Hi Ate Barbs! I love your story of 'A Wife's Cry, very nice ending! Congratz also, it will be published soon! Thumbs up for that! More power and God blessed po! :)
X. CONFESSION
Last day na nang U-Week namin ngayon.. at pagkatapos nang araw na to, back to normal na naman sa school kaya yung iba, sobrang sinusulit ang isang linggong petics day na yan dahil next week, final exam na din namin, then after that.. bakasyon na! Sa wakas! :D
Anyway, nandito nga pala ako sa Function Hall ng school namin for Reflection. Every year na ginagawa yan sa school, by batch of students ang ini-schedule dyan at kaming nandito ngayon ang last batch. It's a "spiritual reflection" or a time of reflection to God. Ang saya nga kasi yung Pari na naimbitihan ng school namin na maging coordinate speaker sa program na yan ay si Pader Luis. Siya yung Paring komedyanteng gustong-gusto kong nagmimisa sa simbahan. Kaya yun, buong program namin tawa kami ng tawa, simpleng comedian talaga tong si Pader. Mapa loob o labas ng simbahan, he never failed to make us laugh sa jokes at punch lines niya. Haha. Kahit nga si Sakristan Will palaging natatawa sa kanya eh, puwera lang kay Enzo.. hayst!
Naalala ko naman yung totoy na yun! Isang linggo na din ang nakararaan mula nong araw na nagkrus ulit ang landas naming dalawa.. pero yung araw na yun, that was the day na unang beses ko siyang nakita ng malapitan, yung araw na una kaming nagkausap ng personal.. without knowing na yung 'Jhassy' na katext nya noon, at ako ay iisa lang.
Julien, paano pa siya magkakaroon ng idea na ikaw si Jhassy? Kung si Franz ang ipinakilala mo sa kanya bilang 'Jhassy na katext nya! In short, niloko mo siya!
I sighed. Heto na naman ang nang-uusig kong konsensya. Oo na, alam kong salbahe nako. Niloko ko siya dahil ibang tao ang ipinakilala at iniharap ko sa kanya. Pati bespren ko, dinamay ko pa sa kalokohan ko dahil kinutsaba ko siya sa plano ko.. and I almost regret it. Gusto kong itama yung maling nagawa ko sa kanya..
Kaya after ng Reflection namin. Hindi muna ako lumabas ng Function Hall. Nagpahuli ako, para hintayin si Pader Luis. At nong paalis na siya, hinabol ko siya sa hallway
"Pader, sandali po!" tawag ko kay Pader Luis. Tumigil naman siya sa paglalakad at lumingon saken.
"Yes Hija?" tanong nya saken nong makalapit ako sa kanya.
Mabuti nalang wala ng masyadong estudyante sa hallway, kasi hapon na.. yung iba nagsi-uwian na after nong awarding ceremony kanina don sa Quadrangle, at yung mga kasama ko naman na umattend ng reflection, nakababa na sila halos lahat papuntang lobby. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon na to para makausap si Pader na kami lang dalawa.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga. At kahit nahihiya ako, nilakasan ko nalang ang loob ko para masabi ang pakay ko kay Pader.
"Pader.. pwede po ba kong magkumpisal sa inyo?" straight to the point kong tanong kay Pader.
Wala ng atrasan 'to. Di ba, sabi ko nga.. kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, talagang i-kukumpisal ko yung ginawa ko kay Sakris para mapanatag na din ang loob ko. Sobrang nakokonsensya na kasi talaga ako, lalo na nong nakita ko siya last time.. although, mukha naman siyang okay but still, it can't change the fact that I did something bad to him. :(
Saglet munang napatingin saken si Pader tapos ngumiti siya. "Oo naman Hija, saan mo ba gusto magkumpisal?"
Napangiti ako kay Pader. Then, instead na bumalik sa Function Hall, niyaya ko si Pader Luis sa pinakarooftop ng school. Sa tingin ko kasi doon yung pinaka peaceful place para makapagkumpisal ako sa kanya ng mga kasalanan ko.. at mga kasalanan talaga? Uy teka! Baka naman iniisip nyo, bukod sa panloloko ko kay Sakris, may mas mabigat pakong nagawang kasalanan ha! Wala na! Sa totoo lang.. ito na yung pinakaworst kong nagawang pagkakamali sa tanang buhay ko, ayoko namang forever na dalhin to, from time to time and everyday, I feel guilty dahil unang-una sa lahat.. hindi ko din talaga ginustong gawin yun sa kanya.. napasubo lang ako dahil that time.. wala akong ibang pagpipilian at hindi ko din alam ang gagawin ko sa naging 'deal' namin na yon.
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN [FIN]
Teen Fiction❝I pretended to look around, but I was actually looking at you...❝ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 © 2014 All rights reserved.