, atleast may magagawa kami habang busy sila doon.

"Yeah later." He leaned forward and gave me a quick kiss on the lips, otomatikong napapikit ako dahil doon. Hindi na ako nagulat pero nalaglag panga nina Cassie at Carlos sa nasaksihan. Hindi pa kami nakakapagkwento kaya naman naiintindihan ko ang reaksyon nilang iyon.

"Call me anytime if you miss me, huh?" bulong ni Mike kasabay ng paghapit niya sa bewang ko palapit sa kanya. OMG, paano ko makakaya ang ilang oras na hindi siya kasama, ngayon palang gusto ko na siyang pigilang pumunta sa conference. I am gonna miss him for sure. I raised my brow at pilit na pinigil ang pag-ngiti. Why so sweet?

Nakarinig kami ng pagtikhim, si Carlos iyon na nasa hindi kalayuan lamang. "Ehem, as far as I remember kami ang bagong kasal dito, hindi ba? Annie, Mike, you two owe us something tonight." Napangiti lamang ako sa tinuran niyang iyon.

"Sige na, you shouldn't be late. Move." Bahagya kong itinulak si Mike kahit sa loob loob ko ay ayoko talaga. This is what they called tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Kung pwede lang kasing wala ng conference at medical mission para masolo namin ni Mike ang isa't isa.

Napag-desisyunan namin si Cassie na mag-swimming, getting us tan won't hurt. Besides it's been months since the last time we go beaching. She wears her favorite one-piece black swimsuit at ako naman ay two-piece bikini na matingkad na pula ang kulay. Don't ask me why, siya ang nag-ayos na gamit ko kanina at nagulat nalang ako ng ito ang ibinag niya. We are both confident wearing this at hindi kami kagaya ng iba na pakeme-keme pa sa paggamit ng cover up. If you have the body, then flaunt it. Saka nasa beach ka, natural swimsuit talaga and suot mo, right?

"Their eyes are on us." Bulong ni Cassie habang ngingiti-ngiti sa akin.

Inirapan ko siya, "Hindi kana nasanay." sagot ko sa kanya.

"Carlos once told me na ang gusto niya siya lang ang makakakita sa katawan ko so Iam thinking what would be his reaction kapag nakita niya ako sa one-piece na to." Kwento niya sabay inom ng buko juice na binili namin sa di kalayuan.

"He should be proud, her wife's admired by many. Lucky him."

Tumawa siya at humarap sa akin. "Sayo, okay lang ba kay Mike na magsuot ka ng sexy or daring? Look at you now, you look so hot in red."

"I don't know, we haven't talked about that." Napaisip ako, will he be okay to see me wearing this? Is he conservative?

"Carl says he's a conservative type. Pero ewan ko, hindi naman talaga kami close ni Mike. That's something for you to find out, girl." she winked.

"Yeah right." Wala sa loob na sagot ko.

Bumalik tingin siya sa akin, "You know what, you two surprised me. Hindi parin ako makapaniwalang kayo na. Isinumpa mo ang mga lalake few years back, hindi ba? Anyare te?"

"Alam mo namang gusto ko siya since Day 1, di ba? Tapos nung sinabi niyang gusto niya din ako, hindi na ako nakatanggi." Medyo nahihiyang paliwanag ko. "But swear, I tried to resist." pahabol ko.

Perfectly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon