Rhian POV
Habang inaayos si Glaiza sa higaan nya. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa gulo na nangyari sa buhay namin.
We were suppose to be enjoying our stay here in the Philippines. But it turns out to be a disaster because of that Solenn. Well, partly! Pero si Glaiza talaga ang may kasalanan nito.
Pero sa kalagayan nya ngayon, hindi ko magawang magalit sa kanya.
Nang lumabas na ang mga nurses. Lumapit ako sa kanya.
I touch her face.
"Love gumising ka kaagad ha? Para makapag usap tayo ng maayos. I love you." Bulong ko sa kanya. Then I kissed her forehead.
Lumapit din ang parents ni Glaiza and hold her hand. We are all sad.
"Rhian, can you tell us what happened?" Tanong ni papa.
I guess I have to tell them the truth.
I sigh and told them the whole thing.
I cried while telling them. Nahihiya din ako sa nangyari samin.
Pagkatapos kong ikwento sa kanila ang lahat, niyakap ako ni mama.
"I'm so sorry anak sa nangyari sa inyo ni Glaiza. Sana pag gising nya mag usap kayo para ayusin ang problema nyo. Ha? Wag kayong susuko. Mga pagsubok lang ito sa inyo." Sabi ni mama and she kiss my forehead.
"Basta anak, wag kang magdedesisyon ng mga bagay na hindi ka sigurado ha? Baka magsisi ka sa huli." Payo sakin ni papa. Tumango naman ako and smiled a bit.
After an hour, lumabas sila para bumili ng pagkain namin.
I yawned. Hindi pa pala ako natutulog. Then I feel asleep sa inuupuan ko.
I was awaken by a knock on the door.
Lumapit ako at binuksan ito.
Then I frozed sa kinatatayuan ko. Ang natutulog kong diwa ay napalitan ng galit.
"What are you doing here?!" Galit kong tanong sa kanya.
"Dinadalaw si Glaiza pero gusto din kitang kausapin. Sana." Sagot niya.
"Wala akong panahon makipagplastikan sayo." Sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na sya.
"Please, hear me out." Sagot nya sakin.
"Solenn, pwede ba? Ang kapal talaga ng mukha mo no? Nakuha mo pang magpunta dito? Tsaka pano mo nalaman na nandito kami? Nako! Pasalamat ka, pagod ako kundi dadagdagan ko yang pasa sa mukha mo." Kalmado kong sabi sa kanya.
Nakuha ko pa talagang kumalma sa lagay na ito. Siguro dala na ito dahil sa wala pa akong tulog.
"Look, hindi ako nagpunta dito para landiin pa si Glaiza at mas lalong hindi ako pumunta dito para guluhin pa kayo. I am here para makipag ayos sayo. Then, about sa nalaman ko na nandito kayo. Well alam mo naman ang social media. Masyadong active, kaya nalaman ko kaagad ang nangyari kay Glaiza." Sagot nya sakin.
"Talaga lang ha? Ginulo mo na nga ang buhay namin. Tapos makikipagbati ka sakin? Are you out of your mind?!" Sagot ko sa kanya.
Nabebwesit na ako. Kumukulo na ang dugo ko.
"Kumusta na pala si Glaiza?" Pag iiba nya ng usapan.
"Ayan! dahil sa kagagawan mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Hindi ako ang may kagagawan nyan, kaw kaya. Kung hindi ka kasi nagwalk out ide sana walang Glaiza na nasa hospital ngayon." Sagot nya.
Natahimik naman ako sa sinabi nya. Tama sya! Ako ng ang may kasalanan nito.
"Rhian, I'm so sorry sa nagawa ko sainyo ni Glaiza. Lalo na sayo. Hindi ko talaga sinasadya, masyado lang talaga akong nagpadala sa damdamin ko. Alam kong hindi sayo sinabi ni Glaiza ang tungkol sa amin, dahil wala naman talaga, ako lang ang nagpupush. pero I swear hindi ako gusto ni Glaiza. Dahil kaw lang ang gusto nya. Ikaw lang ang mahal nya. Nagsinungaling lang sya sayo pero hindi ka nya niloko. Kahit kailan hindi ka nya niloko. Kaya please, wag mo syang hihiwalayan, wag kang magalit sa kanya. Dahil mahal na mahal ka nya." Sabi ni Solenn.
Nakatingin lang ako sa kanya. Dapat ko ba syang paniwalaan? O dapat ko na syang suntukin?
"Wala naman akong balak na hiwalayan sya. Mahal ko sya. Pero sa ginawa nyong ito. Hindi kaw ang dapat na nagsasabi ng kung ano. Sya dapat. Kaya wag ka ng mag aksaya ng panahon sa kakadada dyan, dahil wala kang mapapala sakin." Sagot ko sa kanya.
"I know. Pero gusto ko lang sabihin sayo ang side ko. Para na rin mawala na ang guilt ko." Sabi nya sakin.
"Guilt? Mayron ka pa talaga nyan? Matapos nyo akong gaguhin. Sasapakin na yalaga kita." Sabi ko sa kanya, at tinaas ko na nga talaga ang kamay ko.
Umilag naman kaagad sya kahit wala pa.
"I just want to say sorry. Hindi ko hinihingi na mapatawad mo ako. Pero sana si Glaiza mapatawad mo. Wala syang ginawang masama. Pinilit ko lang sya. Tinakot. Kaya pumayag sya sa nangyari, but believe me. Hindi ko sya nahawakan kahit saan. Dahil ayaw nya. Kaw lang ang gusto nyang humawak sa kanya. I'm so sorry. Hindi ko na kayo guguluhin pa. Pangako yan." Mahabang sabi ni Solenn.
Wala na akong masabi sa kanya. Wala din naman akong mapapala dahil tapos na yon. Nangyari na. Wish ko lang maging okay ang lahat samin.
"Tatanggapin ko ang sorry mo. Pero wag kang umasa na magkakaayos tayo." Sabi ko nalang sa kanya.
Hinayaan ko syang lumapit kay Glaiza. From the look on her eyes. In love nga sya sa asawa. Sana lang si Glaiza hindi. Dahil kung in love din sya. Masasaktan talaga ako ng sobra sobra. Baka ano pang magawa ko sa kanya at sa sarili ko.
Pagkatapos nyang titigan ng matagal si Glaiza, tumalikod na sya at lumapit sakin.
"Aalis na ako Rhian. Salamat." Sabi sakin ni Solenn. At saka sya lumabas.
Nang mawala na sya sa paningin ko. Doon lang nakahinga ng maluwag. Napakalaki talaga ng naging epekto ng ginawa nila sakin.
Natatakot tuloy ako na baka hindi lang si Solenn ang maging problema namin.
Pumasok ng kwarto si mama at papa so I have to be okay na ulit. Ayokong mag alala pa sila sakin.
Kinain namin ang pagkain na dala nila. And then, nagpaalam na muna ako sa kanila para umuwi sa bahay at makapaligo na rin.
Before I left I kissed Glaiza's forehead and whisper:
"pagbalik ko sana gising ka na."
***************
Good evening!
😊❤
Thank you sa inyong lahat. Sa suporta sa comments, sa votes at sa reads. Wag sana kayong magsawa.
🔚
BINABASA MO ANG
Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETED
FanficThis is the second book of my Rhian and Glaiza fanfic story, entitled: Together Forever. So, If you have read the first book, then proceed. This is the story of Starting Ever After. They are married, so what's next? That's what we are going to read...