Tiwalang minsang ibinigay

20 0 0
                                    

Meron akong naging kaibigan, Meryll ang pangalan. Alam mo ba kung bakit “Naging Kaibigan” lang?

Tatlo kami sa grupo si Fern, Meryll at ako, si Kendra. Pinagkatiwalaan ko sila lalong lalo na si Meryll. Sinasabi ko sa kanila lahat tungkol sa buhay ko, sa pamilya ko at mas lalo na sa lovelife ko. Madalas kaming magkwentuhan, madalas din kami lang ang magkakasama sa lahat ng oras. Napakasaya, pero may times din na nagkakagalit pero sa kabila ng lahat ng ito patuloy lang kaming nabubuhay kasama ang isa’t isa. Minsan nga nakwento ko sa kanila ‘yong crush ko, si Jerick. Si Jerick? Simple lang, gwapo, mabait, marunong kumanta at napakahumble pa. Marami na akong kwinento sa kanila tungkol sa kaniya. Hindi niya alam na crush ko s’ya. Mas maigi pang sina Fern at Meryll lang ang nakakaalam. Kinikilig sila sa mga kinukwento ko. Sabi pa nga ni Meryll: “Ayos Kendra! Bagay kayo.”. Pinagkatiwalaan ko sila pero bakit parang habang tumatagal eh nawawala na an gang aming pagkakaibigan siguro dahil meron na silang sari-sarili nilang buhay. Pero ayos lang. Hindi ko naman hawak ang kanilang mundo at sino ba naman ako para diktahan sila sa kanilang mga ginagawa. Hinayaan ko sila, kahit na minsan nasasaktan na ako dahil parang hindi man lang nila maalaala na minsang kaming nagging magkakaibigan. Habang tumatagal, nakahanap na din ako ng mga bago kong mga kaibigan. At habang tumatagal, meron akong naririnig na bulung-bulungan na sina Maeryll at Jerick daw ay may gusto sa isa’t-isa. Di ba’t napakasakit ng pakiramdam kapag ang minsan ka nang pinangakuan na hindi siya magkakagusto sa crush mo ay nilamon na lamang niya ang kanyang mga salita at pangako. Napakasakit! Dahil sa nangyari nagkaroon ako ng bitterness kay Maeryll kahit na pinipilit ko naming alisin ang bitterness na ito. Hindi ako nagagalit dahil inagaw n’ya ung crush ko dahil alam ko namang “walang kami”. Nagalit ako dahil pinagkatiwalaan ko siya. At ang tiwalang ito ang sumira sa aming pagkakaibigan.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Apr 15, 2014 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Tiwalang minsang ibinigayOù les histoires vivent. Découvrez maintenant