A Letter to REMEMBER

468 11 8
                                    

This is a special letter/tribute to all mother's out there. :) I just made this to appreciate and make someone realize how important our parents/our mothers.This is a letter for all the MOMS! :) Please, take time to read. Thank you so much! :)))) Share niyo rin if you want!

SHARE LANG PO HA. HINDI I-COPY. :D 

(c) KwinnieDealva 

______________________________________________________________

Dear Inay, Nanay, Inang, Ma, Mamu, Mom, Mommy, Mama, Ermats, Mudra, Ina, Mader/Madir, Momsie, Lola, Grandma, Wowa, GrandLola, or kung ano pang tawag mo sa taong dapat nagcecelebrate ng 'Mother's Day'.

Ano ba ang isang ina? Ilaw ng tahanan? Tagapag-alaga ng mga bata? Taga-ayos at linis ng bahay? Maraming pwedeng idescribe sa isang ina. Marami. Moms are precious people. Ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak ay walang kapantay, walang katumbas. Having a mother someone like you while growing up was the greatest gift I have. Naalala mo pa ba yung mga panahong siya nagpapalit nang lampin mo nung bata ka? Malamang hindi. Kasi bata ka pa nga diba? Pero kung alam mo lang, siya ang nagpapalit nun. Siya nagpapalit nang diaper mo. Kapag may pupu ka,siya naghuhugas. Siya rin ang nagpapaligo sayo. Kapag naglalaro ka, siya nagaayos at nagtatabi ng mga laruan mo. Siya naglilinis ng mga kalat mo.  Makita ka lang niya na may pawis, natataranta na siya sa pagpunas at paghanap ng pamalit mo. Grabe magalaga ang isang ina. Naalala mo ba nung mga panahong nagkakasakit ka? Lagi siyang andyan sa tabi, sya ang nagluluto ng soup mo, siya ang nagkukumot sayo, siya ang nagchecheck ng temperature mo. Kapag may assignments ka sa school, sinong tumutulong sayo? Madalas ang mommy mo. Sinong nagtatanggol sayo kapag trip ka nang mga older siblings mo? Mommy mo. Sinong #1 Die-Hard Supporter mo kapag kasali ka sa mga school events? Ang mommy mo. Lahat  ng panahon andiyan ang mommies natin. 

Kapag pasaway ka o matigas ang ulo, sinong madalas magsaway sayo? Ang mommy mo. Tapos kapag pinagalitan ka, magtatantrums ka, magiinarte, magdadabog o kung ano pa para maexpress mo na naiinis ka para kapag nakita ka ng mom mo maawa sayo ibigay na ang gusto mo. May kasabihan nga, "Kapag pinapagalitan ka ng parents mo, eh ibig sabihin mahal ka nila." Sinong hindi naniniwala dito nun dahil noong bata ka eh lagi kang pinapagalitan? SALUDO! Hahah. Sino nang nakaranas mahampas ng belt? O kaya naman eh ng stainless na ruler? (AKO) O paluin sa pwet hanggang sa umiyak ka? Ang paluin sa kamay? Ang pagsabihan? Lahat tayo, nakaranas na niyan. Mahal tayo ng ating mga magulang lalo na ang ating mga nanay kaya nila tayo pinagsasabihan, dinidisiplina nila tayo. Dahil gusto nilang mamulat tayo sa kung ano ang kaibahan ng tama, sa mali. Di ba nga, "Mothers knows best." Tumpak! Dahil nagdaan narin sila sa panahon natin at ngayong mommy na sila, alam na nila kung ano ang makabubuti sa kanilang anak.

Nagrerebelde ka ba? Naglalayas ka ba? Nagbibisyo ka ba? Sinusuway mo ba ang utos ng mga magulang mo? O ginagawa mo ang lahat ng to dahil ayaw mo sa nanay mo na walang ginawa kundi sermonan ka lalo na kapag ginagabi ka ng uwi? Ang madalas sabihin eh, "Kababae mong tao, gabi ka na umuuwi!" Lalo na ang mga teenagers sa panahon ngayon. Naisip niyo ba? Na napakaswerte niyo dahil may mga ina kayo, naisip niyo ba yung mga ampon na nangungulila sa kanilang tunay na ina? Ang mga bata sa bahay ampunan? Wala nang mga magulang. Nangungulila sa pagmamahal ng isang ina. Meron ka bang ina? Kung oo, masuwerte ka. Kasi may nanay ka na nagaalaga, nagmamahal at nagtatanggol sayo sa lahat ng oras. Kahit pagod na pagod na, magtatrabaho parin para sa kinabukasan mo. Kahit pagod na pagod na siyang maglaba pero nagpatimpla ka ng gatas o kape o ng milo eh tinimplahan ka padin kasi gusto niyang masunod na agad ang gusto mo. Kahit wala na kayong pera dahil gustong gusto mo talaga yun damit o laruan na yun, eh gagawa at gagawa ng paraan ang nanay niyo para lamang maibigay yun. Mangungutang siya kung kinakailangan dahil ayaw niyang nakikita kang nalulungkot. 

Magpasalamat ka dahil andyan ang nanay mo. Kung wala siya, wala ka rin. Kung walang ibang nanay sa mundo, wala rin ang crush mo, boyfriend mo, asawa mo o ano pang kasama mo sa buhay. Dahil lahat sila ay galing sa isang ina.

Ang mga nanay ay ang isa sa pinakamahalagang bagay na inilikha ng Diyos dito sa mundo. Dahil nanay o babae ang bumuo ng mundo. Kung wala sila? Si Adan lang ang nabubuhay sa mundong to. Wala tayong lahat. Pasalamat tayo sa Diyos dahil biniyayaan niya tayo ng mga maalaga, mapagtanggol, masisipag, mababait, mapagmahal, at mga dakilang ina. Kulang ang salita para masabi natin kung gaano natin sila kamahal. Habang may oras pa, habang masisigla pa sila, habang nabubuhay pa sila, sabihin na natin at iparamdam na natin kung gaano natin sila kamahal. Wag ka nang magsayang ng oras, magdate na agad kayo ng mom mo, mag-shopping kayo, mag-sine na kayo. Gawin niyo ang lahat ng kaya o pwede niyong gawin mag-ina, sama mo nadin buong pamilya mo. Kasi darating ang araw na hindi na yan mauulit, na gugunitain mo nalang yan sa iyong isipan. Ang mga masasayang sandali ng iyong buhay kasama ang iyong pamilya ay magiging parte na lamang ng nakaraan pagdating ng panahon. Kasi darating ang oras na maiiwan kang magisa. Kapag wala na ang iyong ina, darating ang oras na maiisip mo nalang na, "sana maulit muli yung nakaraan" "namimiss ko na siya" at iba pa. Di mo pa nasasabing mahal mo ang nanay mo? Pwes, sabihin mo na! Dahil darating ang panahon na baka pagsisihan mo. Mabilis lang ang panahon, mapaglaro ang tadhana. Di natin alam, ngayon, bukas, samakalawa, sa susunod na linggo, sa susunod na buwan, o kelan pa, yun nalang pala ang huling mga araw na makakasama mo ang iyong ina. Lahat ng bagay sa mundo ay pagmamayari ng Diyos, we own nothing. So lahat ng mga nasa atin ay pahiram lamang ng Diyos. And If God owns everything, we own nothing. We're just borrowing, At kapag marunong kang manghiram, matuto ka ding magbalik. Dapat eh maging handa ka na magsaoli ng mga bagay na nakakamtan mo. Gawin mo na ang lahat ng makakaya mo para sa nanay mo, sa buong pamilya mo.

So sa lahat ng Mommies out there, HAPPY MOTHER'S DAY!  Ito ang araw na pinagdiriwang ng mga dakilang ina dahil sa kanilang tagumpay! :) SALUDO AKO SA INYONG LAHAT!

I LOVE YOU SO MUCH, MY MOM. <3

                                                                                                      - Kwinnie

_______________________________________________________________

Habang may oras pa, sulitin mo na! :) HAPPY MOTHER'S DAY PO SA LAHAT NG NANAY!!

Pakisabi sa Mom mo, Happy Mother's Day! <3.

(c) kwindealva

A Letter to REMEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon