Chapter 39 - Happy Wife

35.5K 580 67
                                    

Dedicated to Mia Amor Glaiza Funtanilla. Salamat sa napakaganda mong message sa akin. I appreciate the support. Mabuhay ka! :)

Super duper sorry for the super duper late update. Inatake na naman ng kabusy-han sa buhay ang author. Hope you like this chapter!

Enjoy!

===========================================

CHAPTER 39

‘I’m getting married in two days…’

 

Ito ang unang pumasok sa isipan ni Mikay nang magising siya nang umagang iyon. Mabilis ang paglipas ng mga araw simula nang niyaya siya ni Gino na magpakasal. Halos hindi na niya namamalayan ang oras. And now, in less than 48 hours, she was going to be Mrs. dela Rosa – for real this time.

Naging abala ang lahat sa paghahanda para sa kasal nila ni Gino. As soon as news got out, his mother launched into getting everything ready. Dahil nga meron nang naunang paghahanda noong nagpapanggap pa lamang sila ay hindi na naging mahirap para sa kanila.

Natutuwa rin siya na makitang nag-eenjoy ang Mama Alicia niya sa pag-aayos ng kasal nila ni Gino. Maging ang lolo nito at ang papa niya ay aktibo rin. Halos wala na nga silang ginagawa ni Gino kundi ang mag-apruba sa mga suggestions ng mga ito. Their wedding was a distraction na kinailangan ng lahat mula sa nangyari sa pamilya ni Gino.

They haven’t fully recovered mula sa ginawa ni Behati. Idagdag pang wala na ring balita ang mga ito kay Maddie na naglayas matapos makulong ang ina. Gusto sana ni Mikay na ipapaliban muna ang kasal, at least until mahanap nila si Maddie. Ngunit ang lolo na mismo ni Gino ang nag-insist na ituloy nila kaya pumayag na rin siya.

Pagkatapos niyang mag-reply sa “good morning, wifey” text ni Gino ay bumaba na rin si Mikay para mag-almusal. Hindi na bago sa kanya ang nadatnang eksena sa living room nila. Kahit maagang-maaga pa ay nandoon na si Alicia hawak ang telepono nito habang kumokonsulta sa isang binder na nakabukas sa harapan nito.

“Good morning, tita,” bati niya rito.

Inangat nito ang tingin mula sa binabasa nang maradaman ang presensiya niya. “Oh, good morning din anak. Sleep well?”

Tumango siya bilang sagot. “Mukhang busy pa rin po kayo, tita ah. May maitutulong po ba ako?”

“Hija, didn’t I tell you to start calling me mama?” pagpapaalala nito sa kanya.

“Ay, oo nga pala. Sorry ma.”

Tumawa ito ng mahina. “Don’t worry, you’ll get used to it. Tsaka ‘wag mo nang alalahanin ito. Just some last minute things we need for your wedding. Sinisigurado ko lang na maayos na ang lahat before the big day.”

Lumapit siya at tinabihan ito sa sofa. “Sigurado po kayo? Wala naman po akong gagawin ngayon eh.”

“Yes, I’m sure. And besides, hindi ba may lakad kayo ni Gino ngayon?”

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon