Chapter 2

35 1 0
                                    

(6 years later)

Ang bilis ng panahon no..

Akalain niyo ang magandang nine years old na bata noon ay 15 years old na dyosa na ngayon. Astig diba. Haha

Pasukan na naman. Haay!

"Shanuwa! Bumangon kana jan! Malalate ka na, first day niyo sa  klase ngayon. 4th year kana. Bilisan mo jan." Alarm clock ko.

Si mama.

"Opo. Babangon na. Wait!" Sigaw ko pabalik at tinabon muli ang kumot ko sa sarili ko.

"Babangon na talaga ha?" Sabi nga isang boses kaya automatikong dumilat ang inaantok ko pang mga mata.

"DWIGHT?!" gulat na usal ko.

Shit ! Bakit siya pumasok

Tinignan niya lang ako habang nakacross arms.
Bihis na bihis na siya oh.

Aba excited !

"Tita oh. Si Shanuwa nagtalukbong pa ng kumot." Sigaw niya kaya agad akong bumangon at tinakpan ang bibig niya.

"Tumahimik ka nga!" Sita ko sakanya.

Kinuha niya ang kamay ko at pinagpagan ang sarili niya.

"Maligo kana ang baho mo." Striktong sabi niya.

Sininghot ko naman agad ang sarili ko.

Oo nga. Pero OA  niya di naman gaano. Tsss

Kumarapas ako ng takbo patungo sa banyo.

Ligo. Ligo. Ligo.

Tapos.

Patay! Tuwalya ko.

Ang malas naman Shanuwa eh !

"Wight!" sigaw ko.

"Nandiyan ka pa ba?" 
Tanong ko..

"Oo. Bakit." Siya

"Pakiabot ng tuwalya ko. Hehe. Nasa drawer." Turo ko sa kaniya.

"Alam ko... alam ko... di lang naman  unang beses to e. Ang engot mo talaga kahit kailan Light." Umiiling na sabi niya sabay abot ng tuwalya ko.

Syempre kamay ko lang ang pinalabas ko para abutin yun. Ulo rin pala. Hihiji.

"Tenks!" Sabi ko at pumasok ulit.

Paglabas ko nakita ko siya pinalantya ang uniform ko.

Ambaet !...

"Thank you ulit." Nakangising aso na sabi ko.

"Lumabas kana, kasi magbibihis na ako." Sabi ko.

Pilyo siyang tumingin saakin.

"Diba hindi rin naman ito ang unang beses na nagbibihis ka sa harapan ko?" Nakangising sabi niya.

Uminit ang mukha ko." Uy gago ka. Iba yun. Mga bata pa tayo non. Labas." Usal ko.

Buset !

Nakangisi siyang lumabas sa silid ko.

Sinuot ko na ang uniporme ko.

6 years na kaming best friend ng mokong na yun.

At about sa sakit niya? Well meron parin pero nagpapagamot naman siya kaya umabot ng anim na taon. Hahah may glasses na rin siya di tulad noon.

Medyo tumaba na rin siya... ahh... basta sakto na ang pangangatawan niya. Pero maputla parin.

"Hoy. Bakit ba ang tagal mo." Sabi ni White sa labas.

Soon To Be YoursWhere stories live. Discover now