Simula

5 0 0
                                    

Simula

Minsan hinihiling ko na lang na sana matahimik na ang magulo kong mundo. I badly want peace, for Pete's sake!

Gusto ko nang i-surrender ang puting flag para iparating sa Auntie ko na suko na ako at handa na akong mamili pero hindi ko magawa. Ugh, ayaw kong matalo sa kanya.

"Auntie, please don't do this to me. Bata pa 'ko!" maktol ko sa kanya.

Chill lang siyang nakaupo sa couch sa likuran ng bahay kung nasaan ang pool at garden. Umiinom siya ng juice at animo'y ready na siyang mag-sun bathing dahil sa malaki niyang shades. Samantalang ako, halos magkandaluhod na sa may gilid niya para humiling ng hustisya sa buhay ko.

"No dearest Daphne. You really need this kind of life. Masaya kaya ang kalagayan mo ngayon!" malakas siyang tumawa pero bakas doon ang pagka-sosyal niya.

Napamaang ako sa kanya. "Auntie, anong masaya roon? Masaya ba 'yong may kasama kang nakatirang apat na lalaki dito sa bahay!"

Medyo tumaas ang boses ko kaya napilitan si Auntie na tanggalin ang shades dahilan para makita ko ang naniningkit niyang mga mata.

"Ayaw mo ba ang mga ginagawa ko para sa 'yo, Diana Kaye?"

Nanindig ang mga balahibo ko sa likuran dahil sa naging lamig ng tono ni Auntie.

Yari ka Diana Kaye!

Napalunok ako at napayuko. Ayaw kong magalit si Auntie sa 'kin.

Cool siyang Auntie at super supportive pero kaya rin niyang maging strict, disciplinarian at maldita lalo na when it comes to my future.

"Bakit naman po kasi nila kailangang tumira dito? 'Di ba galing naman sila sa mayayamang pamilya? Alam mo rin naman pong hindi ko sila makasundo lalo na si Sin," mahinahon kong sabi.

Tumaas ang kilay ni Auntie. "You're living with them for a month now pero ngayon ka lang nagsasabi ng ganyan?

"You know my reason why at ito lang naman ang tanging hinihiling ko sa 'yo para sa lahat ng sakripisyong ginawa ko sa 'yo buhat n'ong bata ka pa. Kaya nga sila nandito sa bahay natin para mabigyan ka ng pagkakataon na malaman kung sino ang gusto mong mapangasawa sa kanila. Napaka-considerate na n'yon."

Lalo akong napayuko dahil sa pangaral ni Auntie. Hindi ko talaga siyang kayang suwayin dahil sa lahat ng ginagawa niya para sa akin mapabuti lang ako.

Pero I just can't accept the fact na I have to experience that arrange marriage na napaka-cliche sa mga mayayaman. Worst, it has to be on one of those guys na nakatira kasama ko sa bahay na ibinigay ni Auntie sa akin n'ong mag-debut ako.

Masakit para sa akin ang set-up na ito ni Auntie. Hindi ko naman maiwasang sumama ang loob ko sa kanya dahil sa puntong ito ng buhay ko, kontrolado rin niya.

Gusto ko sanang magkaroon din ng kalayaan pagdating sa pagmamahal o sa mamahalin ko. Ano nga bang magagawa ko? Ayaw ko rin namang lumabas na walang utang na loob.

Si Auntie na ang nagpalaki sa akin at ibinigay ang lahat sa akin. Itinuri niya akong bilang isang anak. Hindi siya nag-asaw dahil itinuon niya ang buhay niya sa pagaalaga sa 'kin. She has flings pero hanggang doon lang siya.

My mother died when I was a baby. Nagkaroon siya ng stage 4 breast cancer. Hinabilin ako ni Mama kay Auntie Shonie.

Hiwalay na si Mama at Papa bago pa man ako ipinanganak. I do'nt have any traces about my father.

Lumapit ako kay Auntie para hagkan siya.

"I'm sorry Auntie. Gusto ko lang talaga umapila sa 'yo kasi talaga pong nakaka-bwisit 'yong Sin na 'yon. I really can't take him!"

Gumanti ng yakap si Auntie pero tumatawa siya.

"Careful Daphne. The more you hate, the more you love."

"Auntie naman!" maktol ko sa kanya.
"It will never happen. Never!"

Lumayo ako kay Auntie dahil nanggigigil ako. Psh! The more you hate, the more you love. Kalokohan.

"Why Daphne? Ayaw mo ba kay Sin?" Kahit habang may sinasabi pa si Auntie, humagalpak na siya sa tawa.

"Of course! Over my dead single body, never ko siyang magugustuhan," taas-noo kong sagot.

At hindi talaga! Kahit na siya na lang ang nagiisang lalaki sa mundo.

"Okay, sabi mo eh." Tumatawa pa rin si Auntie.

Gosh, gusto na yata niyang mag-asawa.

Iiwanan ko sana si Auntie dahil alam kong hindi naman niya ko pagbibigyan sa demand ko at lalo lang niya akong aasarin. Pero papasok pa lang ako ng bahay nang dumating sila.

"Why such a cry baby, Daph?"

Inirapan ko lang si Brodie. Lumapit naman si Dean sa akin at ginulo ang buhok ko. Samantalang ngitian lang ako ni Brent. At ano pa nga bang mapapala ko sa isa pa sa kanila? Nakangisi lang ito habang pa-cool na nakapamulsa si Sin.

Buhat kagabi, ngayon lang umuwi silang apat. Ang titindi. Malamang sa high-end bar na pinupuntahan nila sila nagpalipas ng gabi.

Mahihilig kasi silang mag-party as much as ang kahiligan nila sa mga babae. Boys!

Nakipag-beso-beso sila kay Auntie at nakipag-kumustahan.

Tahimik lang akong nakatayo sa tabi habang busy sila. Kailangan kong maging aware sa usapan nila dahil baka ako ang topic nila. Mahirap na. Yeah, praning, I know.

"Boys, bakit ngayon lang kayo umuwi? Saan kayo nagpunta?" pag-interrogate ni Auntie.

Huh! Yari kayo ngayon.

"Ah Auntie. K-kasi ano, my group project kami at magkaka-grupo kaming apat, doon kami nag-overnight sa bahay ng classmate namin," sagot ni Brodie.

"Oo nga Auntie. Deadline kasi n'ong project namin bukas kaya kailanhan naming matapos 'yon," si Brent.

"I can't say anything else. Nasabi na nila lahat Auntie," patango-patango si Dean.

"Miss ka na namin Auntie, you know that?" kasipsipan naman ni Sin.

Oh really, huh? Project? Psh. Para namang maniniwala si Auntie sa kanila.

"Wow. Talaga? Ang sisipag naman mag-aral ng boys! Oh Daphne. Dapat tumulad ka sa kanila sa pag-aaral hindi laging pasang-awa na grades." Nagsitawanan sila dahil sa sinabi ni Auntie.

But my jaw dropped.

"Auntie! Naniniwala ka po sa kanila?" protesta ko.

Tinanguan lang ako ni Auntie saka nagtawanan silang lahat uli.

"Hala! Hindi naman po totoong gumawa sila ng project. Narinig ko po kaya sila kagabi na nagyayaan na pumunta sa bar!" sumbong ko.

Totoo. Narinig ko talaga sila!

Hindi ako pinansin ni Auntie. Hindi nila ako pinansin. Para lang akong kumausap ng hangin.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. I feel like crying for Pete's sake!

Bakit gan'on? Mas naniniwala pa si Auntie sa kanila kaysa sa 'kin? Dahil mas mahal niya sila? Spoiled kasi sila kay Auntie.

At ngayon, proven ko na kung bakit ayaw ko na silang apat nandito sa bahay.

#

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Homemade Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon