Nasa sinehan na kami, nasa gitna namin ni Barbie si Sofie. Nanonood kami ng isang romantic comedy movie. Maganda naman yung movie kaya hindi kami inantok.
"Kuya, Tita cr lang po ako" paalam ni Barbie.
"Gusto mo samahan kita?"alok ni Sofie.
"Naku, wag na po Tita kaya ko naman po, manuod nalang po kayo. Babalik din po ako agad pagka cr ko"
"Ah ok!" sagot ni Sofie.
Pagkaalis ni Barbie ay hinawakan ko ang kamay ni Sofie.
"Terrence yang kamay mo" inis na sabi ni Sofie.
"Let me hold your hand, matagal ko nang pangarap na hawakan ang kamay mo"
"Pero madalas mo naman mahawakan ang kamay ko. Lalo na nung bata ka pa"
"Ou nga pero iba yon, bata pa ko non na kailangang humawak sa kamay mo para hindi mawala, ngayon gusto kong hawakan yung kamay mo bilang isang lalaki na nagmamahal sayo" madamdamin kong sabi kay Sofie. "Kaya plz wag mo munang bawiin yang kamay mo"
"Ok pero hindi ibig sabihin nyan na sumasang-ayon na ko sa panliligaw mo. Papayagan kitang hawakan ang kamay ko pero pagdumating na si Barbie bitawan muna ha! Baka kungano pa yung isipin non pag nakita niya"
"Ok promise" tuwang sabi ko, saka ko pinagpatuloy ang panunuod. Pero maya't maya ko ring tinitingnan si Sofie.
"Itigil mo nga yan Terence, manuod ka nalang kesa tingin ka ng tingin sakin" naiilang na sabi ni Sofie.
"Pasensya na hindi ko kasi mapigilan, ang ganda mo kasi eh"
"Hay naku marunong ka na rin palang mambola ngayon"
"Hindi ah! totoo kaya yung sinabi ko".
Nakita kong namula si Sofie, kahit naman kasi madilim sa sinehan makikita mo pa rin yung mga taong nanunuod.
"Ba't kaya wala pa si Barbie kanina pa siya umalis ah!" biglang tanung ni Sofie sakin.
"Oh ayan na pala si Barbie" sabi ko."Oh ba't ngayon kalang nakabali?"
"Mahaba kasi yung pila sa cr, kainis nga hindi ko na tuloy napanood ng mabuti yung palabas" sagot ni Barbie.
"Ok lang yun panuorin nalang ulit natin yung part na di mo napanuod" nakangiting sabi ni Sofie.
"Tnx Tita"
Tanghali na nang matapos ang palabas kaya naisipan naming duon nalang kami mkumain.
"Pagkatapos nating kumain, umuwi na tayo ha, pauwi na siguro niyan sina Sandy walang maaabutang tao yun sa bahay" sabi samin ni Sofie.
"Sige po Tita, saka di ba Tita gagawa pa tayo ng favorite ni Mommy na fruit salad" sagot ni Barbie.
"Ay ou nga pala nakalimutan ko na, buti nalang at pinaalala mo, kung tapos na kayo halika na para makagawa na ko agad at ng mailagay sa ref para lumamig"
"Sige halika na" sabi ko saka ko hinawakan sa braso si Sofie. Agad naman siyang napatingin sakin at tila nagulat. Pati si Barbie ay napatingin din sa kamay kong nakahawak kay Sofie.
"Nak's may tinatago ka parin palang pagkagentleman kuya" natatawang biro ni Barbie.
agad ko naman siyang sinamangutan, nakakaasar na talaga tong kapatid ko eh! Konting konti nalang makukutusan ko na to.
"Wag mo nalang patulan, halika na umuwi na tayo" nakangiting aya sakin ni Sofie.
Nang makita ko ang nakangiting mukha ni sofie na nakatingin sakin ay agad nawala ang pagkainis ko.
"Sige" sang-ayon ko saka ako naglakad na.
Nang makarating kami sa bahay ay agad na bumaba si Barbie bitbit ang supot na naglalaman ng chocolate na binili niya kanina.
"Hoy! Barbie tulungan mo kong ibaba ibaba yung mga pinamili natin" sigaw ko kay Barbie ng mapansin kong wala siyang balak na tulungan ako sa pagbubuhat.
"Ikaw nalang Kuya, pagod na ko eh" tanggi ni Barbie.
"Aba't ang tamad mo talaga"
"Hayaan mo nalang siya ako nalang ang tutulong sayo" muli ay nginitian siya ni Sofie.
"Wag na, pumasok ka na sa loob ako nalang dito"
"Tutulungan na kita, madami yan matatagalan ka, pag ikaw lang ang nagbaba niyan"
"Oh sige pero yung magagaan lang yung buhatin mo ha" masuyo kong sabi sa kanya.
"Ok"
Magkatulong naming binaba yung pinamili namin ng isang supot nalang ang natitira ay nagkasabay kami sa paghawak kaya nahawakan ko ang kamay niya, agad na nagkatinginan kami, nginitian ko siya pero agad siyang nagbaba ng tingin at hinila ang kamay niya.
"Ikaw nalang ang magbuhat niyan, naalala kong gagawin ko pa nga pala yung fruit salad. Sige mauna na kong pumasok" paalam ni Sofie at agad kong iniwan. Napapangiti ko nalang siyang tinanaw.
