Chapter Forty Six

1.5K 37 0
                                    

AJ POV

Its been a week simula ng umuwi ng Pilipinas si Reign. At sa isang linggo na yun ay laging syang hinahanap ni Chloe. Masyadong napalapit sa kanya ang bata kaya ganun na lang ang paghahanap sa kanya nito. Hindi ko na nga din alam kung ano ng sasabihin sa kanya minsan pag nagtatanong sya sa akin eh.

Tinatawagan ko sa skype ngayon si Gab para kamustahin ang business ko sa Pilipinas na ibinilin ko sa kanila pati na din yung kay Reign.

"Dude! Kamusta?" Bati nito sa akin. "Hon! Eto na si AJ oh?" Tawag naman nito sa asawa.

"Kamusta kayo dyan?" Tanong ko diyo habang hinihintay na lumapit si Abby.

"Okay naman. Ikaw? Kamusta kayo ni Chloe? Hindi ba nya hinahanap si Reign?" Sagot naman ni Gab.

"Hi AJ!" Bati naman sa akin ni Abby pagkaupo sa tabi ng asawa. Ningitian ko lamang ito bago sinagot ang tanong ni Gab.

"Yun na nga ang problema ko ngayon eh. Laging hinahanap nung bata si Reign. Hindi ko na nga alam kung anong idadahilan ko minsan eh." Sabay hilot sa sintido ko. Sumasakit na talaga ang ulo sa pag naiisip ko yan.

"Mukhang sobrang napalapit na ang bata sa kanya ah." Komento naman ni Abby.

"Anong plano mo ngayon dude?" Tanong naman ni Gab.

"Hindi ko alam." Sabi ko lang dito.

"Bakit hindi kaya muna kayo umuwi ni Chloe dito?" Sabi naman ni Abby.

"Para ano? Magkagulo na naman?" Sabi ko dito ng naiinis kaya natahimik sila.

"Sigurado akong magkakagulo lang pag umuwi ako dyan at nagkita kami ni Reign. Hindi ako natatakot kay Dylan, kaya ko syang harapin pero ayokong madamay ang anak ko." Sabi ko pa sa kanila saka tumingin sa ibang direksyon.

"Pag isipan mong maige yan dude. Ikaw na din ang nagsabi sa amin na malaki ang pinagbago ni Reign ng magkasama kayo dyan. Malay mo, hinihintay ka lang pala nya dito." Sabi naman ni Gab kaya napatingin ako dito.

"Mahirap umasa dude. Alam naman natin na wala pa din syang naalala sa akin." Sabi ko na lang dito. Hindi na sila kumibo dun iniba na lang ang usapan. Alam naman kasi nilang hindi nila ako mapipilit.

Pagkatapos naming mag usap ay pinacancel ko muna lahat ng appointment ko ngayon. Gusto ko munang magpahinga at makapag isip isip.

Nakahiga ako sa aking kama ngayon. Hanggang ngayon naiisip ko pa yung sinabi nila. Ang umuwi muna kami ng Pilipinas. Sa totoo lang, gusto ko ding gawin yun eh kaso inaalala ko lang si Chloe ayoko syang madamay sa problema namin.

Maya maya lang ay nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Hello!" Sagot ko dito ng hindi tinitignan kung sino ang tumawag.

"Anak! Kamusta na kayo dyan ni Chloe?" Sabi sa kabilang linya. Si mama pala.

"Okay naman ma. Ayon napakadaldal ng apo mo." Sagot ko naman dito. Hindi naman lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa pag adapt ko kay Chloe pati na din ang mga magulang ni Reign. Sa katunayan nga ay closed pa sila kahit sa skype lang sila nagkakausap.

"Kelan mo ba balak iuwi ang bata dito? Excited na kaming makita sya ng personal hindi yung puro sa skype lang." Reklamo nya. Ilang beses na nya din kasing nirerequest sa akin na umuwi kami para naman daw makita nila ang bata pero hindi ko sya pinagbibigyan.

"Madami pa kasi akong inaasikaso dito eh." Pagdadahilan ko dito.

"Sige na. Magbakasyon naman kayo dito kahit saglit lang. Birthday ko na next week. Ilan taon ka na naming hindi nakakasama sa mga ganyang okasyon." Para naman akong nakonsensya sa sinabi nya. Alam ko namang hindi sila pabor sa pagpunta ko dito eh.

"Susubukan ko po ma." Sagot ko na lang. Nagpaalam na din sya pagkatapos.

Lumabas na ako ng kwarto para makasabay ko sa diner si Chloe. Naabutan ko itong naglalaro sa sala kaya nilapitan ko ito.

"Kamusta ang baby ko?" Malambing na sabi ko dito ng makaupo ako sa tabi nito.

"Hi daddy!" Bati nya sa akin saka yumakap sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Aw! Sarap naman. Isa pa nga baby." Sabi ko pa saka sya niyakap din.

"Ayaw!" Sabi nya sa akin ng pabiro.

"Ah ganun." Sabi ko dito sabay kiliti sa kanya. "Ayaw mo ah."

"Hahaha.. st~op! Hahah! Dad~dy! Haha~hah! I~ will~ hahaha! Kiss you ~h hahaha ~ na! Hahaha.. ple~ase.. Stop! Hahaha!" Sabi nito kaya tinigilan ko na.

"Mwuah!" Kiss nya sa cheeks ko kahit na hingal pa sya sa pagkiliti ko sa kanya kaya napatawa ako.

"Ang cute cute talaga ng baby ko." Sabi ko sa kanya habang hinahalik halikan sya sa pisngi kaya tawa sya ng tawa.

"I miss mommy Reign daddy. Kelan ba natin sya ulit makakasama?" Biglang sabi nya ng tumigil ako.

Natahimik ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Ilang beses na nya akong tinanong nyan. Minsan pa nga ay gusto nyang puntahan pa namin ito.

"Soon baby! May inaasikaso lang sya." Sabi ko na lang saka sya niyakad na kumain para hindi na magtanong pa ulit.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina marami kasi akong gagawin lalo na kinancel ko yung mga appointments ko kahapon.

Gabi na ng makauwi ako at naabutan ko si manang sa sala.

"Si Chloe po manang?" Tanong ko dito pagpasok ko ng condo. Hindi ko kasi nakitang kasama nya ang bata.

"Tulog na sya." Sagot nito kaya napatingin ako sa relo ko. 8 palang ng gabi.

"Ang aga naman atang natulog nun?" tanong ko pa dito saka naupo sa couch para makapagpahinga konti. Usually kasi mga 9 pa natutulog yun eh.

"Umiyak na naman kasi." Agad naman akong napatigin dito sa sinabi nya.

"Bakit?" Takang tanong ko dito.

"Namimiss na daw nya ang mommy Reign nya. Ayoko sanang makialam AJ pero gusto ko lang malaman kung babalik pa ba si Reign dito? Umaasa kasi ang bata sa pagbabalik nya eh." Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. Ramdam nya sigurong ayokong pag usapan yun kaya hindi naman na sya nagtanong pa at nagpaalam na lang din na matutulog na.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin ngayon. Ayokong nakikitang nagkakaganun si Chloe. Ngayon lang nangyari yan sa kanya. Noon namang nawala si Charlotte ay magdadalawang taong gulang pa lang sya nun kaya hindi nya pa masyadong alam ang nangyayari sa paligid at hindi sya gaanong naapektuhan dito pero iba na ngayon. Hindi ko rin alam na ganun pala ang magiging epekto ni Reign sa kanya.

Tama nga bang umuwi muna kami ng Pilipinas para magkita ang dalawa?

♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢



I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon