ELEVEN POV
:D hello ahaha..
Eleven Chen nga pala .. akala ko extra lang ako dito ahaha may Point of View pala ako XD salamat Miss...
-- daming alam mag umpisa kana --
Two weeks plinano ng mga classmates namin yung Tagaytay trip, at sa wakas nandito na kami.
Oo nga pala nung nagpropose si Naru kay Kisha wala pala ako nun pero .... ako ang nakaisip ng proposal niya na yun astig diba -- aminin kinilig ka -- ahahah bakit ako wala dun?? wala lang nagpaiwan ako sa bahay pero nung magtxt si Naru na ok daw yung plano ko ayun sumunod na ko sa kanila sa bahay nila Kisha ....
Ang totoo Crush ko talaga si Kisha, dinadaan ko lang sa biro ang lahat. Si Naru hindi niya alam hindi naman ako nagsasabi sa kanya lalo na nung nalaman ko na gusto niya pala si Kisha, ang nakakaalam na may feeling ako para kay Kisha ay yung Sebastian Brothers -- best ko sila eh at malaki tiwala ko sa kanila --
By the way nasa Hotel kami ngayon at ang roomate ko ay ang dalawa kong best friend tapos si Naru at Kisha at Chelsie naman yung sa kabilang Room.
" matamlay ka bro " si Kenjie
" bakit hindi tatamlay yan, ehh diba nga? " si Jeric at ngumiti sakin.
Nagsmile din naman ako pero yung pinakacheap.
" alam mo Eleven I feel you " sabi ni Kenjie tsaka humagalpak ng tawa..
" ewan ko sa inyo wag na nga kayo maingay mamaya may makarinig pa satin " sabi ko nalang at nahiga sa kama ko -- nakakapagod kasi yung byahe --
" Inom tayo " si Kenjie
" Libre mo " tanong ko
" kaialan kapa natutong uminom " si Jeric
" ngayon palang ako iinom turuan nyo ko pero onti lang inumin natin ah " sagot ko.
Nagpunta kami sa may bar ng Hotel, medyo onti lang yung tao. Tig iisang shot muna yung in-Order namin -- whaa ampaet ng lasa --. Mga nakakalimang shot palang ako nahihilo na ko pero sila Kenjie parang wala lang ..
" ang sakit ng ulo ko " sabi ko sa dalawa.
" hay naku tara na nga sa kwarto tssk kasi hindi mo naman talaga kaya eh " Sabi ni Jeric umakyat kami sa taas paghiga ko hindi ko alam naluluha ako.
" Bro umiiyak ka " si Kenjie
" nalulunod ata ako Kenjie, gustong gusto ko siya " sabi ko at hindi ko na napigilan.
" Bro tama na yan matulog kana " si Jeric
" WHOO!! nasasakal ako pagnakikita ko siya "
" Eleven, kilala kang Class Clown hindi drama king kaya tigilan mo hindi bagay sayo " -- grabe naman tong mga kaibigan ko minsan na nga lang magdrama basag trip pa -- si Kenjie
" Oo nga Bro kung gusto mo makalimot kausapin mo si Kisha pagkatapos magbago ka maging seryoso ka sa mga bagay bagay " si Jeric
" matulog na nga tayo Basag trip kayo eh .. gusto ko nga magdrama eh " sabi ko at tumagilid ng higa.
Hindi ako nakatulog pinag isipan kong mabuti yung mga bagay bagay na gagawin ko. Naisip ko na may point si Jeric dapat magseryoso na ako kaso ang PANGET !! I cant imagine my self being serious in such damn thing. Ang naiisip ko kakausapin ko si Kisha, pero hindi ko sasabihing gusto ko siya at last na kausap na yun tapos magbabago ako pero hindi ako magseseryoso ang Panget hindi bagay sakin ang maging seryoso ..
" Usap tayo " hinila ko si Kisha paglabas na paglabas niya sa room nila.
Dinala ko si kisha sa may burol.
" may problema ba, ang seryoso mo ah problema boy " si Kisha na kinakalabit ako
Humarap ako sa kanya tsaka huminga ng malalim.
" wala, natakot kaba sorry ah ahahah " sabi ko pero binatukan niya ko
" Hoy masakit yun ah, isusumbong kita kay Naru hinaharas mo ko "
" HOY!! grabe ka batok lang yun tapos sayo haras agad "
" ingay mo " sabi ko tska tinakpan yung bibig niya pero inalis niya rin yung kamay ko.
" ano bang sasabihin mo? "
" dati ang puso ko parang Farm " sabi ko kumunot yung noo niya.
" ano nanaman yan "
" dati maraming hayop ngayon COW nalang "
sabi ko tapos hinampas niya ko sa braso.
" grabe corny mo may pahila hila ka pa yan lang pala sasabihin hay nako nako nako dyan ka na nga " sabi tapos naglakad na palayo sa kin -- WAG MO KO IWAN !! -- ang drama ko PangeT ..
" Kisha " tawag ko sa kanya, nakunot yung noo niya nung humarap sakin.
" babye " sabi ko tapos tumalikod sa kanya naglakad ako saliwa sa direksyong tinutungo niya..
GOOD BYE!! ELEVEN CHEN!!
ahahah At ngayon Hello ELEVEN 2.O
BINABASA MO ANG
My One and Only
Teen FictionKahit ganong karami man ang babaeng umaligid sa kanya ako pari ang kanyang ONLY ONE...