KOYANG MANUNULAT. ♡
-
Dahil bakasyon na naman, uwi na naman ng province. As usual every year at every april umuuwi kami. Pero pag dating don, Wala naman magawa. Kaya tanging yung bike ko lang pinagkakaabalahan ko.
Hanggang isang araw, habang nagbabike ako.
May nakasalubong akong babae,
Ang Ganda nya. Yung tipong di nya na kelangan magpaganda. I mean, she's pretty without even trying. Sinundan ko kung san sya pupunta. Minsan nga lumiliko ako pag napapatingin sya. Haha!
Until napunta na sya sa destination nya na sobra kong ikinagulat, Pumasok sya sa bahay na isa sa kinoconsider na Haunted House sa brgy namin, nagtaka ako. Kaya sinundan ko sya, wala akong paki kung may multo man dun baka kasi may lumipat na. Hahaha!
Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot at bumubukas. Hanggang sa may taong sumigaw galeng sa labas, "Boy, anong ginagawa mo dyan? Walang tao dyan!", "Wala po" Ang sagot ko.
Pero tumuloy ako, binuksan ko yung pinto at bumukas. May nakita akong babaeng umakyat sa hagdan, "Miss! Sandali." Hinabol ko sya paakyat. Nakita ko sya kaya nag-HI ako, Ngumiti sya saken. Nagpakilala ako sa kanya, "Hi, ako si Mikael. Ikaw anong pangalan mo?", " Diane." Sagot nya. Ang ganda ng ngiti nya. I think na in-love na ako sa kanya ng ganun kabilis.
Niyaya ko syang magbike. Pumayag naman sya, pinasakay ko sya sa likod na upuan ng bike pero habang nagbabike at kinakausap ko sya, nagtitingin yung mga tao samin. Nagtaka ako kaya huminto kami, tas may biglang lumapit samin. "Mikael, sinong kausap mo? Wala ka naman kasama ah?" (Si Anne, best friend ko sa province) "Meron, ayun sya." Pero pag turo ko sa pinaroroonan ni Diane, wala sya dun. Kaya hinanap ko sya.
Lumipas ang Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim at ang huling araw namin sa province, wala na sya. Pinuntahan ko sya sa Haunted House kung saan sya dumiretso nung sinusundan ko sya, before kami umalis, nag bike muna ako. Umaasa na sana, nasa likod ko sya nakayakap sakin tulad nung niyaya ko syang mag bike pero wala na talaga. Nagtanong pa ako kay Anne kung may alam syang tao na nakatira dun sa Haunted House, pero wala daw. Tinanong ko rin kung may kakilala syang Diane, wala rin daw. I also describe Diane's face pero wala daw, Wala pa daw syang nakikita.
Hanggang sa aalis na kami, Iniwan ko sa Garahe namin yung Bike ko. At nagpaalam na sa mga relatives ko at kay Anne. Nung naka sakay na ako at umandar na yung sasakyan namin, Nakita ko sya nakatayo sa di kalayuan, nakangiti at nagsalita. Hindi ko narinig pero nabasa ko ang bibig nya, "Mikael, Mahal Kita. Hanggang sa muli nating pagkikita!" Sabay takbo papalayo.
Hindi ko na sya nakita at napabulong nalang ako ng, "Mahal rin kita Diane, Until we meet again."
THE END.