A/N: Wag basahin , masyadong madrama eh xDD
Letting Go (One-shot)
[JaLec FanFic]
May mga tao talaga na pinipili nila’ng itago kung anuman ang nararamdaman nila. Hindi dahil sa ayaw nila’ng masaktan, mahusgahan, at ma-reject, kundi gusto lang nila’ng gawin iyon sa ikabubuti ng lahat.
Hindi ibig sabihin nun na mahal niyo ang isa’t-isa eh magiging kayo na forever. Na may happy ending na kayo. Minsan wala ka nalang magagawa kung hindi kayo para sa isa’t isa. Wala ka ng magagawa kung hindi umaayon sa inyo ang oras, ang tadhana, at ang pagkakataon.
*****
“Jai, bumangon ka na diyan at may pasok ka pa.” Gising sakin ni Tita.
“Opo tita.” Sabi ko. Antok na antok pa talaga ako kaso kailangan ko ng bumangon. Baka ma-late pa ako nito.
Bumangon na ako at ginawa ko na lahat ng gagawin.
“Si kapatid po?” tanong ko sa kanya.
“Pumasok na. Kanina pa yun eh. Oh, sige na. Maligo ka na at baka ma-late ka pa sa klase niyo” sabi ni Tita at lumabas na ng kwarto ko.
Nga pala, ako nga pala si Jyra Agpangan. 18 years old na ako. May kakambal ako si Joj Agpangan.
Mahal na mahal ko yung kakambal ko kaso, di kami magkasundo. Sa lahat ng bagay magkasalungat kami. Mukha at dugo lang ata kami magkapareho eh.
At iisa lang ang lalaki’ng mahal namin.
Wala na kami’ng mga magulang. Namatay sila sa isang trahedya. Pinatay sila nung business partner ni daddy sa company. Mayaman kami dati, masaya pamilya namin, at magkasundo pa kami ni kambal kaso na wala yun sa isang iglap.
Ako ang sinisi ni kambal sa pagkamatay ng parents ko. 14 years old palang kami nung nangyari yun.
Ako kasi ang target nung ka-business partner ni daddy. Balak nila ako’ng kidnapin at patayin. Gusto daw nila’ng makaganti sa daddy ko. Di ko alam kung bakit ang laki nung galit nila sa daddy ko.
They killed my parents in front of me. Nakita ko kung paano nila pinatay ang mga magulang ko. Mamamatay sana ako kung di pa dumating yung mga pulis.
Nagalit ako sa sarili ko na wala man lang ako’ng nagawa.
Sinisi ako ni kambal. Ako nga din eh sinisi ko rin sarili ko. Sana ako nalang yung pinatay. Bakit pa kasi ako nila sinagip, di sana mangyayari sa kanila yun.
Pero gusto ko’ng gumanti sa mga nagpatay nung daddy ko. Lalo’ng lalo na sa business partner ng daddy ko. Kilala ko siya. Alam na alam ko talaga bawat detalye ng mukha niya. Naalala ko pa yung mukha ng ga*o’ng yun.
Hinanap ko siya para gantihan. Kaso nalaman ko nalang na nangiba’ng bansa siya. Wala naman ako’ng pera para sundan siya.
Wala’ng wala kami nung time na yun. Kasi yung pera na natira ng parents namin, ipinagamot sakin. Malapit nga ako’ng namatay eh. Tapos yung company namin, di naman namin alam kung paano yun patatakbuhin kaya binenta nalang namin yung shares ni daddy sa company.
“Sige Tita, aalis na po ako” pamamaalam ko sa kanya.
Kinupkop kami ni Tita. Kaso hindi namin alam na pera lang pala ang habol nung asawa niya samin. Sabi nila , patitirahin daw nila kami pero ibibigay namin yung pera sa kanila. Ewan ko ba kung bakit binigay ko ang pera sa kanila. Yun din ang reason kung bakit ako kinamumuhian ni kambal.
BINABASA MO ANG
Letting Go [JaLec FanFic] (One-Shot Story)
Fanfiction“Some of us think holding on makes us strong, but sometimes it is letting go.” — Herman Hesse Letting Go .. Madrama'ng eshtorya xDD