CHAPTER 40

63 16 1
                                    

"Pakiusap... Baka nakita niyo itong batang 'to, 16 years old. Naka pulang damit at black pants siya. Baka sakaling nakita niyo parang awa niyo na tulungan niyo ako..."

Napatingin ako sa isang ginang dahil sa mga narinig. Hawak hawak nito ang papel kung saan nakalagay ang litrato ng batang lalake.

"Pasensya na ho kayo... Wala ho akong nakikitang ganyan simula pa kahapon ale." Sagot ng matandang lalaki.

Nakita ko kung paanong lalong lumungkot ang mukha ng ginang, dismayado siya dahil walang nakakaalam kung nasan ang lalaking hinahanap niya.

"Arlene, ano'ng nangyari?" Pag-singit ng matandang babae.

"Nawawala si Mike, pamangkin ko... Dalawang araw na, dalawang araw na rin akong walang tulog." Malungkot na sagot nito.

"Ang daming nawawala ngayon dito, Yung kumpare ko dalawang araw na rin daw nawawala, Tapos kahapon may nakitang bangkay ng babae sa ilog, wala na daw mata at butas ang tyan. Grabe na ang nangyayari ngayon, Sabi sabi ay may nag-gagala daw na serial killer dito."

"Hindi maaari..." Umiiyak na sabi ng ginang.

Napabuntong hininga nalang ako bago humigop sa kape ko. Isang linggo na ang nakakaraan nang huling mag-kita kami ni Devin, Hindi na naman siya nag-paparamdam. Maski sila Seinji at Yumiko hindi ko maramdaman.

Muli akong napabuntong hininga. Aaminin ko'ng nami-miss ko na si Devin, Gusto ko siya'ng yayain sa kung saan para makasama pero paano? Wala siyang cellphone, hindi ko na rin tanda ang papunta sa mansion niya.

Naalala ko sa pagkakataon'g ito si Grey. Since the last day we talked about his feelings hindi niya na ako pinansin pa. Siguro nga may nasabi akong hindi kanais-nais, pero ano'ng magagawa ko? Ayoko nang pinapalayo ako kay Devin...

"Don't mind them..."

Napatingin ako kay mommy nang sabihin niya yun, kumakain siya ng blueberry cake samantalang ako ay tamang machiatto coffee lang ang kinuha. Nasa labas lang kami ng Krispy Kreme, kaya naman rinig na rinig namin ang mga nag-uusap tungkol sa pagkawala ng mga kakilala nila.

Napabuga ako sa hangin. Pumasok na naman sa isip ko si Devin, Posibleng may kinalaman siya sa mga nangyayari ngayon. Pumapatay siya.

Hanggang ngayon pala ay ganon pa rin siya... Pero umaasa ako, one day I'm gonna make you change.

"Kaya ikaw mag-iingat ka, Queenie. Ayokong mabalitaan na nawawala ka na rin. Look at them, they're all look desperate and depressed. Hindi na talaga maganda ang nangyayari dito. I wonder who's the serial killer is..."

Nahinto ako at napatitig sa kape ko. Tama sila, talamak na ang patayan at ang mga nawawala rito. Hindi na nga naman normal yun. Pero paano kung si Devin ang sinasabing Serial Killer?


'It can't be...'

"Queenie, Are you with me?"

Mabilis akong napatingin kay mommy. "Y-Yes mom..."

Dati naman ay ang mga krimen lang na nababalitaan dito ay may nanakawan lang, naholdapan, at na-snatch. Ngayon lang talaga nagkaroon ng ganito dito.

Maraming pedeng pumatay. Hindi lang dapat si Devin ang naiisip ko. Maaaring may nakapasok na mamamatay tao dito bukod kay Devin. Masyado nang Oa ang mga nangyayari at hindi na yun magagawa ni Devin.

"Arlene! Arlene!"

"Layla, Bakit?!"

"May natagpuang bangkay sa may bakanteng lote doon! Nakapulang damit at itim na pantalon. Hindi kaya si Mike na 'yon?!"

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now