Nasa ospital ngayon si Emerald, inaayos niya ang mga ilang pasyente ng may pumasok sa hospital na, napatigil ang lahat ng mga nurse dahil sa kagwapuhan neto.
"Doc Maximo.." tawag ni Emerald, agad napatingin si Maximo at nakita nya si Emerald na nakapamulsang lumapit sa kanya.
"Doc Emerald.." nag-bulong bulungan ang mga nurse kung bakit nila kilala ang isa't isa, dumating naman si Lanisha at tinignan ang dalawa.
"Doc.." lumapit ang isang nurse na may hawak hawak na board "May ichecheck po kayong pasyente sa room 305" tumango nalang si Emerald bilang sagot.
"I think parehas tayo ng pupuntahan.." napakunot si Emerald dahil sa sinabi ni Maximo.
"Your checking my cousin's room" dahil dun ay napatango tango si Emerald.
Dumiretso sila sa room ng pinsan ni Maximo. Binuksan ni Maximo ang pinto at naunang pumasok si Emerald.
"Shakes!" sigaw ni Maximo napatingin naman si Shakes dahil dun, napangiti siya ngunit may dumating sa likod neto na ikinawala niya ng ngiti.
Nakita niya si Kinter at gulat na gulat ito dahil sa akalang patay na ito ng maglaban ang L Gang at Kinter Gang.
Oo, naging bahagi rin sya nang L Gang, nakasama rin sya sa labanan ng L Gang at Kinter Gang, nabalitaan niyang namatay si Kinter dahil sa pagsabog, nakatakas si Cosmo na hindi alam kung nasaan na ito.
Nang maramdaman ni Maximo at tingin ni Shakes kay Emerald ay kaagad itong nagsalita "By the way, she is Doctor Emerald, ichecheck niya ang mga binti mo" ngumiti sa kanya si Emerald na ikinakaba neto, nagtataka ito kung bakit hindi man lang ito nakikilala, at bakit buhay ito?
"Ichecheck ko lang ang legs mo" nakangiting sabi sa kanya ni Emerald.
Nabundol ng kotse si Shakes isang taon na ang nakakalipas na dahilan ng hindi nya paglalakad dahil sa may mga butong naputol dahil sa lakas ng pagkasangga ng kotse.
Lumapit si Emerald na mas lalong ikinakaba ni Shakes, imposibleng mabuhay si Kinter dahil sa pagsabog, pilit na iniisip ni Shakes kung paano ito nakabalik sa kanyang buhay at ang mas nakakapagtaka e hindi nya makilala si Shakes.
"Tumatalab naman ang mga gamot na pinapainom sayo..." nawala na ang mga malalamig netong mata na kinahuhumulingan ni Incho, ang kasama niya sa gym.
"Nag-iimprove na ang mga binti mo at maari ka nang gumaling kapag tumalab ang gamot na ibibigay sayo"
Pilit na ngumiti si Shakes sa kanya "Doc, mauna na ako" sabi ni Emerald kay Maximo.
"Thank you Doc" sabi ni Maximo, agad netong dinako ang paningin sa nagpapawis na si Shakes.
"Bakit ka ba pinagpapawisan huh? Masyado bang mai—" agad na napatigil si Maximo dahil sa namumula ang tenga ni Shakes, napangisi si Maximo dahil dun.
"Aminin mo nga, nagandahan ka ba kay Doc?" agad na napatingin si Shakes dahil sa tanong ni Maximo, hindi nya alam na napansin nya pala ang pagpapawis neto.
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
ActionCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?