According sa Wikipedia,
A mother (or mum/mom) is a woman who has raised a child, given birth to a child, and/or supplied the ovum that united with a sperm which grew into a child.
Pero para sa akin, may mas malalim pang kahulugan ito.
Marami na siyang naisakripisyo para sa akin. Lagi nalang kasing "ako" yung iniintindi niya. Madalang yung "siya" naman.
Sobrang swerte ko kasi siya yung binigay ni God na maging Mommy ko.
Sa ugali ko ba namang ito, palagay ko walang makakatagal sa akin.
Lagi niya akong iniintindi.
Hindi niya ako pinapabayaan sa lahat ng oras.
Siguro, minsan hindi ko siya naiintindihan pero Mahal ko pa rin siya.
Madalas man kaming magtalo pero Mahal ko pa rin siya.
Madami man siyang pagkakamali pero Mahal ko pa rin siya.
Hindi man siya perpekto pero Mahal ko pa rin siya.
Madaming bagay ang ayaw ko sa kanya, pero sa kabila ng lahat ng yun MAHAL KO PA RIN SIYA.
Wala namang taong perpekto.
Alam kong madaming pagkakamali ang nagawa niya, pero sinisiguro kong hindi matutumbasan ng pagkakamaling yun yung pagmamahal na binibigay niya sa akin.
Hindi ko man nasasabi sa kanya ang salitang "I love you", pero gusto kong maramdaman niya yun.
Ayokong dumating yung panahon na kung kailan wala na siya, tsaka ako magsisi dahil hindi ko man lang naipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Alam kong madaming bagay ang ayaw niya sa akin, lalo na yung ugali ko, pero sa kabila ng lahat ng yun, Mahal niya pa rin ako.
Happy Mother's day Mommy. :) I love you. <3
Thank you sa lahat-lahat. Salamat kasi ikaw yung binigay ni God sa akin.
Sorry sa lahat lahat. Alam ko namang madami akong pagkakamali, pero andyan ka pa din. Patuloy na sumusuporta at nagmamahal. Ilove you. <3 <3 <3