21

15.5K 292 3
                                    

Nagsariling sikap ako. Para hindi mabuntis, umiinom ako ng pills. Everyday nagpapaalarm ako para lang maremind ako na may kailangan akong inumin.  Hindi naman araw-araw kung humingi sya, minsan isang besis isang linggo, dalawa, tatlo, pero hindi talaga maiwasan na mabilis syang gapangan ng libog kung magkatabi kami.

Inaamin kong nagugustuhan ko narin ito, at hindi na ako umaayaw kapag ginagawa namin. Pero may pangarap rin ako at gusto kong makatapos, kaya pills ang solusyon ko para pareho kong mapagbigyan ang pangarap ko at sariling gusto ng katawan ko.

Simula nang ibigay ko sa kanya ang pagkakababae ko, naging mas mahigpit na sya sa akin, mas naging malambing, mas naging maalaga at higit sa lahat naging close kami lalo.

Isang exam nalang bukas at sem break ko na, parang kelan lang. Ako nalang ang hinihintay ng mga roommates ko para don sa plano naming pagpunta kina Jade sa debut nya.

Ang usapan bukas pagkatapos ng exam ko aalis na kami, susunduin kami mula dito para hindi kami mahirapan.

"Kelan ka babalik dito?" Nakasalikop ang mga braso nya habang nakaupo sa swivel chair nya. Pinagmamasdan nya akong nagtutupi ng mga bagong laba kong damit na dadalhin bukas. Dito ako naglaba kasi meron syang washing machine at heat dry.

"Mga after seven to ten days nga. Kailangan ko lang magpakita sa kanila lalo na't hindi ako nakauwi nong summer" nagsinungaling ako kasi excited ako, gusto kong makita ang lugar nila, ang bahay nila at ang hacienda nila. Pero hindi ko yun sasabihin sa kanya dahil ayokong mag-isip sya ng mali sa akin. Ayokong uuwi din sya at babakuran nya ako don, lalo na't hindi ko parin nasabi sa mga roommates ko na kami na.

"Hindi ba pwedeng ako nalang ang maghahatid sayo don?" mabilis akong umiling. Napatingin ako sa kanya at napanguso. Ito ang lalong humihila sa akin papunta sa kanya, ang pagiging possessive nya. Imbes na inis ang maramdaman ko, kinikilig ako dahil ramdam ko ang pagmamahal nya para sa akin.

"Mag-aaral ka pa diba? Bukas may exam kapa sa hapon, mahihirapan kalang" ngumuso ako. "Hayaan mo naman na mamiss kita ng sobra para excited ako makita ka next week"

"Fuck!" mura nya. "Kaya mong hindi ako makita ng ilang araw?" may kapilyuhan sa ngiti nya.

"Kakayanin" ngumuso ako.

Humalakhak sya. Nilipat nya ang mga kamay nya sa likuran ng ulo nya at hinahamon ako sa sinagot ko. "Love ill tell you, baka mamaya mamimiss mo na agad ako" nakanguso nyang sabi.

"So? Eh di lalabanan ko, ano ba huwag ka ngang panira ng plano!" saway ko.

Napahagikhik sya sa kakatawa dahil sa naging reaksyon ko. Tumayo sya at humiga sa tabi ko. Pagod sya dahil buong gabi syang nag-aral. Isa sa gusto ko kay Anton ay ang pagiging responsable nya, kahit pasaway, mabarkada, may bisyong tagero at nanagarilyo hindi nya parin pinapabayaan ang pag-aaral nya. Masipag sya mag-aral at matalino. Hindi man halata mukha nya pero mas marami pa syang alam kesa sa akin.

Niyakap nya ako mula sa likuran ko tulad ng nakasanayan nya, aamuyin nya ang likod ko at hahalik-halikan, ito ang paraan nya sa paglalambing sa akin. Nanatili akong nakaupo at nagtitiklop. Tatlong oras lang natuyo na ang mga labada ko. Kung sakaling sa dorm ako naglaba siguradong mamayang hapon pa ito matutuyo.

"Bakit may mga shorts ka pa?" napaupo sya at sinuri ang mga dadalhin kong damit. May dadalhin akong  maiikling shorts. Isang navy blue na para panligo sa talon, at dalawang maong. Ang sabi ni Jade mainit daw sa lugar nila kaya wala akong choice kundi magdala ng shorts.

Binuklat nya pa ang ibang damit na dadalhin ko. "Aanhin mo to sa inyo?" itinaas nya ng spaghetti strap  kong kulay itim sa ere. Ang racer back na kulay polka dots, pares ng bikini, manipis na mga printed shirts at isang pajama. Napatingin sya sa akin at may mga duda sa mga titig nya. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon