Chapter 2

689 12 0
                                    


"Where have you been? Ang tagal mo besh,"

Mandy complained when she saw me approaching. She was with someone.
A guy. I stared at her with a questioning look.

"I just known him kanina. He's cool!" She whispered in my ear ng makalapit ako.

"Anton, meet my bestfriend Bella!" Pagpapakilala ni Mandy.

"Hi girl!"

Nagulat ako dun sa sinabi niya dahil di ko ini-expect. Ngumiti siya at kinamayan ako. Ka-pederasyon pala. I smiled at him...? her...?

"Hello!" I said.

Great! More friends. He was nice.
Magaan ang loob ko sa kanya.

Nagmamadali kaming pumunta sa klase namin. Buti wala pang teacher. Feeling close agad kami ni Mandy kay Anton. Tingin namin ay harmless naman siya. Kaya lang sekreto lang daw muna ang pagiging beki niya. First day of class pa kasi, mahirap na kung exposure raw agad. Anyway, we respect his decision.

"You won't believe kung sino nakilala ko kanina!" Kinikilig na chika ko kina Mandy at Anton.

They're all ears ng ikwento ko ang mga nangyari kanina, minus the Luke part.

"Ehmeygehd! No!!di nga! "
di makapaniwalang sabi ni Anton na namimilog ang mga mata. Lumalabas talaga ang pagka-beki nito sa kabila ng lalaking aura.

"Wilson Bailey? "The" Wilson Bailey?"

Paulit-ulit?

"Kaklase siya ni kuya, I heard all about him," si Mandy.

I should know. Mukha nga silang magkakilala kanina.

"And then, what happened? Did he asked for your number?" Tanong ni Anton.

"Hindi nga eh, me asungot kasing dumating!" Sabi ko na napa-eyeroll.

Napahalakhak si Mandy.

"I think I know na kung sino..." sabi nito.
She knows me and her kuya ay fire and ice. Langit impyerno.

"Sino?" Tanong ni Anton na may kuryusidad.

"Ay naku! Si kuya Luke ko." Sagot ni Mandy.

"Luke as in Lucas Alcantara?" Mas namimilog ang mga matang sabi ni Anton.

"Kuya mo siya Mandy?" Di makapaniwalang tanong nito kay Mandy.

"Last time I checked. Kuya ko pa siya. I told you I'm Mandy Elaine Alcantara right?"
Sabi ni Mandy.

"Ang gwapong yun kapatid mo?" Sinipat ng mabuti ni Anton si Mandy.

"Siguro mana ka sa mama mo, tapos si Luke sa papa mo!" Bulalas nito.

Napasimangot si Mandy. I chuckled. Maganda naman si Mandy. Pangit kaya si Luke. Mukha syang si Gollum. Lol!

"Alam niyo ba na kilala si Luke sa school na pinanggalingan ko. Walang bukambibig ang mga girls dun kundi si Luke. " sabi ni Anton.

Nagkatinginan kami ni Mandy at nagkatawanan. Parang unbelievable naman yun.

Yung mukhang unggoy na yun? Gollum!

"Kung ako ang tatanungin, mas gwapo si Luke kesa kay Will. Lalaking-lalaki ang dating." Anton said na napapapikit na parang nag-iimagine.

"Eeeeww! Wala kaya sa kalingkingan ni Will si Luke." I said thinking of Will Bailey's handsome face.

Napapailing na napangiti si Mandy sa aming dalawa.

"Well, I think I have to see it for myself!" She said.

All our classes went well. Although, mukhang ako lang naman ang nakikinig at attentive sa mga instructor. Sina Anton and Mandy ay mukhang bored. Naninibago lang daw ako sabi ni Mandy. First time ko kasing umattend sa totoong klase. Kalaunan ay magsasawa rin daw ako. Well, I don't think so. I think I'm going to enjoy this.

Pati lunch sa canteen, masaya ako. Mandy suggested we eat outside pero mas gusto ko sa canteen. Hello. Dapat kong i-enjoy ang canteen. Wala naman kasing canteen sa bahay di ba?

Ok din naman siya. I will still eat there tomorrow. Wala naman silang magagawa ni Anton kundi samahan ako.

"Bes, sabay ka na sa amin ni kuya pauwi." Si Mandy.

Ugh! Makikita ko naman ang unggoy na yun. I still can't forget what he did kanina.

"Sorry bes, I can't, susunduin ako ni dad." I said. Totoo yun. I bet my dad can't wait to hear my first day in school. Lahat ng nangyayari sa buhay ko ay dapat alam ni dad.

"Ok, tomorrow na lang." Aniya.

Nope. I can't promise. Makikisakay ako sa car ni Luke. No way.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon