Seth's POV
____________________
From: El <3
Eych. Nasaan ka na? Akala ko ba susunduin mo'ko dito sa bahay?
__________________
To: El <3
Naku El. Sorry, siguro matatagalan pa'ko pinatawag kasi ako ni mama at papa eh. May sasabihin daw sila sa'kin.
________________
From: El <3
Ahhh. Ganun ba?
________________
To: El <3
Oo kaya sorry talaga. Promise babawi talaga ako sa'yo! I love you.
______________
From: El <3
Ano ka ba! Ok lang no! I understand naman. I love you too.
______________
Hay. Napaka understanding talaga ng girlfriend ko.
"Sir. Pinapapunta na po kayo ng mama at papa niyo sa library." Sabi ni manang Daisy.
"Sige salamat, Manang Daisy."
Pagdating ko sa Library ay nakita ko si mama, si papa, at isang tao na hindi ko kilala. Pero pamilyar siya sa'kin.
"Anak. Have a sit." Umupo ako. Katabi ko si mama at katapat ko yung lalakeng pamilyar sa'kin.
"Pa. Ano po yung kailangan niyo sa'kin?"
"Before that. Anak this is detective Roy. At siya yung nag-asikaso sa case ni Emmily."
Emmily?
It's been a long time since I heard that name. Tuwing tatanungin ko sila about M, lagi nilang iniiwasan o palagi din nilang sinasabi na wala pang progress.
Siguro naguguluhan kayo no? Her full name is, Emmily Meshielle Gothico. And we call her M.
"What about her pa?" Ako.
"Hugh anak. Nahanap na namin siya." Mama
Napalingon ako kay mama.
"A-ano!? Saan!? What are we waiting for? Tara puntahan na natin siya!" Ako.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
FanfictionIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...