Chapter 3

79 5 0
                                    

Ella's POV

*-*-*-*-*-*

Hi guys, Princess Ella Alterfly nga pala. 16 yrs old, 4th yr. High school sa Special Academy. Top 2.

Huh? Nasan ako? Anong lugar to? Di ko gaano makita o maaninag kung nasan ako, pero may nakikita akong mga halaman at mga puno. Sapat na yung liwanag ng buwan para makita ko na nasa isang Garden pala ako.

Garden? Naglakad lakad pa ako hanggang sa may nakita akong tao, di ko sya totally nakita, nalaman ko lang kasi nagalaw sya at korteng tao.

Nilapitan ko yung tao. Habang papalapit ako, napag alaman kong lalaki pala sya. Wait. Parang kilala ko to ah..

"Fra... France?" Tanong ko sabay hawak sa balikat nung lalaki.

"Hmm???" Lumingon naman sya at nakita ko na nanlaki yung mga mata nya. Bakas sa kanya ang pagkagulat.

"Princess??" Tanong nya.

Si France nga! Ano naman ginagawa nya dito sa madilim na lugar na to? Hmm.. Matanong nga.

"Anong ginagawa mo dito France?" Tanong ko tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

"Wa... Wala! Teka nga, diba sabi ko sayo wag muna ako kausapin kahit kelan!!!" Masungit na sabi nya sa akin.

Bakit ba sya nagkaganyan sakin? Di naman sya ganyan sakin dati ah? Ano bang nangyari sayo ha france??

"Anong bang nangyari sayo ha France at nagkaganyan ka sakin bigla?" Tanong ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit.

Inialis nya yung kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya at tumalikod sa akin sabay lakad papalayo.

"France! Bakit ka ba ganyan sa akin?? Hoy france!!" Sigaw ko. Habang hinahabol sya.

"Prin-- Ang kulit mo din ano?! Layuan mo na ako! " sabi ni france at tinulak ako papalayo sa kanya.

Napaupo naman ako sa may damuhan. Pag katingin ko naman sa unahan ko ay wala na si France.

Nag iiyak ako sa may damuhan, nakaluhod at hinahayaan kong dumaloy ang mga luha ko mula sa aking mga mata.

" Ella? Bakit ka naiyak?" Sabi nung Familiar na boses ng lalaki.

"Wala wala to" sabi ko.

Nagulat ako ng bigla nya iniabot yung kamay nya sa akin at iniintay na hawakan ko para maitayo nya ako.

Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko at laking gulat ko ng si james pala iyon.

"Halika na Ella, wag ka na umiyak." Iniintay nya pa din na abutin ko ang kamay nya.

"Anong ginagawa mo dito ha unggoy ka?" Sabi ko. Di ko alam kung bakit pero may naramdaman akong saya nung nakita ko sya.

"Hmm.. Di ko alam, basta ang alam ko nandito lang ako sa tabi mo palagi , lagi kitang tutulungan." Sabay ngiti sa akin at iniintay pa din na abutin ko ang kamay nya.

Nung hahawakan ko na sya sa kamay bigla nalang may nagsalita na pamilyar din ang boses.

"Mistress, gising na po 6am na po, papasok pa kayo" sabi ni Ms. kate. Maid namin sya.

Panaginip lang pala? Akala ko totoo yun. France? Nasan ka na nga ba? Bakit ka umalis bigla? Buti nalang panaginip.

Bumangon na ako sa kama at umupo.

"Ok na gising na ako. Thank you po miss kate." Sagot ko.

*Special Academy - Great Hall*

As usual, nasa kwarto ko nanaman ako. Teka, nag tataka kayo kung ano ginagawa ko lagi dito nu?

Wala naman, lagi lang ako nag babasa dito. At ginagawa yung ibang works para sa company nila Mama at Papa.

Hayys... Sa wakas tapos na ako dito sa paper works. Ito namang ibang Files para tapos na lahat.

Tumayo ako at kinuha yung mga papel. Teka anong oras na ba? Tinignan ko yung orasan at 3pm na pala, hayys.. Pupunta nanaman yun si james para bigyan ako ng merienda.

At ayun nga maya maya lang ay kumatok na si James sa kwarto ko at inalok akong kumain. Syempre sinungitan ko ulit sya. Pero after mga 5 minutes kinuha ko yung iniwan nyang pagkain.

Teka ano to? Sopaz? Sige. Bakit ba di ko kayang di kainin ang mga luto nyang lalaking yan? Siguro nanghihinayang lang talaga ako.

Kinain ko yung sopaz ng wala pang 10 minutes. Bilis nu?  Matakas kasi ako eh. Pero kahit anong gawin kong kain, kahit isang kilong kanin pa yan , di ako tumataba , di ko din alam kung bakit. Pero ok na yun atleast di ako tabain. Inggit kayo nu? Haha.

Inilagay ko na yung bowl sa may tapat ng pinto ko at ipinag patuloy ang akin ginagawa.

Nagtataka kayo kung bakit kinakain ko yung merienda pero di ako nakikisama sa kanila?

Sadyang ayaw ko lang makisama sa kanila , natatakot kasi ako na baka mamaya sa oras na close na close na kami eh bigla nalang nila akong iwan kagaya ni France.

Lumipas ang oras. Hanggang sa mag 7pm na at nag uwian na sila. Syempre ako nanaman ang naiwan dito sa Great Hall mag isa. Iniayos ko lang lahat ng gamit ko at umuwi na din ako.

Siguro nga ang laki na ng pinag bago ko simula nang umalis si France sa buhay ko. Pero mas mabuti na din siguro to para di na ulit ako masaktan ng sobra kagaya ng dati.

Hindi nyo naman ako masisi eh, kahit ayokong tawagin nila na Princess Heart breaker, na Cold - hearted, manhid. Di nyo naman ako masisisi kasi ayako na talagang masaktan, ayako na din mag mahal siguro mag mamadre nalang ako.

Alam nyo yung First time mo lang mainlove, tapos yun pala First time mo lang din na masasaktan ng sobra.

Pagdating ko sa bahay, dumarecho na ako sa kwarto at ginawa ang mga dapat gawin. Naligo, kumain, nagtoothbrush, at kung ano ano pa. Maarte kasi ako eh. Paki nyo ba? Haha.

Minsan nagi-guilty ako sa ginagawa ko kay James, sya ang napag bubuntunan ko ng inis ko kay France. Magka mukha at magkasing ugali pa sila eh.

Kung pareho lang sila ng surname at kung mayaman lang din si James, masasabi kong identical Twins sila. Kaya siguro ganun ang trato ko sa kanya eh.

Tinago ko na yung mga Files at mga books ko. Hinanda kp na din yung kama ko. Medyo antok na din kasi ako eh.

Kaya sige na bye na.

To Be Continue...

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Comment naman po kayo para malaman ko kung okay lang ang story na to:)

Vote na din po kayo haha..

Yun lang po. Thanks for reading. Baka , baka lang po, bukas mag Update ulit ako^^

She's a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon