Fight or Flight

967 56 15
                                    

A/N: Ewan ko, si Leng kasi eh. Ayan, habang iniiyakan ko yung update niya ng very very light ayan po ang namuong Barbs sa pagkatao ko. 

Feeling ko waley to, pero kung binasa mo ng buo at may naramdaman ka, salamat! :)))

Comments and violent reactions are accepted. Death threats are not. Thanks! :)

P.S. Pakinggan niyo yung kanta sa external link, I can't Do this by Plumb. Yan kasi yung pinapakinggan ko habang tinatype to. Ayun Enjooooy! Sana.

Ysabel <3

Alam kong masaya ako ngayon pero hindi na ako sigurado ngayon dahil sa sinabi ni Kesh. Putangina lang! Porket nagtext lang yung epal tungkol sa ice cream iba na agad yung ngiti ko? Kailan pa nag-iba yung ngiti ko? Kailan pa nagsimula ito? Kailan pa nagkaroon ng pagbabago sa sarili ko nang hindi ko man lang napapansin? Kailan pa?

Matapang kung matapang ako pero yung nangyari last year nakakatakot maulit, nakakatakot nab aka biglain nanaman ako nang mga pangyayari tapos sa isang iglap, talo nanaman ako. Puta, ayokong lumaban tapos malalaman ko na ako lang pala yung lumalaban kasi hindi pala ako yung pinaglalaban niya.

Lahat naman ng bagay nagsisimula sa takot o baka ako lang yun? Ayoko nang ganito. Ayoko nang walang kasiguraduhan. AYOKO. AYOKO. AYOKO. Mahal ko ba? Ganito ba yung nararamdaman kapag in love? Bakit iba yung nababasa ko sa mga novels at napapanood sa movies? Hindi dapat ganito e. May obvious transistion dapat. Tapos ngayon bubulaga sakin na may iba pala sa ngiti ko? Na ala-Zade Pascual yung aura ko kapag nagtext at nakausap ko na siya? Kung si Kesh na ngayon ko lang nakilala, paano pa kaya yung mga taong nakakakilala na sa akin buong buhay ko, napapansin din ba nila?

Fight or Flight? Sinabi na ni Seth sakin na mahal niya ako, pero ako ba mahal ko na siya? Sigurado na ba ako? Basta alam ko masaya ako kasama siya. Masaya ako sa kung anong meron kami ngayon at ayokong mawala yung kung ano man tong relationship naming, alam kong kumplikado pero wala naming nadedehado diba? O meron na? Pero malinaw samin na six months ago, sususbukan namin to, at titingnan kung anong kahahantungan ng ganitong setup.

“No big deal pero kung makangiti ka…parang nanalo ka sa lotto or something. Alam mo ganyan din yung mga ngiti ni Zade nung nasa kilig phase sila ni Andreau. Sana ganyan din ako pag na in love, ano?”

“You’ve always smiled liked that since I met you, Barbs. You’re so lucky.”

Boses ni Kesh na sinsabi yan ang paulit-ulit sa utak ko buong gabi at buong araw ngayon. Seryoso ba? Ever since she met me ganun na yung ngiti ko? So ibigsabihin, matagal na rin akong nagbago? Nang hindi ko man lang napapansin? Hindi lang simpleng ngiting saya yung tinutukoy ni Kesh e, pero yung ngiting sobrang malaman? PUTANGINA TALAGA! Kailan nangyari to? Alam kong dapat magkikita kami ngayon pero hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nagkita kami, lalo na ngayon na nalaman kong may nagbago pala sakin. Sinandya ko talagang ilowbatt yung phone ko at hindi siya itext kasi hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.

Six months. All it took was six months and I still don’t know if I can risk trusting anyone like what  I did last year. Sinubukan kong akyatin yung langit, all along thinking na kasama ko siya while fighting for a chance to get into heaven pero pucha wala pa sa kalahati, nilaglag ako kasi hindi pala ako yung kasama niya to fight for that spot in heaven. Tangina lang! Ano bang nangyayari?! The last time I risked trusting someone I got burned so bad. Tipong third degree burn na nga tapos sa sobrang lapnos ng balat kailangan pa ng facial reconstruction para lang maibalik yung dati. Tangina, andaming pera at oras ang kailangan nun, tapos ngayon dahil lang sa ngiting sobrang laman nagkaganito ako? Putangina!! Kaya ko na ba? Kaya ko na ba? Kaya ko na bang aminin sa sarili ko na mahal ko siya at patunayan yun o may takot parin deep inside nab aka ginawa ko lang na panakip butas si Seth para dun sa isang kumag?

“I’m done with this.” Those were the words I said to him before leaving. Those were the words I regret saying after I left. Those were four words that I said and are haunting me for two days straight. I messed up. I screwed up the only good thing in my life right now. I’m such a coward. Tama naman kasi siya e, duwag ako. Ngayon, ni hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Lakas pa ng loob ko na sabihin yan, e si Vivien nga lang ang may alam ng tungkol saming dalawa sa lahat ng kaibigan ko bukod kay Cyrus.

Kung tutuusin, wala akong karapatan para sabihin sa kanya yung apat na salit na yan, siya pa nga dapat yung magsabi sakin niyan e. Hindi naman kasi ako yung sumuyo e, hindi naman kasi ako yung nagsabi nang “Sana ako na lang yung piliin mo” or “Please choose me”. Wala akong karapatan kasi siyang yung may karapatan na itapon yung setup na to dahil sa kaduwagan ko.

Last year, I took the plunge and let myself fall for Cyrus, thinking that both of us were feeling the same way towards each other. Naisip ko bigla, am I doing this just to spite him? Na kung kalian niya ako nagustuhan dun ako tatakbo sa iba kasi ginawa niyang miserable yung buhay ko nung masaya siya kasama yung syota niyang snerd? Alam kong sira ulo ako pero sa tingin ko naman hindi ko kayang gawin na paglaruan si Seth para lang gawin pankip butas kay Cyrus, hindi ako ganung klaseng tao. Pero ang sama-sama kong tao para sabihin sa kanya lahat ng sinabi ko.

Natatakot ako. Fight or Flight? Sobrang galit siya dahil sobrang nag-alala siya, sobrang galit din ako na naisip niyang fling lang to para sakin.

Hindi niya ako sinundan, hindi niya ako hinabol. Ni hindi niya ako tinawagan o tinext man lang. Ganito na lang ba yung ending lagi?

Tangina, hindi ako si Leiza ng You’re The One That I Want, ako si Barbara Ramirez na tao at hindi alam ang gagawin dahil sa sobrang takot.

Am I going to fight? For him? For me? For happiness and love? Or am I going to fly? Run and hide from everything that has the potential to hurt me again like what I used to do?

Fight or FlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon