Chapter 9

141 4 4
                                    

Rayver's POV

"Anong ginawa niyo nina Oliver kagabi?" tanong ni Kate.

"Nag-celebrate lang kami ng pagkapanalo namin. Bakit?"

"Wala. Masama bang magtanong ang bestfriend?"

"Wala naman. Promise! wala kaming ginawang milagro." sabi ko sabay taas ng isang kamay na parang nanunumpa. Totoo naman eh, wala naman kaming ginawa sa bahay ng kaibigan ni Oliver kundi mag-celebrate ng pagkapanalo namin. 

"Ok. ^__^" - Kate.

"Kate."

"What?"

"Kailan natin balak magpractice para sa competition?"

"Kailan mo ba gusto?" tanong niya. Nakakalimutan niya ba na one week na lang bago mag-competition?

"One week na lang ito Kate. Kailangan ngayon magsimula na tayong magpractice. Baka mapahiya tayo kapag kulang tayo sa practice." sabi ko.

"Ok fine ^__^" sabi niya.

****

"Nagets mo na ba yung tinuturo ko sayo kung paano magtugtog ng gitara?" tanong ko. Mukhang nagets niya na kasi nagsstrum na siya eh.

"Oo nakuha ko na! Thank you for teaching me!"

"Good. May naisip ka na bang kakantahin natin?" tanong ko. Meron akong isusuggest sa kanya baka hindi niya magustuhan. Ang gusto ko kasing kantahin namin ay yung Terrified.

"Wala pa eh. Gusto ko sana yung Closer You and I kaya lang nakanta na natin yun eh."- Kate.

"Gusto mo ba yun? Kaya lang nakanta na natin. Dapat iba naman ang kantahin natin para hindi nakakasawa." sabi ko. Totoo naman. Nakanta na namin tapos uulitin ulit edi na boring na lahat ng audience sa amin.

"Okay ^__^"- Kate.

"May naisip ka na bang kanta na maganda?" tanong ko.

"Wala pa eh. Ikaw meron ka na bang naisip?"

"Meron. Yung Terrified."

"Sige yun na lang maganda din yun eh. Ayun ang gusto kong kantahin natin."

"O sige. Simulan na natin. By the way Kate, memorize mo ba yun?"

Tumango siya. "Oo naman. Paborito yun ni Mama eh." Ah kaya pala. Edi maganda para hindi na kami matagalan mag-practice.

"Let's start." sabi niya at ngumiti.

****

I Love you, Bestfriend [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon