3 years ago....
"Kyle Santos still has no comment regarding on the alleged photos with Briana Lee. On the other hand,Briana confirmed that they were having dinner together. But Briana doesn't say anything when asked about their real score......"
Pinatay ni Kyle ang t.v. ng mapanood na siya nanaman ang laman ng balita sa showbiz. Sawang-sawa na siya sa maliit na mundo ng showbiz. Nagdesisyon siyang lumayo muna.
He went to his private resort in Batanes, doon ay nakukuha niya ang mamuhay ng simple lang at wala masyadong atensyon galing sa ibang tao.
Pagdating sa Resort ay pinuntahan niya ang veranda kung saan kitang-kita ang malawak na resort at ang kagandahan ng dagat.
Nahagip ng mata niya ang isang dalaga sa di kalayuan na parang may pinapalakad na kung anong bagay papunta sa malawak na karagatan. Kumakaway-kaway pa ito. Pagkatapos ay umalis agad. Pinabayaan lamang iyon ni Kyle.
Habang ang dalaga ay masayang umuwi patungo sa bahay nila. Masaya itong nakapauwi nanaman siya sa karagatan ng munting pagong.
Kinaumagahan ay naligo si Kyle sa dagat. Pagkatapos ay naupo siya sa may dalampasigan habang niraramdaman ang init ng araw na tumatama sa kanyang katawan.
"Bye-bye mga pagong!" Nagulat siya ng may sumigaw na babae sa may gilid niya.
Mas nagulat siya ng may dalawang maliit na pagong na papalapit sa kanya."Mali, dun ang daanan niyo pauwi." Kinuha ito ng dalaga at pinasunod papunta sa karagatan. Tiningnan ni Kyle ang dalaga ng mabuti.
Naramdaman ng dalaga na nakatingin sa kanya ang binata. Nginitian niya ito at masayang binati.
"Magandang umaga."
Biglang natulala si Kyle sa ganda ng dalaga at kung paano ito ngumiti.
Papaalis ng ang dalaga ng matauhan si Kyle. Tumakbo ang dalaga.
"Wa...wait." Hahabulin niya sana ito ng dumating ang kanyang katulong.
"Sir, may tumatawag po sa cellphone ninyo."
"Ok. Wait lang." Hinabol niya ang babae pero mabilis itong nawala sa paningin niya.
Habang ang dalaga ay pumunta sa kanyang lola na nagbuburda.
"Saan ka nanaman galing apo?"
"Doon lang ho sa may magandang bahay."
"Naku ikaw talaga, di mo ba alam na pribado iyon. Baka mamaya sitahin ka ng may-ari."
"Di naman po ako pumapasok sa bahay nila. Doon lang ako sa dagat."
"Hindi ka pa rin tumitigil sa pagtatakas ng mga pagong na nahuhuli ng mga kabaryo natin?"
"Kawawa naman po kasi."
"Eh paano kung malaman nila, ikaw naman ang mapapahamak."
"Di naman ho siguro. Turuan niyo nga ho ako niyan lola sa ginagawa niyo."
Masayang nagbuburda ang mag-lola.
Samantalang si Kyle ay di mawala sa isip ang dalagang kanina'y bumati sa kanya.
Muling tumunong ang kanyang cellphone.
"Hello?"
"Sir Kyle, di po pumayag ang management sa hinihingi niyong 2 weeks na leave. Dapat daw po next week nandito na kayo. As of now sir you have 3 pending commercials to do. The companies are requesting to shoot it as early as possible."
Napabuntong-hininga siya, no choice siya dahil maikli lang ang bakasyon na ibinigay sa kanya. Pinutol niya na ang tawag.
"I have to meet that girl." Yun na lang ang naiwika niya.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...