ANG TAYO NA NAGING KAYO
By:secret
Paano nga ba napunta ang tayo na binubuo ng ikaw at ako,
Sa KAYO na binubuo ng siya na pinalit sa pwesto ko at ikaw,
Ikaw na sa tayo ay umalis,lumisan at bumitaw,Paano nga ba na ang tayo ay tila isang bula,
Nag laho na lang bigla
Na ang napakasayang tayo,
Ngayon ay kayo na,Ganun ba kadali ang lahat para sayo mahal?
Ganun ba kadali na ako'y palitan,bitawan at kalimutan?
Ganun ba kadali na palitan ang alaala nung mga panahong may salitang tayo sa pagitan nating dalawa?Kung madali para sayo mahal pwes saakin hindi,
Dahil umasa ako sa mga matatamis na salita na lumalabas mismo sa iyong bibig,
Dahil umasa ako sa sinabi mong pinagtagpo tayo mahal,
Dahil umasa ako sa sinabi mong pang LIFETIME TAYO!,Siguro mahal masakit dahil umasa ako sa mga salitang yun mahal,
Pero siguro tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana,
Masakit dahil umasa ako sa sinabi mong pang LIFETIME tayo pero pang pastime mo lang pala ako!,Mahal napakarami kong tanong,
Kung ako pa ba?
Ako ba simula una pa?
Minahal mo ba?
Mahal mo pa ba?
kung paano ang tayo ay naging kayo?,
Oh baka naman mahal merong kayo habang merong tayo,At napakarami pang iba
Hanggang sa di ko kinaya yung sakit,
Yung pait dahil sa mga yan ay ako'y patuloy na nasasaktan,nagdurugo at nadudurog,
Kaya kinumpronta kita at tinanong ang mga gusto ko itanong,Ngunit tila ako'y na bingi,nanigas at napipi,
Dahil isang sagot sa lahat ng tanong,
Itigil na natin ang larong ito,
Ako'y hindi nakasagot,
Hanggang ika'y lumakad na pala ng lumakad palayo,Mahal nakakatanga,
Nakakatanga na para sayo ay laro,
Pero yung tinatawag mong laro,
Tinuring kong labanan,
Labanan sa pagitan ng kayo at ng tayo,
Labanan sa pagitan ng ipagpatuloy at ng mag paalam,At mahal kung ito ay laro para sayo,
Pwes Seseryosohin ko dahil alam kong puso mo ang premyo,Pero lalaban pa ba para sayo?,
Kung sya ang gusto mong mag may-ari sayo?,Ang sakit isipin na yung mahal ka noon,
May ibang mahal na ngayon,
Yung tinuring mong mundo at siya'y ganun din tinuring ka ring nyang mundo,
Ngunit wala talagang forever,
Kasi ngayon,
Ayun umiikot na sa iba,Pero ako si tanga lumaban pa din,
Kahit alam ko simula pa lang talo na ako,
Na ako si tanga nakakapit pa rin kahit bumitaw kana,
Pero mahal kumapit ka nga ba?
O ako lang yung kumapit kahit gusto mo na kumawala?,
Napilitan ka lang ba?,Pero sa huli ako'y tila nanghina na pagod at tumigil sa paglaban,
Tumigil sa pakikipag agawanPero tanga pa rin talaga dahil nag papanggap na masaya kahit ang sakit,
Na ngumingiti kahit kay pait,tumatawa kahit durog na durog,Naalala ko yung commercial ng skinol,
Bakit ganun sinabon ko naman pero ayaw kuminis,
Pero sakin,
Bakit ganun minahal ko naman pero iniwan parin,Sabi nga nila LOVE IS A WAR,
Pero iniwan ng soldier,Sinubukan kung lumaban muli,
Sabi nila napakalaki kong tanga dahil nag mahal ako ng sobra,
Pero mas tanga naman yung may nag mahahal na nga sayo ng sobra nag hahanap ka pa ng iba,Mahal paano,paanong ang tayo ay ala-ala at nakaraan na lang,
Lumaban muli na maibabalik pa ang dating tayo,
Hanggang sa napagod na,
Mahal kita pero pagod na,
Mahal kita pero suko na,
Mahal kita pero mahal mo ba?
Mahal pinapalaya na kita,
Pero paano naman ako mahal?,
Nakakulong parin ako sa alaala ng tayo,
Na ngayon ay kayo.
Nakakulong parin ako sa mga bisig mo,
Mga bisig mong binuka at ako'y tinulak papalayo,
Nakakulong sa ala-ala,
Sa ala ala ng mga panahong
Ngiti ko ang lunas sa iyong sakit,
Pero ngiti ko ngayon ay ang pagtaklob sa aking pait,
BINABASA MO ANG
POEMS TAGALOG AND ENGLISH
PoetryHi this is my poetry Sana magustuhan nyo, And kung ayaw nyo sa gawa edi go alis And paggagamitin nyo po lagyan nyo ng credits kasi duhh nakakapagod kaya gumawa tas kukunin lang ng iba?!! Btw hope you like it