Chapter 13

11.4K 227 7
                                    

;)

Kinabahan talaga ako kanina sa tanong ni nanay. Buti nalang nagpatimpla si tatay ng kape kanina kaya nakalimutan ni nanay yong sinabi nya.

Pumasok na rin ako sa kwarto para matulog. Natawa ako sa itsura ni dober at Potpot. Nakatulog na pala ang mga ito at magkatabi pa. Yakap yakap pa ni Potpot ang laruan na pasalubong sa kanya ni dober. Bilib din ako kay dober, ang galing nitong makisama. Di mo aakalain na galing pala ito sa mayamang pamilya, down to earth kasi.

Haist.... puro positibo naman na ang nakikita ko sa kanya. Wala e, kahit pilitin ko maging masungit sa kanya bumibigay din ako. Hmmm.. makatulog na nga. Naglatag na lang ako sa sahig, di kami kasya sa papag. Marami pa kami papasyalan bukas.

Paggising ko kinabukasan ay nasa papag na ako.

"hmmm?" sino naman nagdala sa akin dito? Bumangon nalang ako at nagtungo sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.

Naabutan ko naman si nanay na nagkakape sa kusina.

"Gandang umaga po Nay." bati ko. "sina Alex po?" tanong ko.

" nasa bakuran sila, kasama si Potpot at tatay mo. Pinapanuod nila yong manok ng tatay mo, papraktisin daw sa sabong." sagot nito saka humigop ng kape. Si tatay talaga, di pa rin nya natatanggal ang pagkasabungero nya.

Nagtimpla naman ako ng kape ko, sinaksak ko sa bibig ko ang isang pandesal at kumuha pa ako ng isa saka ako pumunta sa bakuran. Naabutan ko naman si tatay na pinapraktis ang alaga nitong panabong. Andon din si ate Clarise na nanunood.  Si Alex naman ay nakatayo na nanunood at may hawak na mug, maya't maya ay humihigop ito. Grabe, kahit saang anggulo ang hot pa rin nitong tingnan. Nakasuot ito ng simpleng puting damit at tokong, suot pa nito ang beachwalk ni nanay. Kay pula ng sakong nito. Hmmm... Bago pa ako makaisip ng kahalayan ay  lumapit ako ng konti sa kanila. Konti lang talaga, mahirap na, alam nyo na.

"Morning princess!" Bati nito sa akin saka lumapit at  hinugot sa bibig ko yong pandesal na muntik ko ng makalimutan saka nito isinubo. Namula nanaman ako dahil sa ginawa nya. Nakita ko ang pag iwas ng tingin ni ate Clarise pero alam ko na nakita nito ang ginawa ni dober. Hala, sana naman di ito mag isip ng malisya.

"Katakaw mo dober! Nakasubo na nga, aagawin mo pa.!" kunwaring nag gagalit galitan ako para maitago ang pamumula ng pisngi ko saka ko siya hinampas sa braso.

" psh! sarap nga e. hmmm....." sagot naman nito at pumikit pa na parang ninanamnam ang kinaing pandesal.

"Tumigil ka  nga Meyer! " saway ko. "Ate Clarise, san tayo mamasyal mamaya?" baling ko kay ate Clarise na napakatahimik.

"Ha? Ahh.. May pupuntahan kami ni Alex mamaya pero di ka pwedeng sumama." alanganing sagot nito sa akin. Napatingin naman ako kay dober na abala sa panonood ng manok.

"Hoy dober!" tawag ko sa kanya, tumingin naman ito sa akin. "San naman kayo pupunta ni ate Clarise at bakit di ako pwedeng sumama ha?" maangas kong tanong.

"di ka talaga pwedeng sumama don bansot, di pwede ang bata don." sagot nito at ibinaling ulit ang tingin sa manok na nagsasabong.

"Aray ko bansot! Bakit ka naman nananapak?" salubong ang kilay nitong tumingin ulit sa akin. Sinapak ko lang naman, makatawag ba naman ng bansot wagas, kala ko pa naman prinsesa na eh. Tapos di pa daw ako pwedeng sumama sa lakad nila.

"Buti nga sayong dober ka!" sagot ko sa kanya. "Ate Clarise, san ba kasi kayo pupunta? Baka naman may tinuturo na si dober na kalukohan sayo ha.?" baling ko naman kay ate Clarise.

"Wala," sagot naman ni ate Clarise na nakangiti. Hmmm.... ganda nya talaga pag nakangiti. " Hindi ka lang talaga muna pwede sumama, promise, babawi kami mayang hapun. Ipapasyal din natin si Alex sa plasa, marami na daw rides don sabi ni Potpot.

Speaking of Potpot, maaga daw nangapitbahay para ipagyabang ang mga laruang pasalubong ni dober.

"eh kainis naman e, baka kalukohan yang lakad nyo." nakanguso na ako.

"Wag ka mag alala bansot, matino ang lakad namin ng ate Clarise mo." sagot naman ni dober saka nito piningot ang pisngi ko. Psh, nakailan na to a.

" Haray ko ha dober!! Kung makapingot naman e!" angal ko saka ko rin ito hinampas. Naghabulan kami na dahilan ng pagtakbuhan ng dalawang manok na nagsasabong. Napakamot na lang si tatay.

"Naku naku! Kayong mga bata, inistorbo nyo ang praktis ng mga manok ko. Panu Alex, sasama ba talaga kayo sa sabungan mamaya?" tanong nito kay Alex na kanina pa ilag ng ilag sa pang hahampas ko sa kanya. Ang mga loko, sa sabungan pala nila binabalak pumunta, at pumayag pa si tatay at ulit, magkakasama pa sila!?

"0po tatay!" nakangising sagot naman ni dober sa tatay ko, at kelan pa nito naging tatay ang tatay ko huh?.

"Tay! Bakit nyo naman po isasama sina Alex at ate Clarise sa sabungan?" tanong ko. Hinanap ng mata ko si ate Clarise pero di ko na makita, umuwi na siguro sito. Kabilis naman nito nawala at di pa nagpaalam.

"Gusto raw manuod ni Alex, yaan mo na. Ang laki nga ng pusta nya para sa manok ko." tuwang tuwa pa na sagot ni tatay.

"Hmp! Sama rin po ako."

"di pwede anak, bata ka pa, baka masita tayo." tanggi ni tatay.

"hmp!" nakabusangot nalang ako at nagpapadyak ang paa na pumasok sa loob ng bahay. Kala nyo, sa ayaw at gusto nyo sasama pa rin ako mamaya.
Dinig ko pa ang tawanan nila ni tatay sa labas. Eeehhh!!!!! dober! Nakakainis ka na talaga!

^-^

thank you for reading;)

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon