"Bestfriend kong Tanga"

42 4 0
                                    

Nagsimula sa pagiging magkaibigan, ngunit hindi umabot sa pagiging magkasintahan. Pagmamahal sayo'y nabalewala at patuloy na lumalala..

Sinubukan kong pigilan, sinubukan kong baliwalain, pero sadyang tao lang ako.. nagmamahal din.

Matanong ko lang..

"Bes... manhid ka ba? O sadyang tanga ka lang talaga? Pagmamahal 'ko sayo'y halatang halata na, ikaw lang ata ang hindi nakadama..."

Napakahirap iwasan, napaka hirap ding mabago, ang pagmamahal ko sa'yong matagal ko ng itinatago-tago.

Ayoko na sanang sabihin pa, pero mukhang kailangan ko ata, para maiparamdam sa'yo't masabi 'ko ng derekta sa iyong mga mata, na mahal kita, matagal na.

Pero wag kang mag-alala, tanggap pa rin kita, kahit ang sakit-sakit na, hindi kita masisi, ika'y tao lamang din na hindi pwedeng mamili.

Hanggang dito na lang, sana'y ika'y maging masaya, kahit hindi ko lang alam kung kaya kong makitang hawak ka ng iba.

- Letting go doesn't mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be. ♡♡
#DiAkoHeartbroken #WagKangAno

Isang Tula, para sa Madla ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon