Main Story.

848 25 20
                                    

May isang bata na lumaki na kinaiinisan ang ina niya, Dahil lumaki siya na inaasar ng mga bata sa eskwelahan dahil ang mama niya ay kirat o walang kanang mata. Minsan nga eh hindi niya sinasabing may school program ang school nila, na kailangang umattend ang parents dahil ayaw niyang pumunta ang nanay nya, dahil aasarin na naman siya ng mga kaibigan niya dahil sakakulangan ng ina niya.

Pero kahit ganun, Mahal na mahal siya ng nanay niya, Pinalaki siya ng maayos at pinagaral sa Private school, Nagtrabaho ang nanay nya 24/7 para lang tuparin ang mga hinhiling nito.

Lumaki siyang may galit sa magulang niya dahil sa kinagisnan niyang Kakulangan, Napaisip siya kung bakit kailangan niya pang magkaroon ng ganung magulang. Bakit kailangang siya pa ang magkaroon ng nanay na ganun ang hitsura.

Grumaduate siya sa college ng may medalya, Pagkauwi niya, Sinabit niya ang medalya sa aprador at nagligpit ng gamit niya, Lalayas na siya sa bahay dahil alam niyang wala ng pakinabang ang nanay niya sa kanya.

Makalipas ang 30 years, Pagkauwi niya sa trabaho, Nakita niya ang nanay niya, Nakaupo sa sofa nila, kasama ang mga anak niya. Lumapit ang pinakabatang anak niya at nagtanong:

“Papa, Siya ba ang Lola ko?” 

“Hindi anak, Palayasin niyo sya dito, Pulubi lang siya.”

Nagulat ang nanay niya sa narinig, Halos maluha ito dahil sa 30 taon silang di nagkita ay hindi pa rin siya matanggap ng nanay niya, Pinalayas niya ito sa bahay at Sinabing ayaw na nya itong makita.

Lumuhod at nagmakaawa ang nanay niya sa kanya pero hindi niya pa din ito tinanggap, Sa halip ay sinipa niya ito papalayo ng bahay nila, Tumayo ang nanay niya at umalis sa bahay nila.

Makalipas ang ilang buwan, Nawala na rin sa isip ng mga anak niya ang “lola”nila, dahil nga ang alam nila ay isa itong pulubing nababaliw, Ang alam nila ay hindi talaga sila magkakakilala.

Tumawag ang kaibigan niya, Ito ay nakabase sa probinsya kung saan sya lumaki.

“Pare, Kailangan mong pumunta dito.” Sabi sa kanya ng kaibigan niya sa kabilang linya. “Patay na kasi ang nanay mo.” Nagulat siya sa sinabi ng Kaibigan sa telepono, Pero pinigilan niyang umiyak.

Sinabi niya sa Pamilya niya, Na may business meeting lang siya kaya mawawala siya ng ilang araw, Pero ang totoo ay pupunta talaga siya sa probinsya, Ang lugar kung saan siya lumaki, At kung nasaan ang nanay niyang kinamumuhian niya.

Pagdating niya, Nakita niya ang kabaong ng nanay niya, Nadurog ang puso niya sa nakita niya. Nagflashback lahat ng pangyayari simula noong bata pa siya hanggang sa sinipa niya ang nanay niya papalayo ng bahay nila.

Sinalubong siya ng kanyang tiyahin.

“Naalala mo pa ba noong bata ka?” Paguumpisa ng Tiyahin niya. “Sumasakit ang kanang mata mo ng walang dahilan. Tinatanong mo pa nga sa akin kung bakit pero sinabi ko na normal lang yan.” Naluha ang tiyahin ko. “Ang totoo kasi niyan, Noong bata ka pa, Habang naglalaro ka ay natusok ng bakal ang iyong mata kaya nasira ito. Ayaw ko pa ngang pumayag noong una pero, Idinonate ng nanay mo ang mga mata niya. Ayaw niya kasing lumaki ka na inaasar ka ng mga bata sa paligid mo. Sinabi niya rin na ayaw niyang sabihin ang nangyari sayo kasi baka magalinlangan ka pa.”

Nagulat ako sa sinabi ng tiyahin ko, Ang dahilan pala kung bakit kirat si nanay ay dahil sakin, Dahil sakin. Binigay niya ang mga mata niya para lang lumaki ako ng normal. Ang mga pang aasar na para talaga dapat sakin ay sinalo niya lahat, at ang mas masakit, Ako pa yung yung taong nangutya at nagtaboy sa kanya. 

Nilapitan niya ang kabaong ng nanay ko kung saan siya nakahimlay.

At nakita kong hawak niya ang medalyang naiwanan ko nung panahong lumayas ako sa piling niya.

I Hate My Mom!!!! (Read this if you love your mother)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon